Entry #2: Between Love and Friendship

Začít od začátku
                                    

"W-Wala naman." Kaila ko. Maiintindihan din naman ng bruhang iyon kung hindi ako sisipot! Sa ngalan ng pag-ibig! "Wala, so let's go?"

Saglit na namayani ang katahimikan. Pansin ko ang agam-agam sa kanyang anyo habang lumilingap sa paligid, marahil tinitiyak niya kung nagsasabi nga ako ng totoo.

"Pretty please?" Ipinagtagpo ko ang mga palad at binigyan siya ang pinaka-cute at pamatay kong paawa effect.

"Fine." He sighed.

"Good." Ang makasama siya ay isa sa napakamasayang nangyari sa buhay ko. Siya lagi ang kasa-kasama ko sa paglilibot. We even exchange our numbers. From this, I am expecting more. I want to hear from his own mouth that he feels something for me too.

Nagkaroon lamang ako ng pangamba nang nagbalak akong ipakilala siya sa bessy ko. Na-late lang ako ng halos kalahating oras dahil sa traffic. I didn't expect seeing the boy I love holding my bestfriend arms.

"Zyle?" May kabagalang tawag ko sa bessy ko na mukhang nakikipaghilahan ng kamay kay Vincent. Ikinuyom ko ang mga palad sa kalandiang ito. "W-what's happening here?"

Agad lumingon sa akin ang kaibigan ko. Nakabadha ang munting iritasyon sa kanyang mukha marahil sa naiinis siya kanyang katabi o sadyang namamalikmata lang ako dahil mukhang nag-e-enjoy ang plastik na ito sa harap ko.

"So you're with him now. I guess I don't need to introduce him to you." Bumadha ang kalituhan sa kanyang anyo. Pagsulyap ko naman sa kanyang katabi. Heto si Vincent kampanting tinititigan ako sa mga mata habang hindi inaalis ang kamay sa braso ni Zyle.

"K-kilala mo ang lalaking ito bessy?" Gulantang na itinuro ni Zyle ang katabi.

"Hindi ka naman siguro bobita para hindi ma-gets, hindi ba... bessy?" binigyang diin ko ang salitang bessy. Sana naman makalahata ang bruhang ito sa pasarin ko!

"A..." Nakangiwing hinila niya ang kamay kay Vincent na mukhang hindi naibigan ang kanyang nagawa.

Hindi ko kinaya ang mga nakikita. Kusa akong humakbang papunta sa pagitan nila at niyakap ang braso ng lalaking mahal ko.

"Let's eat, Vince?" I gave him my sweetest smile. "Doon na natin pag-usapan kung paano kayo nagkabanggaan ng..." pasimple kong sinulyapan si Zyle. "Kaibigan ko."

I felt something inside me, mentioning our callsign. The heck, of all the people na makakatagpo ngayong araw ni Vincent. Bakit si Zyle pa? Bakit hindi na lang ibang babae? Mas higit na sasaya ako sa panlalait kung ibang tao ito ngunit hindi. Kung kagandahan naman ang pag-uusapan, di hamak na mas maganda ako. Mas may appeal. Not my bessy!

Mariin akong umiling. Maybe, just maybe, aksidente lang ang tagpong ito. Nagkataon lang ang lahat. Ngunit sa tinagal-tagal ng pagkikita namin ni Vincent, unti-unti siyang nagbabago. Kay Zyle na siya dumidikit. I know what's happening now, inaahas ng babaeng iyon ng irog ko. Ang lalaking pagmamay-ari ko na siyang akin dahil kami ang unang nagtagpo. Kami lang ang magkakatuluyan.

Things continue, binabaliwala ko ang mga nakikita. Kaya kong gawin ito, as long as mapasaakin at magiging akin si Vincent. I even declare it to her. And she's happily supported me. Thats what I wanted to hear and I'd like to believe..

I went to my friends house. Dahil sa pagkawala ng mga magulang niya. Hindi ko inakala na may makikita na naman ako na hindi kaaya-aya. I saw the two of them kissing under the tree. Lahat ng inhibitasyon ko sa katawan ay nagsiwalaan. I can't control myself anymore. Sinugod ko siya at pinagsasabunot.

Watty Writer's Guild Journal 2 Kde žijí příběhy. Začni objevovat