3

140K 4.4K 187
                                    


Caela.

Nagpasya akong umuwi na lang sa bahay kesa pumasok sa mga susunod ko pang klase. Dito sa bahay pansamantalang natatakasan ko ang pait ng reyalidad na kinakaharap ko sa unibersidad na pinapasukan ko.

"Oh anak, wala ba kayong pasok? Bakit umuwi ka na agad?" Bungad ni Mama sa akin habang kinukuha yung bag na nakasukbit sa likod ko. Bahagya pa siyang lumingon sa orasan na nakasabit sa dingding.

"Meron po Mama. Tumakas ako. Binubully kasi nila ako." sagot ko habang nakangiti sa kaniya.

Bahagyang lumambot ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin.

Nginitian ko lang siya. Gusto kong iparating sa kaniya na okay lang ako dahil ayoko nang mag-alala pa siya sa akin. Masyado ng maraming bagay na iniisip si Mama at ayoko nang dumagdag pa.

"Anak, halika nga dito. Payakap naman si Mama." Lumapit ako sa kaniya na kasalukuyang nakaupo na sa sofa.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Kapag ganitong naglalambing si Mama nawawala ang lahat ng sakit na naramdaman ko noong nasa school ako. Kapag ganitong kayakap ko siya pakiramdam ko okay lang na masaktan ako ng paulit-ulit basta may uuwian akong nanay na naghihintay sa akin.

"Hayaan mo na lang sila anak. They are just a waste of time. Basta tandaan mo na nandito lang ako para sa'yo. Kayang-kaya kong punan ang pagmamahal na hindi nila kayang ibigay sa'yo anak." Malambing na sabi niya sa akin.

"I love you, Mama." Okay nang wala akong kaibigan, basta palaging nandito si Mama.

"Mahal na mahal din kita, anak. Siguro kung nandito lang ang Papa mo, maiinggit na naman 'yun kasi ako lang ang nilalambing mo. Alam mo naman iyon masyadong matampuhin." She laughed but a sad one.

Gusto ko ring tumawa sa biro niya pero mas nangingibabaw 'yung sakit na nararamdaman ng puso ko.

Akala ko matagal ng naghilom ito pero patuloy pa ring bumubuka ang sugat na dulot ng nakaraan.

"Sorry po Mama." paghingi ko ng tawad dahil pakiramdam ko, ako talaga ang may kasalanan sa nangyari noon.

"Bakit ka humihingi ng tawad anak?" Masuyong tanong niya sa akin habang hinahagod ang buhok ko.

"Kasi kung hindi dahil sa akin, hindi mawawala si Papa sa atin." Naiiyak na sagot ko.

"Ano ka ba naman anak. Hindi mo kasalanan iyon. Hindi natin ginusto ang nangyari noon." Pag-aalo ni Mama sa akin.

Pero kahit anong gawin ko, hindi maalis sa isip ko na ako ang may kasalanan sa pagkawala ni Papa. Na ako ang puno't dulo ng lahat.

"No Mama, dahil po sa akin kaya namatay si Papa. Patawad po." Dahil sa akin hindi na tayo makukumpleto kahit kalian.

Mahigpit ang naging yakap ko sa kaniya dahil nakakaramdam na naman ng sakit itong puso ko.

"Tahan na anak. Wag mong sisihin ang sarili mo. Hindi na natin maiibalik ang mga bagay na nangyari na at hindi ikaw ang may kasalanan noon. At alam kong hinding-hindi ka sisisihin ng Papa mo sa lahat ng nangyari noon dahil mahal na mahal ka niya. Higit sa lahat."

Every night I'm thinking of my father. I keep on blaming myself why he died. It's my entire fault.

It was Sunday morning. I'm ten years old then. I and my father were here at the park where the fish pond was located.

Nakaugalian na namin magbonding ni Papa. Si Mama naman ay pumunta sa kaibigan niyang may sakit pero nangako naman siyang susunod sa amin.

"Papa come here I want to show you something." naeexcite na tawag ko sa kaniya na kasalukuyang nagluluto ng barbeque.

The Mystique Kingdom (Published under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon