Entry #3: Criminal Mind

Magsimula sa umpisa
                                    

Nakumpleto na naman ang araw ko sa ginawa kong iyon. Pakiramdam ko napahiya ko ng husto ang mayabang na 'yon.

Oo, nayayabangan ako sa isang iyon. Hindi ko alam kung bakit pero noong una pa lang talaga naming pagkikita ay ayoko na sa kaniya. Simula sa itsura, porma, salita, kilos at galawan ay naiirita ako kaya madalas ko siyang ipahiya at basagin.

Sa tuwing ginaganoon ko naman siya e madalas pang nagpapasalamat ang ungas kaya mas lalo akong nabubwisit. Masyado kasing nagbabait-baitan.

Isa rin iyon sa kinaayawan ko sa kaniya. Pabida, pa-humble, sip-sip. Kunwari mabait pero ang totoo ay mayroong itinatagong maitim na budhi sa katawan.

Kung kinagigiliwan siya ng ibang kapulisan dahil sa ganoong asal niya, ako naman ay hindi.. . Kahit hibla ng buhok kina-iinisan ko sa taong iyon. I really hate Stefan and I want him to die. Kung magkakaroon ng purge dito sa pinas, una siya sa listahan ng mga itutumba ko, pangalawa 'tong nakasabay ko sa elevator na napakabalahura.

Iniwan ba naman ang tissue na inubuhan. Nakaka-irita talaga ang mga tao, napakawalang disiplina.

Nagagalit tayo sa sistema ng marumi nating gobyerno e samantalang tayo na ni simple at katiting na kalat ay hindi maitapon sa tamang tapunan.

Nagagalit tayo sa traffic sa edsa e daan naman tayo ng daan doon. Lagi tayong may demand, lagi tayong may hinaing sa buhay pero hindi naman tayo kumikilos at gumagawa ng tama.

Sobra-sobra na talaga ang kakulanagan ng tao sa disiplina, lalo na rito sa PINAS na ang demokrasya ay nabahiran na ng pagkabalahura. Tapos ang lakas pa ng gana natin na isisi ang lahat sa mga namumuno.

Sarap pagsasakalin!

Kung lagi nating isisisi sa iba ang nangyayari sa buhay natin ay hindi yayakap sa atin ang pag-asenso at. . . at.. . at . . .

Dami ko ng nasabi sa isip ko na kung ano-ano, nagmumukha tuloy akong galit sa mundo e. Hindi ko rin tuloy napansin na nasa parking area na ako.

I'm about to start the engine of my black-shiny vintage car when my phone ring. Kinuha ko ang nasabing bagay sa kaliwang bulsa ng suot kong itim na pantalon at agad sinagot ang tawag.

Matapos maka-usap ang nasa kabilang linya ay mabilis kong nilisan ang hotel.

-----

Nakakasenti talaga ang ulan kahit kailan.

Sabi nila ay ulan ang nagdidilig sa natutuyong mundo, subalit iba ang pakiwari ko. Mayroon pang kadahilanan kung bakit nagbabagsak ng ulan ang kalangitan.

Para samahan tayo sa pagluha.

Bakit kaya kadalasan, sa t'wing umuulan ay lungkot ang hatid nito sa pakiramdam ng tao? Bakit sa tuwing magbabadya itong pumatak sa lupa ay bigla na lang makakaramdam ang puso ng iilan ng kakaibang pighati? 'Yong tipong ang saya-saya mo pero kapag biglang bumuhos ang ulan e bigla na lang mag-iiba ang ekspresyon ng iyong mukha, maaalala mo ang mga hindi magandang nangyari.

Kasabay ng malakas nitong ugong na sinusundan ng palitang dagundong ng kulog at kidlat ay magbabalik sa iyo ang lahat ng sakit.

Gaya ngayon.

Naalala ko na naman ang mga panahong iyon.

Ang trahedya na ayaw ko ng maalala subalit pilit ibinabalik ng ulan sa aking isipan.

Nagflashback na naman sa aking ang lahat. Ang nakahihindik at madilim kong nakaraan.

They died not because I didn't do anything, but because I can't do anything.

Kung may magagawa lang sana ako noon, kung hindi lang sana ako naduwag. . . If I had a strenght to fight at that time.. . Hindi sana .. .

Hindi sana mawawala ang aking pamilya.

Watty Writer's Guild Journal 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon