“Masakit di ba.”                                Kai said. Hindi ko naramdaman ang paglapit nya. Dali dali ko namang pinawi ang mga luha ko.                         

“Ginusto mo yan.”           dagdag pa nya.

Hindi ko napigilang bigyan na naman sya ng masamang tingin.

“What do you want?”                    I retorted him.

“Baka kako gusto mong makita yung official score sheets ng 1st round battle.”                     He smirked before he handed me the papers.

I snatched it immediately from him and went inside the dressing room.

I scanned the sheets right away only to get even more pissed off.

She made it to the 2nd round alright but she also has the highest judges’ votes and 3rd largest audience votes.

 “Kristen Yang, you’re going to regret this.”          I ended up crumpling every sheet I have in my hands.

ZACHARY’S POV

After a great weekend, back to school na naman.

 Alam nyo naman kung gaano kagulo ang isang classroom kapag wala pang teacher di ba, may mga nagkukwentuhan, nagaasaran, nagkukulitan, nagbabatuhan ng mga ginusot na papel at may mga nagliligawan, eksaktong ganyan ang classroom namin ngayon. Hindi lang pala ngayon, araw araw.

Pero syempre may mga ilan ding nagaaral at nagbabasa katulad nitong si Eid.

Sina Dave at Alex naman busy pareho sa ipad nila.

Si Stan naman, hayun nakatanaw sa bintana. Mukhang malalim ang iniisip ng bugoy na yun ah.

“Yam.. Hello? Nakikinig ka ba?”                  tanong ni Yam.

“Ha? Anong sinabi mo?”

“Ang sabi ko, kung nireview nyo ba yung mga pointers na binigay ko? Baka kasi magkaron ng biglaang quiz or recitation, mabuti na yung ready kayo.”                      paliwanag nya sakin.

“Opo Maam, nagreview po kami.”           Natatawang bahagya kong ginulo ang buhok nya.             “Ang swerte ko talaga, may girlfriend na ako, may tutor pa.”

“Yam naman eh, you’re messing up my hair.”                     She’s pouting habang ibinabalik nya sa ayos ang buhok nya.

“Don’t worry, kahit kasinggulo pa ng buhok ni Sadako ang buhok mo, ikaw pa din ang pinakamaganda para sakin.”           

“Sira!”

Sakto namang dumating na ang teacher namin.

May isinulat sya na problem sa glass board.

“Anyone who can solve this?”    tanong nya sa klase.

Syempre ang best technique para di ka matawag sa recitation ay ang hindi pakikipageye contact sa teacher. Tungo lang Zac, sige lang. Kunwari nagbabasa ka.

“Mr. Jung!”

Bull! Natawag pa talaga. Bakit ba favorite ako ng teacher na ‘to? Minsan, nakakainis din talagang maging gwapo.

“Yes Maam?”

Nakangiting itinuro nya sa akin ang nakasulat sa board. Oo na, sige na, ako na.

Pumunta kaagad ako sa unahan at kumuha ng marker.

Teka, alam ko ‘to ah. Tinuro ito sa amin ni Yam.

Ewan ko ba, parang nagkaron ng sariling isip ang kamay ko at nasolve ko kaagad yung equation.

“Good job Mr. Jung, mukhang nakakabuti sayo ang pagkakaron ng girlfriend.”

Napangiti na lang kami pareho ni Yam sa remark na yun ng teacher namin.

We’re truly blessed to have each other.

My Mystery GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon