Muli niyang pinindot ang "M" at laking pasasalamat naman niyang hindi na siya nagkamali.

"Hay, buti naman," sabi pa niya saka pinindot ang pangalan ni Michelle.

Tapos, nag-send na siya ng message.

Siguro, tatlong minuto rin siyang naghintay bago ito nag-reply.

Michelle: Bakit mo naman naisip bumisita sa amin, aber?

Ruby: Bakit, bawal ba? 'Di huwag na.

Michelle: Ang init na naman ng ulo mo -_- Oo na, pumunta ka na dito. Make sure lang na iiwan mo ang PMS mo jan sa bahay n'yo, ha?

Ruby: Oo! Geh, maliligo muna ako.

Binitiwan na niya ang cell phone at pinatong iyon sa tokador niya.

Akmang papasok na siya ng banyo nang muli tumunog ang cell phone. Agad niya iyong kinuha. May reply na naman si Michelle.

"By the way pala, nasa store ako now. Wala kasi si Mudra, eh. Namakyaw ng paninda," pagbasa niya sa reply nito. "Keribelles lang, sus."

Hindi na niya ni-replyan ito. Pumasok na lamang siya sa banyo para maligo.

HINDI maipaliwanag ni Ruby ang naramdaman nang sandaling iyon. Halu-halo kasi.

Una sa lahat, ang pagkairita dahil mainit. Brown out din pala hanggang kina Michelle.

Pangalawa, pagka-bad trip. Paano'y ang lansa sa stall nina Michelle. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan niyang pagtitinda nga pala ng isda ang pangunahing kabuhayan ng pamilya nito. Tuloy, pinuputakte siya ng langaw.

Lastly, ang pinakamasaklap sa lahat, naroon din si Kenneth!

"Lecheng ito, bakit ba nandito ito?" bulong niya sa sariling habang nakatingin kay Kenneth. Tinutulungan nito si Michelle sa pag-aasikaso ng mga customer. "Kung alam ko lang, hindi na sana ako nagpunta dito."

Naalala niya bigla 'yung nangyari habang nagte-text siya. Naiintindihan na niya kung bakit lagi siyang nagkakamali. Warning na pala iyon sa kanya!

"At ikaw naman linsyak na pagkakataon, ang bobo mo!" Para siyang timang, promise. Sermunan ba naman ang isang bagay na hindi naman nag-e-exist? "Alam mo namang ayaw ko siyang makita, bakit kailangan mo kaming paglapitin? Leche ka! Leche! Pang-asar ka yata, eh."

Sa wakas ay wala na ring mamimili kaya naman nagawa na ring umupo ni Michelle.

"Ay, grabe, kapagod talaga kapag ganitong oras. Tuluy-tuloy ang customers," sabi ni Michelle habang naghuhugas ng kamay. Pagkatapos, kinuha nito ang isang plastic na stool at inupuan iyon.

Samantalang, nilinis naman ni Kenneth ang mesa kung saan ito naglinis ng isda.

In fairness, marunong palang maglinis ng isda si Kenneth. Bakit hindi ko alam iyon? Kumunot ang noo niya. Eh, ano naman kapag nalaman ko ito? Duh, as if I care.

"Nga pala,"—Muli niyang ibinaling ang tingin kay Michelle—"bakit nga pala kayo napadalaw dito?"

"Bakit ba? Bawal ba?" reklamo niya. "Kanina mo pa tinatanong iyan, ah?"

Naningkit ang mga mata ni Michelle. "Alam mo, Ruby, sasakalin na kita. Ano bang masama sa pagtatanong, ha?"

"Eh, ba't ba kasi? Ano ba kasing big deal kapag nandito ako, ha?"

"Ay, ewan ko sa iyo, bruha ka." Napaikot na lang ito ng mata saka binaling ang tingin kay Kenneth. "At ikaw naman, Kenneth, pwede bang i-explain mo sa akin kung ano ang isyu ninyo ni Ruby at hindi kayo nagpapansinan recently?"

On the Seventh Day of May [Seven Series #2 | ✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon