Nagpaalam sa kin si jho na ibabalik lang nya yung hiniram nyang bag kay kimmy kaya pansamantala na naiwan ako rito sa room nya. Sumandal ako sa headboard at nag scroll sa twitter habang hinihintay kong makabalik sya sa room.


Nag ring yung phone nya pero wala akong balak na sagutin yun kaya hinayaan ko na lang na mag ring na mag ring lang yun, tutal sandali lang naman si jho kina kimmy.


Napahinto na ko sa ginagawa ko at napatingin na sa phone ni jho na nagiingay pa rin, nakalapag lang din sa bed pero may kalayuan kung san ako nakapwesto. Never say die yata ang motto ng tumatawag sa kanya, panay panay ang ring eh.


Nilingon ko ang pintuan ng room nila, naiinip na kase ako sa pagbalik ni jhoana. Mukhang napasabak sa kwentuhan ang isang yun ah, may katagalan na kase akong naghihintay sa kanya dito. Muli akong napatingin sa phone nyang nagriring na naman, parang gusto ko ng sagutin yung natawag sa kanya dahil naiingayan na ko.


( Sagutin mo na kase. Malay mo importante yan. Sabihin mo na lang kay jhoana mo later. Hindi naman siguro magagalit yun. )


Sige na nga. Tutal di naman big deal sa min na pakelaman namen pareho ang kanya kanya nameng phone eh. Transparent naman kame kahit dati pa at wala pa kame sa gantong level ng relationship. At saka wala naman kameng itinatago sa isat isa kaya nga iisang pincode lang ang gamit nameng pareho sa phone.


Pagkaabot ko sa phone nya ay saka naman huminto sa pag ring neto. "Ay loko to ah." sambit ko. "Sasagutin na nga eh. Kung ayaw mo eh di wag mo." saka ko lang napansin na naka10 misscalled na ito. Hindi ko naman pinagka abalahan na tingnan pa kung sino yung tumawag.


Kabababa ko lang ng phone ni jho ng muli itong tumunog, wala na sana akong balak na sagutin yun baka muli na namang mag end of call ito at sa bwiset ko ay baka mabato ko ang phone ni jho.


(Weh di nga? kaya mo?)


Syempre.....Joke lang yun.😁✌


Sinilip ko muna yung phone nya para malaman kung sino yung makulit na tumatawag sa mahal ko. Napakunot noo ako ng mabasa ko sa caller ID ng phone ni jhoana ang isang unfamiliar na name.....Hindi ko maintindihan pero biglang dinungol ako ng kaba.....


"NICO?"
















Nung araw na yun, nung araw na may isang unfamiliar na name akong nabasa sa phone nya na nagkataon ding tumatawag sa kanya ay di na ko mapakale. Yung kaba na nararamdaman ko ay lalong tumataas at nagbi-build up na yung hinala ko habang lumilipas ang mga araw at linggo. Ayaw kong i-entertain pero hindi ko talagang maiwasan, kusang sumisiksik sa alaala ko at sa isipan ko kahit anuman pa man
ang ginagawa ko kahit pa nga magkasama pa kame ni jhoana at lalo na pag di ko sya nakikita at nakakasama. Para akong pinapatay sa isiping yun.


Nasa gym kame ngayon at training ulit. Marame kameng kelangang pagtrabahuin lalo na sa receive at floor defense ng team, pasok ulit kase kame sa finals and makakalaban pa namen ang archrival namen---ang la salle. Matindi pa naman sa serve ang mga yun lalo na yung net defense at syempre ang floor defense nila.


Kelangan lahat mag step up para maging maganda ang kalabasan ng game 1 ng finals at sana pumabor sa min ang game (crossfinger) Isang malaking factor naman na naurong yung playdate ng 1st game ng finals kase makakapag training at scout kame sa mga games nila yun nga lang nakisabay naman or should i say natapat pa sa finals week namen yung finals ng UAAP. Halos di kame magkanda ugaga kung anong una nameng gagawin: review + training = STRESS!!! 😰😰😰


Going back, nasa sidelines na muna kame habang nasa loob ng court ang mga open at opposite hitters ng team ( kasama syempre si jia para sa setting ), sa kanila na muna ang focus ni coach.


Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now