[25] Green-eyed Monster

161K 4.1K 807
                                    

A filler update! Hindi ko matanggal sa isip ko 'tong what if na 'to kaya.. eto na :)

-A&Z-

Chapter 25: Green-eyed Monster

“Andreau.. interior or exterior yung scene 17? Wala ka kasing nilagay.

“…”

“Uy. Interior or exterior?”

“…”

“Andreau?”

“…”

Okay that’s it! “Francisco ano ba!” inagaw ko sa kanya ang iPad niya na totoong ka-meeting niya ngayon at hindi ako. Titig na titig kasi siya eh. Parang may pinapaanod ata siya or something. At ang bwiset, todo ngiti pa! Ang creepy nga ni Andreau eh. Kung hindi ko siya kilala at nahuli ko ‘tong ginagawa niya, pagkakamalan ko siyang baliw.

“What the hell, Zades?” he shot back at me angrily. Kinuha niya sa’kin ang iPad niya at chineck kung may gasgas. “Ba’t mo ginawa ‘yon?”

Wow, the nerve of this guy! 45 minutes na kaming nandito sa café pero simpleng Yeah, Tingnan mo na lang sa draft, Yeah, Uhuh lang ang nasabi niya sa’kin. Sino bang hindi magagalit dun?

Sinilip ko ang iPad niya pero tinago niya sa’kin. “Ano ba yang pinapanood mo ha? Sungit naman nito!”

Nilagay niya sa bag niya ang gadget para wala nang gulo. “None of your business. And what you did earlier was rude.”

“Anong rude? Ikaw ang rude dyan excuse me! May meeting tayo dito tapos ikaw ‘tong parang ewan na manonood ng kung ano dyan! What the hell was that anyway? Mas importante pa ba sa meeting natin yang iPad mo?”

Andreau’s irritations was quickly replaced with guilt. “I’m sorry, Zades,” he said earnestly. “May pinapanood lang ako.”

“Porn?”

Nanlaki agad ang mga mata niya. “What?”

“Were you watching porn earlier, Andreau?” His cheeks turned pink in an instant. Isa sa adorable Andreau Cortez facts: madali siyang magblush. “What? No!” his hurried tone gave me more suspicion. “Ano ba, Zades. Ba’t ako manonood ng porn in public?”

Hah, maasar nga ‘to lalo. “Eh sa private nanonood ka?”

Naging pula na ang kaninang pink na pisngi niya. “Scheherazade Pascual!” Andreau hissed, eyes probing around us. Wala naman kaming katabi dito sa café eh. And that’s an odd thing ha.  Walang tumatabi sa’ming dalawa dito kahit maraming tao. Lagi kami sa pinakadulong table pumupwesto at walang umaagaw non. Pinagsabihan kaya ni Sir TJ ang customers dito? Weird.

“What? I’m just asking! Lalaki ka naman, so I assume you watch po—“

“Ugh shut up!” Napapikit na lang si Andreau, probably ginagawa niya ang breathing exercise na sinuggest ni Kesh before. “That’s not up for discussion, Ms. Horny.”

Kaasar talaga ‘to! Pinatanda na naman yung autocorrect mishap ko last week! Akala ko sa’ming dalawa lang ang convo na yun pero he found it so hilarious that he shared it to other people. Kina Roldan, Kesh, Mars at pati kay Ms. Marisse! Buti nga kinarma siya, narinig ni Tristan yung horny at ayun, it took him almost an hour to explain kung anong ibig sabihin non. At napagalitan pa siya ni Ms. Marisse, na ikinatuwa ko talaga.

Tinusok ko ng ballpen ang braso niya. “Tse! Ewan ko sa’yo! Ano nga yang pinapanood mo?”

Defeated, nilabas ulit ni Andreau ang iPad niya at pinakita sa’kin ang kung anumang pinagkakaabalahan niya kanina. Video pala yun ng isang.. babae.. na naglilip synch?

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon