SI ORANGE: Chapter 19

Începe de la început
                                    

Maging sa kanya ay naging matabang ang pagtrato ni Hanna buhat nang malaman nito ang kaugnayan niya kay Anastacia. Siguro ay big deal dito na half sisters lang sila o marahil ay sa kanya naibubunton ng kapatid ang galit nito sa kanilang ina. Kailangan na niyang umuwi para makausap ang kapatid.

Lalo pa niyang binilisan ang paglalakad pero sa pagliko sa isang pasilyo ay bumangga siya sa kanyang nakasalubong. Hindi niya ito nagawang iwasan at nalaglag sa sahig ang dala niyang bag. Lalo na siyang nainis na sa halip na pulutin ng nakabanggang babae ang bag niya ay tinakpan lang nito ang bibig at saka nag-sorry. Ano kaya ang magagawa ng sorry nito, ni hindi man lang tumulong?

"Ano ba naman—"

"Sorry, Miss, hindi kita napansin," anang ginang. "Ako nga pala si Mrs. dela Peña . May anak ako rito, sa Fine Arts siya. Saan ba ang building niyon?"

Saglit na natahimik si Marsha at pinagmasdan ang babaeng kaharap. Agad na kumislap ang mga mata niya nang makita ang pagkakahawig nito sa taong nasa isip niya, ang nag-iisang dela Peña na kilala niya sa College of Fine Arts.

"Sino po ba ang kailangan ninyo? Baka makatulong ako?" mabait niyang sabi habang malakas na malakas ang tahip ng dibdib.

"Si Carlo Eruel, he's my son."

"Oh, Ma'am, I know him!" bulalas niya sa matinding katuwaan. "My name is Marsha, friend po ako ng anak ninyo. Halika po kayo at sasamahan ko kayo sa kanya," aniyang malapad na malapad ang pagkakangiti. Umabrisiyete siya rito at saka ito iginiya pero hindi pa man nakalalayo ay may kung sinong sumigaw sa likuran nila.

"Mama!"

Napalingon sila sa pinagmulan ng tinig at nagulat pa siya nang makita si Anastacia. Hindi yata at...dito tumutuloy ang kapatid niya sa ina?

"Tasha!" bati ng ginang kay Angge.

Hindi nalingid kay Marsha na hindi natuwa ang ginang nang makita ang kanyang half sister. Bahagya pa ngang nakaangat ang kilay nito.

"Where is Carlo? I badly need to talk to him," anang Mrs. dela Peña .

"May...may klase pa po si Carlo, 'Ma. Bakit kasama niyo si—ah..."

"Si Marsha nga pala, magkakilala ba kayo?" tanong nito.

"Hindi po! Hindi ko siya kilala," maagap naman niyang sabi nang makita ang pag-aatubili ni Anastacia. "Pero nakikita kong magkasama sila lagi ni Carlo. Sino po siya, Ma'am?"

"Siya ang...manugang ko. Asawa raw ni Carlo," anito at saka iwinasiwas ang isang kamay. "May klase ka pa, hindi ba? Sige na at itong si Marsha na lang ang sasama sa akin para hanapin ang anak ko. Bye."

Mabilis siyang sumunod sa babae nang walang anumang iniwan nito si Anastacia. Hindi niya naiwasan ang mapangiti nang makahulugan habang nakahawak sa braso ng ginang at nakangisi naman kay Angge.

"ANO ang ginawa ni Mama sa school kanina, Carlo?" tanong ni Anastacia sa lalaki nang gabing iyon. Kasalukuyan na nilang inaayos ang mga tulugan nila na lingid sa mga magulang ng lalaki ay magkabukod. Kapag gabi ay itinatabi ni Carlo sa kama ang isang couch na nasa gilid ng silid. Doon ito natutulog at siya naman sa kama nito.

"Nagpasama si Mama kanina sa mall. Nabanggit ko kasi sa kanya na maaga ang labas ko at hihintayin pa kita until six."

"Sa halip na tumuloy sa mall, dumaan pa sa school para lang magpasama sa'yo? Weird."

"Oo nga e. Nagtataka rin ako."

"Si Marsha, nakita mo ba—"

"Isa pa nga iyon. Bakit sila magkasama?"

SI ORANGE (The Pinay Cinderella)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum