Vengeance - 1

5.7K 119 10
                                    

A L Y

"Tita kelan po magigising si mama?"

Napatingin ako sa gwapong batang nasa tabi ko. Napangiti naman ako sa kanya at bumuntong hininga.

"Magigising din si mama sky ha?"

Wala akong ibang sinasabi kundi
na magigising din ang kanyang ina..

dahil limang taon na magmula nung masalinan ng dugo si elly.

Pero nacomatose siya dahil medyo mahina pa raw siya noon.

Pagkatapos niyang masalinan ng dugo mga isang taon pa siyang comatose non nagpunta naman kami rito sa Japan dahil marami raw kakilala rito si don enrico na magagaling na doctor rito.

Ang totoong lolo nila Elly nung una hindi kami makapaniwala ni elizar don pero nung...

-

Nandito na kami sa hospital halos isang linggo rin chinecheck ng mga doctor si Elly.

Halos magwala na si elizar dahil parang wala raw ginagawa ang mga doctor kundi obserbahan lang siya.

Pero isang araw lumabas ang doctor ni elly na si Doc Mateo Perez.

Filipino siya dahil ayaw ni elizar na ipagamot si elly sa mga hapon.

"Don Enrico" tawag ni doc mateo kay don enrico.

Agad naman kaming lumapit sa kanya wala akong ibang makita kay doc mateo kundi ang pagaalala.

"Ano yun Mateo?" Tanong ni don enrico sa kanya. Bumuntong hininga naman siya at matiim na tumitig kay don enrico at kay sir enrique.

"Wala siyang sakit sa puso.." Pagkasabi niya noon kinuwelyuhan agad siya ni elizar.

"Anong sabi mo?! Inatake na nga siya! Tapos sasabihin mong wala siyang sakit sa puso?!" Galit na singhal sa kanya ni elizar.

Hinawakan ko naman siya sa braso para pigilan.

"Elizar pakinggan na muna natin siya please" pakikiusap ko sa kanya. Huminga naman siya ng malalim at marahas na binitawan si doc mateo.

"What do you mean Mateo?" Kunot noong tanong ni madam analiza sa kanya. Napailing siya at bumuntong hininga ulit.

"Dahil wala talaga siyang sakit sa puso. Gusto ko na siyang operahan dahil nga halos itim na ang puso niya pero ang nakakapagtaka lang na wala naman siyang sintomas na may sakit siya sa puso.." naiiling na sambit ng doctor at napahinga ng malalim

IGPBH Book 2 : Her Vengeance (INCOMPLETE)Where stories live. Discover now