Somebody out there

1.1K 34 6
                                    


At sa pagtugtog ng paborito nilang kanta, nagtagpo ang kanilang mga mata, nangungusap parehas at nagkaintindihan naman sila doon. Gretchen walked towards Mika, and the latter meet her halfway, with a smile plastered on her adorable face.

Mika offered her hand, asking her for a dance. She took it without hesitation and slowly positioned their hands; putting Mika's hands on her waist, and her's on the latter's neck.


"Ang bilis ng panahon noh?" Gretch asked Mika while locking eyes.

"Oo nga e, it's been what? 5? 6 years?" Natatawang sagot ni Mika.

"And ganun pa din itsura mo, may sa bampira ka ba?" Gretch joked.

"Atin atin lang 'to ha? Oo e." Mika jokingly answered.

"Naaalala ko pa yung una tayong nagkita, it feels like it was just yesterday."

"Oh, that day." Natawa na lang si Mika nang maalala ang katangahan. "That day was very uneventful."

"But it led me to you." Gretch smiled, showing a little sadness in her eyes. "You tripped over your own legs, ang laking tao tapos lampa."

"Blame my shoelace." Mika rolled her eyes. She tripped and splashed her own food on herself. "Pero thank you sa pinahiram mong damit, I had a reason to see you again."

"And again, and again." Gretch smiled.


Mika offered Gretch a ride on her motorcycle as thanks that day since Gretch lend her extra shirt.

"Uyy thank you for this." Sabi ni Mika nang makapagpalit na siya. "Tara na?" Tanong pa nito.

"No worries Mika." Nakangiting sagot ni Gretch at nawala naman ang mga mata nito.

Nagtungo naman sila kung saan nakapark ang motor ni Mika. "Wear this." Sabay abot ni Mika ng extra niyang helmet.

Hinatid na nga ni Mika si Gretch sa kanila, yun ang pinakauna nilang ride together, which is obviously nasundan pa nang nasundan.

"Hey sorry ngayon ko lang naibalik yung damit mo." Nahihiyang sambit ni Mika at inabot kay Gretch ang damit.

"Okay lang ano ka ba." Nakangiting sagot ni Gretch.

"Ah hey, may ginagawa ka ba? Wanna go for a ride?" Tanong ni Mika.

"I'd love to!" Masigasig na sagot ni Gretch.

Little did they know, that ride would bring them closer. Nakasanayan na lang nila ang presensya ng isa't isa.


"Naalala ko pa sobrang lungkot ko nung hindi ka na nagparamdam." Natatawang sambit ni Gretch.

"Nagkasakit nga kasi ako, di ko naman ginusto yun pero atleast diba? Napaamin ka ng wala sa oras." Pagyayabang ni Mika sa kanya.


Gretch called Mika. The latter told her that she's at home, sick and alone kaya dali daling nagbook si Gretch ng Grab since hindi niya alam kung paano pumunta sa bahay ni Mika. Binigay na lang niya ang address at dali dali naman itong nakapasok sa bahay dahil hindi ito nakalock.

Mika was shivering dahil sa sobrang taas ng lagnat nito. Agad naman pinalitan ni Gretch ang bimpong nasa ulo nito, nagluto na rin siya nang makakain nito.


"Bakit ikaw lang mag-isa dito?" Kunit noong tanong niya kay Mika.

"E sa ako lang naman nandito, anong magagawa ko." Pabalang na sagot ni Mika sa kanya.

Tinuktukan naman niya ito. "Sana sinabi mo para nasamahan kita."

"Okay lang ako, pinupuntahan naman ako ni Jovs dito."

Beauty and HarotsWhere stories live. Discover now