Pag balik ko doon ay nakita ko na nag kwekwentuhan na silang dalawa kaya nakisali na din ako sa kanila.

"So... Sino yung lalaking kasama niyo kanina?" Tanong ko sa kanila at bigla namang napaubo si Yelle habang si Rianne ay humalakhak.

"Bagong boylet ni Yelle HAHAHAHA!" Sabi ni Rianne kaya pinalo siya ni Yelle.

"Oy! Hindi ah! Unnie wag kang maniwala sa kanya! Peste ka!" Sabi ni Yelle at patuloy na pinag-papapalo si Rianne pero kahit ganon makikita mo parin na namumula yung mga pisngi niya.

Hmm... I smell something meaty..

Langya! Fishy kasi yun! F-I-S-H-Y! FISHY! Hindi meaty! Nue bayan! Antagal kasi dumating nung foods namin kaya ayan tuloy kung ano-ano na ang naiisip ko.

GUTOM NA KO!

Saktong pag kasabi ko non ay bigla ng dumating yung pagkain kaya kuminang yung mata ko.

FOOOOOODDSSSSS!!!!

Nagsimula na kaming kumain at nakita ko kung gaano kabilis maubos ni Rianne yung hamburger na kinakain niya. Parang isang subuan lang mga yata yung hamburger sa kanya eh. Malapit na akong matapos kumain pero nagugutom parin ako at dahil nga sa tinatamad akong tumayo para umorder ulit kumuha nalang ako ng slice ng cake ni Rianne kasi paubos na yung kay Yelle pero bago pa ako makakuha ay biglang pinalo ni Rianne yung kamay ko.

"No! Not my babies!" Sigaw niya at nilayo yung pagkain sakin. Napatawa naman si Yelle habang ako ay nag tataka. Babies?

"Yung babies na tinutukoy niya Unnie is her FOODS" Inemphasize niya talaga yung word na FOODS kaya napa-pout nalang ako.

"That ain't gonna work" Sabi niya kaya napasimangot nalang ako. Usually kasi ang kahinaan niya is yung pag pout ko pero pag dating talaga sa pag kain, waepek.

Nang matapos na siya kumain ay umalis na kami at nag tungo sa classroom namin. Paano ba naman kasi ang bagal kumain nitong Rianne na to. Ang dami daming inorder tapos ang bagal kumain, eh kung sana binigyan niya ako edi mabilis siyang matatapos.

Nasa hallway palang kami ng biglang may bumangga sakin. Sa lakas ng pag kakabangga sa akin ay napaupo ako.

Sh*t! Ang sakit!

"Oh my gosh! Are you okay Unnie?" Sabi ni Yelle habang si Rianne naman ay tinutulungan akong itayo.

"Hey you! Don't you have manners huh!? Nakabangga ka na nga ng tao! Hindi ka pa marunong mag sorry!" Sigaw ni Rianne sa kanila. Actually hindi ko pa nakikita kung sino ang nakabangga sa akin dahil busy ako sa pag pagpag ng palda ko.

"Oh! Hi there sister in law!" Sa boses pa lang na iyon alam ko na kung sino.

"Me? Oh bijj please! Wala akong sister in law na kagaya mo!" Sagot naman sa kanya ni Rianne.

𝓗𝓸𝔀 𝓽𝓸  𝐋𝐎𝐕𝐄 𝔂𝓸𝓾 𝐁𝐀𝐂𝐊?Where stories live. Discover now