Chapter 39

175K 10.1K 2.8K
                                    

Chapter 39


Hindi lang ako, maging si Haring Tiffon at ang kanyang reyna ay hindi makapaniwala sa kanilang mga naririnig.

"No, she could understand Cora. My bloodline's fault wasn't mine, bakit kailangan kong pagbayaran ang kasalanang hindi ko naman ginawa? Why can't you allow me to talk to her?"

Wala nang humpay sa pagpatak ang mga perlas mula sa aking mga mata. Hindi ko maturuan, hindi ko sila magawang pigilan.

"Kalla," pilit na akong pinakakalma ni Finn habang pumipiglas ako sa kanya.

"Is this the reason why Finn? Itinago niyo sa akin ni Cora ang kaalamang buhay ang dyosa dahil alam nyong hindi niya ako tutulungan? Or you still have your own reason?" hindi makasagot sa akin si Finn.

Masama bang umasa? Masama ba na mangarap at mag-isip na sana ay maaaring mawala ang sumpang ito sa akin?

Ang dyosa na lamang ang nag-iisang pag-asa ko para mawala ang sumpang ito, ngunit papaano? Papaano kung ang patak mismo ng aking dugo ang siyang dahilan kung bakit nabuhay ang puting sumpa?

Tuluyan nang nanghina ang aking mga tuhod at napasalampak na ako sa malamig na sahig.

Akma na akong tutulungan ni Finn, ngunit mabilis nakalapit sa akin si reyna Lumina para alalayan ako.

"Let me," nagsusumamo ang boses nito para pigilan si Finn sa paglapit sa akin.

Hindi ko matanggap na may patak ako ng dugo mula sa mga nilalang na kabilang sa nagbigay ng pagdurusa sa dyosa. Halos isumpa ko ang aking sariling lahi nang marinig ko ang buong kwento, ngunit ang malamang ang mismong aking pinanggalingan ang siyang puno't-dulo ng sumpang ito, hindi ko na alam kung saan na dapat ako lumugar.

"P-Paano? Papaano nila tinangkang linlangin ang dyosa?" tanong ni reyna Lumina.

Huminga muna nang malalim si Cora bago ito muling nagsalita, sa pagkakataong ito ay naupo siya at marahan kaming hinarap.

"Nang magawang makatakas ng aking ina mula sa kamay ng bampira, ikinubli niya ang kanyang sarili sa mga kagubatan. She's hiding from anyone in her weak state, isama pa na dinadala na niya ako sa kanyang sinapupunan. But then, a poor vampire family helped her. Inaruga nila si ina at pinakitaan ng maganda. Yes, they were your ancestors Kalla. Nagmula ka sa kanila." Wala kahit isa sa amin ang nagsasalita at hinayaan naming ilahad ni Cora ang lahat.

"But the vampire family was too poor, na halos kahit ang dugo ng isa't-isa ay hindi na nila kayang inumin dahil kapwa na sila nanghihina sa kakulangan ng sapat na dugo. Gabi bago ang kapanganakan ko, narinig ni ina ang pagtatalo ng buong pamilya, pero sa huli ay nanatiling nakatayo ang planong muli siyang ibabalik sa kasalukuyang hari ng mga bampira kapalit ng maginhawang buhay." Kumuyom ang mga kamay ko.

"Sa ikalawang pagkakataon ay muling tumakbo ang aking ina, dala ang sakit at pait. Sa mundong hindi niya alam kung saan pa magtitiwala."

Sa lahat ng kwentong narinig ko sa kasaysayan ng mundong ito, ang sinapit ng dyosang umibig ang siyang masakit na narinig ko, hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong lumigaya.

"Ngunit sa pagtakbo ni ina papalayo sa tahanang inakala niyang kukupkop sa kanya, dito niya naramdaman na nais ko nang lumabas." Suminghap ako sa sinabi ni Cora.

"She surrendered herself in the heart of the forest, with the light of the moon and her crystal tears of endless pain. Hurt, too much pain and hatred. Can't you imagine how painful my mother have experienced?" nagpahid ng kanyang luha si Cora.

"Pilit niyang tinitikom ang kanyang bibig para umiyak habang agaw-buhay niya akong inilalabas. Can't you imagine? Anong klaseng pagdurusa ang ipinaranas ng mundong ito sa aking ina na walang ibang ginawa kundi magmahal?"

The White Curse (Gazellian Series #2)Where stories live. Discover now