"Why?"

"It's Claret and her daughter. Alam mong pinagtangkaan kong—" marahan kong hinawakan ang mga labi ni Finn.

"You were unstable and uncontrolled that time. Ikaw na rin ang nagsabi na mabuting nilalang si Claret, I've seen her through your illusions. I can't wait to finally meet her. Higit pang puro ang kanyang puso kumpara sa mga puting perlas na lumalabas sa aking mga mata. Your brother is too lucky for her."

"We're all lucky for her," mahinang bulong sa akin ni Finn.

Sinabi ni Cora na saglit lamang kaming gagamit ng kabayo dahil humahanap lamang siya ng magandang lugar para ilagay ang kanyang lagusan.

Sinubukan kong muling sumulyap sa magkakapatid na Gazellian, I saw the disappointment in their eyes when we finally decided that we'll not be entering the university.

Lumingon ako sa likuran na siyang pinanggalingan namin. Nasisiguro kong may kanyang misyon at pinaglalaban ang pinakamatalinong Gazellian sa loob ng unibersidad.

I trust him, katulad ng mga kapatid niyang tumutulong sa amin.

Biglang pumasok sa alaala ko ang mukha ng babaeng tumulong sa akin. Kung sino ka man, paniniwalaan kita.

I hope you guide him, walang makakarating sa kanyang mga kapatid. We'll be waiting you Prince Evan, patawad dahil pinagkait ko ang pagkakataong muli kayong magkitang magkakapatid.

"We're here," tumigil na ang aming mga kabayo.

Hinintay namin na gumawa ng lagusan si Cora, nang magpakita na ito ay marahan siyang nagbigay daan para kay Haring Dastan.

Hindi na naghintay pa ang hari dahil mabilis na itong tumawid sa lagusan. Sinundan ito ni Casper, Caleb, Zen, Rosh, Cora at kaming dalawa ni Finn.

Iniluwa kami sa harapan ng kanilang palasyo. Ang palasyong ilang taon ang lumipas bago ko muling masilayan.

Kapwa tago ang aming mga mukha ni Finn, dahil hindi nais ng mga Gazellian na kumalat sa labas na imperyong nagbalik si Finn sa Parsua sa halip na dalhin ito ng hari pabalik sa unibersidad na siyang dapat gawin dahil mahigpit ang patakaran sa loob ng unibersidad sa sandaling pumasok na dito. Sasabog ang eskandalong tumakas ito sa unibersidad.

"Kamahalan,"

King Dastan was greeted by trumpets, flags and crossed swords. Naglakad itong mag-isa sa itim na carpet habang halos lumuhod ang lahat para bigyan siya ng respeto.

Sumunod na ang mga kapatid nito, si Rosh, Cora at maging kami ni Finn. Nang sandaling makapasok na kami sa palasyo at magsara ang malaking pintuan nito.

Si Lily ang unang sumalubong sa amin.

"Finn! You idiot!" isang malakas na sampal mula sa kapatid ni Finn ang sumalubong sa kanya bago ito niyakap ng mahigpit.

"Lily," nagyakapan ang mga ito ng mahigpit.

"I missed you Lily," I heard him whispering. "I didn't miss you Finn."

"You're still the same," nawala ang atensyon namin ni Finn kay Lily nang may mapansin kami na gumagalaw mula sa ilalim ng magarbo nitong kasuotan.

To our surprise we saw two little werewolves suddenly went out from her gown while wagging their tales staring at us. Their beautiful and thick furs were mixtures of white and brown.

"Our pups," pilit binuhat ni Lily ang dalawang maliliit na lobo at iniharap niya ito kay Finn.

"Meet your Uncle Finn," Finn smiled while looking at the little werewolves.

"They're so adorable Lily.." hahawakan na sana ni Finn ang mga lobong hawak ni Lily nang ilayo niya ito.

"Hindi ka pa nila masyadong kilala, baka bigla ka nilang kagatin." Ibinaba nitong muli ang dalawang maliit na lobo.

"Go just play with your--"

"Hey buddies! You missed Uncle Caleb? Come here," nang tawagin ang mga ito ni Caleb ay nagtakbuhan ito sa kanya.

Caleb ran fast at naghabulan na sila hanggang sa lumayo ang mga ito at hindi na makita.

"Caleb's their favorite playmate."

"A-Are they shifting to our form?" tanong ni Finn.

"Yes, mas madalas lang nilang gusto na mag-anyong lobo dahil nakikipaglaro sa kanila si Divine." Sa akin na sumulyap si Lily.

Dahil bumalik na ang alaala nila noon, hindi na siya nahirapan makilala ako.

"Kalla," yumakap ito sa akin.

"Where's your husband?"

"Patrolling, he's in charge to security."

Pansin ko na naghiwa-hiwalay na ang mga Gazellian, Dastan's now busy talking with someone, katabi nito si Casper. Wala na si Caleb dahil nakikipaglaro na ito, while Zen is still standing as if he's waiting for someone to welcome him.

"Nasaan si ina? Si Claret?"

"They're coming," sagot ni Lily.

Sumunod na nagpakita ang reyna. And just like what I've expected, halos wala nang magandang salita ang maaaring ihalintulad sa kanya.

Her beauty is greatness, no wonder why Gazellian's got the finest genes.

Tahimik lamang itong lumapit sa amin, una siyang yumakap kay Finn na siyang gumanti ng mas mahigpit na yakap dito.

"I'm sorry mother, I'm sorry for being a failure."

"Hush, stop it son. There's no failure with my sons." Sa mahinang salita nito, kahit hindi ako ang kanyang sinasabihan para ang sarili ko ang hinaplos ng kanyang mga salita.

After Finn's hard experiences, he really deserves his mother's hug.

A mother's hug is the best cure of all pain.

Hinagod nito ang likuran ni Finn. They stayed for few minutes hugging each other, bago humiwalay si Finn sa kanya.

"Mother, my mate. Kalla," tipid akong ngumiti sa reyna.

Akma na sana akong magbibigay ng galang nang matigil ako nang salubungin niya rin ako ng yakap.

"Thank you for taking care of him,"

Hindi ba at dapat ako ang magpasalamat sa lahat? I've been a trouble for their family.

"They're here," tipid na sabi ni Lily.

Nang sabihin niya ito ay kapwa na kami nakarinig ng mabilis ngunit na maliliit na takbo mula sa isang batang bampira.

And there, a beautiful vampire girl running with smile on her face while carrying her royal gown. Behind her was a stunning woman with a different kind of presence.

"Divine, come to Papa." Naupo na ang prinsipe ng mga nyebe at hinintay ang kanyang anak.

We're all expecting that he'll be receiving a warm welcome, pero lumampas sa kanya ang anak niya.

I heard Prince Rosh's laughter. Agad bumaba ang temperatura, tumayo na ang prinsipe ng mga nyebe, pero nakalapit na sa kanya ang kanyang si Claret.

"Look at your daughter Claret, ang sutil."

"Divine, come back here. Nagtatampo ang Papa mo." Claret called her daughter.

Pero nagdiretso ito sa pagtakbo, until she reached me.

Her beautiful eyes stared at me curiously.

"You were in my dreams, milady. Ikaw ang sinasabi sa akin ni Uncle Desmond."


--

VentreCanard 

The White Curse (Gazellian Series #2)Where stories live. Discover now