Special Entry #1: HOPE

45 8 10
                                    

Description: Ang masayang bayan ay sa isang iglap naging malungkot

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Description: Ang masayang bayan ay sa isang iglap naging malungkot. Nawalan ng ari-arian, nawalan ng mga mahal sa buhay, nawalan ng pag-asa ang ilan para ipagpatuloy ang buhay. Sa kabila ng giyera sa syudad ng Marawi, mananaig pa kaya ang pag-asa sa kanila?

Why: Para magbigay ng pag-asa at makapagbigay inspirasyon.

How: Maraming ideas ang pumasok sa aking isipan subalit hindi ko alam kung ano sa mga ideas ang isusulat ko hanggang sa naikuwento ko sa kapatid ko ang naisip kong plot at nag-suggest siya. Naisulat ko rin ito dahil sa mga nabasa kong posts about sa nangyari sa Marawi.

---

Tahimik kong nilalanghap ang hangin habang nakatitig sa punong wala ng buhay. Hindi ako makapaniwalang ganito ang sinapit ng kinagisnan kong bayan. Ang aking pinakamasayang mga araw ay naging isang madilim na bangungot.

Namamayani ang pag-asa sa aming lahat kahit na hindi namin alam kung paano magsisimula muli. Mahirap pero kakayanin ko ang lahat ng ito. Sa katahimikan ay aking inaalala ang nangyari. Masalimuot at isa ito sa hindi ko makakalimutang pangyayari sa buong buhay ko.

Nakangiti kong pinagmasdan ang aking sarilng pigura  sa malaking salamin. Lahat ay excited sa magaganap na party mamaya. "Maureen!" nagitla ako sa pagsigaw ng aking Ina. "Ma, bakit?" tanong ko sa kaniya nang pumasok siya sa aking kuwarto.

Pinasadahan ako nang tingin ni Mama mula ulo hanggang paa. Kitang-kita ko ang pagningning nang mga mata nito sa akin. "Ang ganda-ganda naman ng anak ko." masayang puri ni Mama sa akin ngayon. Kasyang-kasya sa akin ang iniregalong sandals ni Tita Gerlie maging ang ball gown na ipinahiram sa akin ng amiga ni Mama na may-ari ng mga gowns dahil daw debut ko.

"Si mama naman, biniro pa ako," wika ko dahil kung anu-ano na namang mga papuri niya sa akin. "Anak, happy 18th birthday!" masigla niyang bati sa akin na humagikgik naman ako. Para talagang bata si Mama.

"Ma, kanina mo pa ako binabati ng happy 18th birthday. Paggising ko pa lang ayan na ang bungad mo maging sa tanghalian at meryenda kanina binati mo ulit ako." nakanguso kong reklamo sa kaniya. Tumawa lang si Mama at maingat niyang pinisil ang aking pisngi.

"Masaya lang ako anak dahil heto, magde-debut ka na at ganap ka na talagang dalaga. Pero hindi porke eighteen ka na mag-aasawa ka na," bilin niya sa akin. Grabe naman mag-isip si Mama, asawa agad? Ni wala pa nga akong nobyo.

"Mama, asawa agad hindi pa nga ako nagkakaroon ng nobyo dahil ayaw niyo ni Pa—"

"Nagrereklamo ka, Maureen?" sulpot ni Papa sa bukana ng pintuan. "H-hindi po." nauutal kong sagot dahil sa pagkabigla.

"Anak, hindi ka pa puwedeng mag-nobyo. Masyado ka pang bata para sa pag-ibig na 'yan. Puppy love pa 'yan sa ngayon." sabi ni Papa na paulit-ulit na niyang sinabi sa akin. Strikto si Papa ngunit hindi naman gaano, iyong sakto lang at naiintindihan ko namang ayaw pa nilang magkaroon ako ng kuwentong pag-ibig.

Watty Writer's Guild Journal 2 Where stories live. Discover now