Chapter Seven

524 29 1
                                    

"SIKAT pala kayo rito sa Lady Luan Academy, Ate Marga! Lalo na sa mga freshmen na tulad ko," masayang kuwento ni Darlette sa kanya.

Napangiti si Marga. Nakaabritse sa braso niya noon si Darlette habang naglalakad sila papunta sa classroom ng dalagita. "Talaga? Paano mo naman nasabing sikat kami?"

"Kasi kilala kayo sa lahat ng year level. 'Yong mga senior na nag-orient sa 'ming mga freshmen, sinabi na dapat kayong apat nina Ate Cha, Ate Minde at Ate Darla ang tularan namin. Pati nga 'yong mga teacher namin, ang taas na ng expectation sa 'kin nang malaman nilang kapatid ko si Ate Darla," natatawang kuwento pa nito.

Ngumiti lang si Marga.

"At Ate, alam mo ba kung anong tawag nila sa inyong apat?" pagpapatuloy ni Darlette mayamaya. "Gorgeous Four! Ang cute, 'di ba?"

Kumunot ang noo ni Marga. Hindi niya alam kung maiinis o matutuwa siya sa bansag na 'yon sa kanila. Ang baduy kasi. "Gorgeous Four? Bakit naman?"

"Kasi almost-perfect na kaya kayo! You're all pretty, smart, and nice. Don't try to deny it, Ate Marga. Honor students kayong apat. Kahit anong isuot niyo, bagay na bagay sa inyo. Lalo na si Ate Cha na pang-model ang haba ng legs. At lahat kayo, magaganda."

Natawa lang si Marga. "That's... nice."

"'Gorgeous One' ang tawag ng mga schoolmate natin sa 'yo, Ate Marga. Sabi nila, parati ka raw absent pero parati ka pa ring highest sa mga exam. 'Tapos bilib din ang mga taga-Multimedia department sa 'yo dahil mas magaling ka pa raw gumawa at mag-edit ng videos sa kanila." Pabirong binunggo siya nito. "At ang guwapo pa ng boyfriend mo!"

Lumagpas ang tingin ni Darlette sa kanya. Nalingunan ni Marga si Kris na itim na uli ang buhok. "O. Nandito ka na pala."

Agad na pumulupot ang braso ni Kris sa baywang niya. He pulled her closer to his body for a half-hug. Binalingan nito si Darlette. "Hey, little sis." Maging ito ay napalapit na sa dalagita.

"Hello, Kuya Kris," ganting-bati ni Darlette dito. "Huwag niyo na 'kong ihatid since malapit na ang classroom ko. Mag-date na lang kayo."

Natawa si Kris. May dinukot ito sa bulsa ng pantalon at inabot iyon kay Darlette. "You're adorable, Darlette. Kaya malakas ka sa 'kin, eh."

Napabungingis si Darlette nang makitang chocolate bar ang iniabot ni Kris dito. Pagkatapos ay nagpaalam na ito sa kanila. Hindi na siya nag-alala dahil habang naglalakad ito ay sinabayan na ito ng mga kaklase nitong babae.

Pinulupot niya ang braso sa baywang ni Kris ng akbayan siya nito. "Oppa, where's my chocolate?" Binawasan na niya ang kaadikan niya sa Kpop fangirl simula nang maging sila ni Kris isang taon na ang nakararaan, but old habits die hard. Kaya nga heto't 'oppa' ang tawag niya sa binata bilang paglalambing dito, na gusto rin naman nito.

Ngumiti ito na parang nahihiya. "Sorry, baby. Isa lang 'yon, eh."

Eksaheradong sumimangot siya. Hindi siya nagseselos kay Darlette, pero gusto niyang nilalambing siya ni Kris.

Kinabig siya ni Kris palapit dito. "Ay, nagtatampo ang baby ko. Gusto mo bang mag-lunch sa favorite Korean restaurant mo?"

Natawa si Marga. Alam naman niyang ayaw na ayaw ni Kris ng Korean food. Hindi niya ito-torture ang boyfriend niya dahil lang gusto niyang magpalambing. "'Tapos na ang klase ko. Sa bahay na lang tayo. Ipagluluto kita."

"Really?" excited na tanong nito.

Nakangiting tumango siya. "Oo naman. Then, stay for dinner na rin. Mom will be happy to see you again."

What Charmed Marga (Preview)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant