Chapter 26 - Meeting Part 4 (Finale)

2.7K 168 33
                                    

Hindi makapaniwala si Princess Fiona sa nakikita niya.

Matatanggap niya ang pangyayaring ito kung ang nasa harap niya ay may edad na, pero isang bata?!

Ano pat parang kasing edad niya lang ito?!

Lumaki siyang napapalibutan ng papapuri.

5 years old B Ranker, Three Element
Holder at higit sa lahat Chosen!!!

Pinili ng Divine Phoenix!

Bawat isa sa Title na yan ay mapapaluhod ang sino mang makarinig. Wag mo ng banggitin na anak siya ng Emperador.

Lahat humahanga sa talento niya, buong Syrius Citizen ang humahanga sa kanya.

Bilang Chosen mataas ang confidence niya sa talento niya.

Sa buong Asdrad, hindi lalampas ng bilang ng sampung daliri ang pwedeng tumapat sa kanya ano pa kaya ang higitan siya?!

Pero kahit ano pa ang talento niya, kahit sobra sobra ang lakas niya kumpara sa ibang B Rank, hindi niya kayang kalabanin ang isang Boss type A rank kahit mag isa lang ito.

Kahit sinong tao sa mundo ay alam na kailangan mas mataas ng isang 'stage' ang Rank mo para makatapat ka sa isang Boss type. Hindi star ang pinag uusapan dito! Kundi Stage!!

Ibig sabihin pag A rank boss type dapat S rank Ranker ang lakas mo!

Imposibleng may makagawa nito sa buong Syrius Empire o kahit na sa buong mundo!!

Pero ang isang ito na nasa harap niya!

Nagawa niyang talunin ang Boss type A rank beast na nasa harap niya!

At hindi lang isa! Kundi Tatlo!

Ang masmasakit, kasing edad niya lang ito!!!

"Si-si-sino ka?!!" May halong pagkabigla na tanong ni Fiona. Kung mapapansin mo nanginginig pa ang kanyang katawan. Halatang hindi pa maka get over sa nakikita niya.

Hindi na ito pang tao!!

Sasagot na sana si Drol ng may marinig siyang paparating. Ang totoo kanina niya pa naramadaman na may mga taong paparating pero nasa kalagitnaan siya ng laban kaya kailangan niya mag focus. Alam niyang hindi dapat minamaliit ang kalaban at dahil dito sa kaisipan niya ay nakasurvive sa Hell na Thousand Beast Mountain.

"Prinsesa! Tek------" Hindi natuloy ang sasabihin ni Master Fueg ng makita niya ang nasa harap niya. Agad na tumindig ang kanyang balahibo.

Hissssss!!! Cold Breath!.

Pati ang palaging kalmado na personal butler ay napanganga at pwede na ditong ipasok ang bola ng golf.

Kung ganito ang reaksyon ng dalawa ano pa kaya ang ibang gwardya?!

Lahat sila ay napatalon at nanginginig ang tuhod, may isang napaupo na sa lupa at ang iba naman ay napagkamalang halimaw si Drol at agad na pumwesto sa harap ng Prinsesa.

Habang si Wyna ay naging statwa!

"B-b-b-boss type A-a-a R-r-rank. N-n-n-natalo n-niya" Hindi makapaniwala si Wyna. Sa buong buhay niya, lahat ng mga hindi kapanipaniwalang bagay na natunghayan niya pagpinagsamsama ay hindi maikukumpara sa nararamdaman niya ngayon. Imposible na ito! Para mo nang sinabi na natalo si Reverand Roland ng isang sanggol.

Nabalik sila sa ulirat ng marinig nila ang salita ni Drol.

"Sino ako?Ang pangalan ko ay Drol. Sino ka din?" Inosenteng sabi ni Drol. Bilang bata kailangan niyang magpanggap na isang bata.

"F-fiona" Simpleng tugon ni Fiona. Nakalimutan niyang nasa harap pala siya ng mga gwardya kaya bumalik na sa Cold Look ang tingin niya.

"B-bata sabihin mo, ikaw ba ang tumalo sa tatlong yan?" Tanong ni Master Fueg. Kahit nakikita niya ang dugo sa kamao ni Drol ay hindi padin kayang paniwalaan ng common sense na kayang talunin ng isang 5 years old na bata ang isang boss type!.

The Heir of the Gods B1(Adventure in the world of Asdrad)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ