Regrets 3

1.3K 35 21
                                    


Nanatili lang akong nakatayo kahit nakaalis na siya, nakatingin lang sa invitation na binigay niya.

Gusto kong sumigaw.

Gusto kong magwala.

Sa halip ay tinakpan ko na lang ang aking mga labing nanginginig na at tuluyan ng bumuhos ang luhang kanina pa kumakatok dahil sa sobrang sakit.


Naisip ko naman na anytime soon pwede ng mangyari ito. Sinabi niya sa akin yun noon e, na sa ganitong edad siya magsesettle down, pero hindi pa ako handa dahil hindi naman ako yung makakasama niya habang buhay.


"Yeye, hanap ka ni coach Shaq." rinig kong sabi ni ate Ces kaya agad akong nagpunas ng luha.

"Sige ate." tugon ko at dumiretso na saka nginitian si ate Ces.

"Oh Ye, pinaiyak ka nanaman ba ni Ces?" tanong ni coach.

"Oo coach e, napakabully." nagpout pa ako kahit mangiyak ngiyak pa rin ako.


Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa aking tagiliran kaya mas lalo akong naiyak.

Anak ng, bakit ba kasi mas naiiyak pag may yumayakap e.

Nagtatatakbo na lang ako sa cr dahil nakakahiya kung sa harap pa nila ako magb-break down.


After kong mag crying lady ay tapos na din ang team meeting, naiintindihan naman ni coach Shaq at sinabihan akong gamitin na lang sa next game namin, which is, sila.


"Yeye."

"Partner."

"Anong nangyari? Inaway ka ba niya?


Inabot ko naman yung invitation sa kanya, nagulat siya saglit pero mas nangibabaw yung lungkot niya kaya muli siyang yumakap sa akin.


"Awww, I know nothing could lighten your mood. If you need back-up you could always call me. Kahit ako na lang kakapit para sa inyong dalawa, okay lang, magkabalikan lang kayo." napangiti na lang ako sa sinabi niya saka ginulo ang buhok niya.

"Hindi ko alam partner, she's obviously happy whenever I see her. She radiates beauty as always at laging blooming. She looks so inlove, her aura says so." malunkot kong sagot sa kanya.

"That's whenever you saw her. Haven't you think na baka ikaw ang rason? Na baka mas nauuna ka niyang nakita bago mo siya nakita?"


Natawa na lang ako ng bahagya bago umiling. Pinapaasa lang talaga niya ako.

I rode my car at umuwi na din. The ambiance in my condo is still the same, same place, same furnitures, same arrangement pero she was no longer there to greet me once I came home.


I sat in the couch, still trying to comprehend.

Wala na, wala ng pag-asa.


I held my hair at sinabunutan na lang ang sarili ko habang umiiyak.

Ayoko na.

Sobrang sakit na.

Siya pa din ang gusto ko.

Beauty and Harotsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें