Chapter 4

9.9K 107 3
                                    

Chapter 4 : A Dark Plan.

Someone's pov.

Da heck?
Hindi maari itong mangyari.  Bawal syang maging tao.
Dapat ay ipainom sa kanya ang lason upang sya ay maging bampira.
Eh kung makawala pa sya,  at magsumbong sa mga operatiba tungkol sa unibersidad na ito?
Masaya na lamang ako at nahuli ko sya bago nya pa malaman ang buong kwento.

"Catherine,  Sigurado ka bang bago syang estudyante at tao pa lamang sya?''  Tanong na nagpataas sa aking kilay.  Obvious ba?  Kulay kayumangi sya.
Kami ay kasing puti ng sariwang gatas.
Imposible namang patay ka na at ganyan pa rin ang iyong kulay?    "Ginagawa mo ba akong tanga?" Sambit ko na lamang medyo nananaray dito.

"Oh,  ako ang gagawa o ikaw?" Tanong pa nito sa akin.
Hindi na ako nagsalita at kumuha ako ng isang bote ng lason at inilagay sa tabi nya habang sya ay natutulog pa rin ng mahimbing.  Sorry to say.  But this is your last time being with the sunset of being human.
Tommorow you will wake up into a large headache and you'll became a vampire.

Itinabi at tinanggal ko ang buhok sa kanyang leeg at inamoy ito.  Hmmmm...... Matamis ang dugo nya.
Hindi sya pangkaraniwan lamang.

At ikinagat ko ang aking matatalim na ngipin sa kanyang leeg at ininom ang kalahating dugo nito.
Naramdaman kong gumalaw ang paa nito ngunit hindi man lamang sya nagising.

Pagkatapos kong ininom ang kanyang dugo .
I bit my wrist to cause a blood to came out.
At ipinainom ko ito sa kanya.
Ng mabigyan ko sya ng pitong patak ng aking dugo.
Kinuha ko ang lason at ipinainom sa kanya.

At tinakpan ko ang sugat.

Pinalabas ko na si Darren para sabihin sa mga kasama ko sa opisina ng Unibersidad na ginawa ko na ang dapat gawin.

Napansin kong ilang oras lamang ay pumuputi na ito at humahaba ang buhok.

Inihanda ko ang damit na isusuot nito at nagsulat ako sa isang papel.

"I'm the one who created you,  meet me at the cafeteria in 9:30 tommorow.  Don't worry I'll hurt you no more''

At itinabi ko ito sa kanyang kamang hinihigaan.
Sana ay dumating sya doon.
Inaasahan ko iyon....

??? pov.

Aray...
Masakit....  Kumikirot..... 
Nagising ako sa isang kwartong medyo madilim.
Nasan ako?
Ang sakit ng ulo ko.
Pero nakatayo naman ako.
Pagkatingin ko sa kamay ko nagulat ako,  bat bigla akong pumuti?  Teka....  Ako bato?
O nananaginip lang ako?

Naramdaman kong parang may kasama ako.
Tinitignan nya ako.
Bat parang may malakas na enerhiya ang pumasok sa akin?
Ang weird.
Ang daming pumapasok sa isip ko,  aish !

''Allison Mavis Moises"  sambit ng lalaking boses kaya napalingin ako,  at nakita ko syang nakatayo.
Tangina!  Red yung mata nya!

"Ba-bakit alam mo yung pangalan ko?" Sambit ko ng saktong papalapit sya sa akin.
He smirked and speaked.

"I have a power of reading mind,  and bring something to fly up. " sambit nito at ngumisi sa akin.

Ha?
Anu daw?
Hakdog?

"Seryoso ka ba?" Tanong ko rito at natawa sya.

"You're still innocent,  I'm Darren Hwang" then he offered his hand.  Pwede ba kita pagkatiwalaan?

Naglakad ako ng kaunti kahit hirap ako maglakad.

At kinamayan sya .

"Totoo ba ang nangyari?" Tanong ko at sumagot ito gamit ang tingin na parang alam nya kung ano ang aking ibig sabihin.

"Basahin mo ang nakasulat,  at isuot mo ang damit na iyan" sambit nito at itinuro sa akin ang damit at ang papel na nakalagay sa upuan.

Nanginginig na ako.

At sa isang iglap nawala sya.
Isang mabilis na hangin lang ang narinig ko.

Binasa ko ang nakasulat.
Teka.... Baka kung ano gawin nito sa akin?
Bahala na.

Binuksan ko ang pinto na nakita ko sa loob ng kwarto.
Inaasahan kong isa itong RestRoom.

At ayun nga.

Naglakad ako ng kaunti dahil talagang nanghihina pa ako.
Pagkatingin ko sa salamin.
Napasigaw ako .
Bakit kulay red ang mata ko at ang puti-puti ko?!
Ano ba talagang nangyari?!
Totoo ba?



Hell UniversityWhere stories live. Discover now