[22] Chismis Squad Item #4025

194K 4.6K 2.9K
                                    

Chapter 22: Chismis Squad Item #4025

Kesh once told me na isa sa qualities ng isang sanguine ay ang hogs limelight. Siguro ganun nga ang ibang sanguine, but spare me from that. Oo, prangka at makapal ang mukha ko pero ayoko talaga ng attention. Sa mga group presentation nga lagi ako ang taga-research at taga-gawa ng powerpoint tapos yung groupmates ko ang reporters. Wala naman akong stage fright or what, ayoko lang talaga na tinitingnan ako.

So.. imagine my surprise nang pumasok ako sa klase ko, one Tuesday afternoon na pinagtitinginan ako ng ilang classmates ko.

It was so.. weird. Last week naman okay kami. Kinantahan nila ako ng Happy Birthday tapos may nagbigay sa’kin ng Cloud 9. After that, wala na. Pero.. ano kayang meron? Ilang beses nga ako nilingon nung dalawang babae sa unahan kanina, may bulungan pang nalalaman. So.. big news na pala ngayon ang birthday ko? Mga two weeks late lang mga teh? Pati yung prof namin, todo ngiti sa’kin. May pahabol pa ngang goodbye eh!

What on earth’s happening?

Wala naman akong dumi sa mukha. Di naman inside-out ang shirt na suot ko. Nagsuklay at naligo naman ako. Ba’t nila ako pinagtitinginan? Mas gumanda ba ako after ng birthday ko? Ba’t di ko naman feel?

“Uhmm.. Ate Zade?” a person called me out bago pa ako makalabas ng classroom. Akala ko ako na pinakahuling tao na aalis dito, hindi pala. Nilapitan ako ni Delle, isang freshman Sports Science major na groupmate ko sa class. Wow, nakakagulat. Hindi nga niya ako masyadong kinakausap eh. What gives?

Umupo ako sa monobloc na katabi ng pinto. “O bakit? May problema ba?”

Sumilip pa siya sa labas ng classroom bago siya umupo sa armchair sa harapan ko. “Ate.. nag-online po ba kayo recently?”

Wow ha, super weird question. Hindi naman talaga ako pala-online eh, lalo na ngayon na busy ako. “Uhmm.. hindi eh. Bakit? Wala namang pinost si Sir na bonus question sa FB group natin ah?”

“Naku ate please.. mag-online agad kayo, okay?” halos bumulong na sa’kin si Delle. “Check niyo yung Chismis Squad page.”

Chismis Squad? Okay, weird alert. Ba’t ko naman icheche—

Oh god. May chismis na naman ba about kay Andreau? May kumalat na naman bang picture niya at ng rumoured boyfriend niya? Akala ko ba tapos na ang deal nila ng management? Grabe, sobrang below the belt na ‘to!

And kung may ganitong issue nga.. bakit walang sinasabi sa’kin si Andreau? Magkasama naman kami kagabi ah! What’s going on?

xxx

Kesh? Online ka ba?

Yup. Why?

Check mo nga yung Chismis Squad page.

Y?

Wag ka pahuli kay Sir TJ ah. Basta. Baka may blind item si Andreau. May kumausap sa’kin na classmate kanina.

Kesh? Nahuli ka ni Sir TJ?

GET YOUR ASS HERE RIGHT NOW

Ha? Bakit? Mapapaphotocopy pa ako!

Pascual, pumunta ka na lang.

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon