Chapter 4: The Payphone

2.2K 43 9
                                    

I owe two weeks to you guys kaya eto, i am trying my best to update. Finally, amidst all the intrigues and chismis that hurdled everyone these past few weeks, our Sasa has spoken and confirmed that Gege stopped courting her na. Its sad though but life must go on... I am just so proud on how my AshRald family is taking this. syempre, mahirap at first pero looks like we are getting over it. My ultimate wish for the both of them is to remain friends and let's see where will life bring them (if you know what i mean). hihihi. Here it is, i hope this chapter will reflect what i am feeling right now. i hope you get to realize kung bakit 'The Payphone" ang title > :)

always remember that 

"There's a rainbow always after the rain... " :)

Forevermore: For Reel or for Real 2

Chapter 4: The Payphone

Sarah’s POV

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Buti na lang dayoff ko ngayon. Hindi pa rin maalis ang mga pictures na nakita ko sa twitter.. Paminsan-minsan ko na nga lang mabuksan ang twitter ko, yun pa ang bubungad. Panibago na naman ‘tong intriga. Haaaay… kelan kaya matatapos ‘to?!

Hindi ko na naitanong kay Gerald kung ano ba talagang nangyari.. sa dinami-dami naman ng babae, si Cristine pa talaga ang kasama nya, at kung pagbabasehan ang mga pictures mukhang sila nga lang dalawa ang magkasama.

Oo, I trust him, kung sya lang wala sa akin yun. Pero hindi ko rin naman maiiwasan na mainis lalo na kung iniintriga na ang relasyon namin. Naging busy ako these past few weeks. Tinatapos ko ang pelikula ko with Lloydie habang sya halos isang buwan sa TFC tour nila. Minsan lumilipas ang isang araw na hindi kami nagkakausap. Magtitext lang sya sa umaga tapos yun na. Minsan, makikita ko na lang na may missed calls pala sya pagkagising ko tapos kung ako naman ang tumatawag, busy naman sya.

Kinahapunan, nalaman din nila Mommy yung tungkol sa mga pictures na lumabas. May nakapagsabi daw kasi sa kanya na na-blind item na naman daw kami sa Fashion Pulis. Tinanong nya ko kung nakapag-usap na ba kami ni Ge tungkol doon, sabi ko naman ‘Oo’ pero ang totoo hindi pa talaga.

Tinawagan ko sya after that…

Nag-riring lang ang cellphone nya…

Finally sumagot din sya.

“Hello?! Babe!” sabi ko.

Walang sagot.

“Ge?! Babe?!” I said.

Still walang sumasagot.

“Gerald?! Hello!” medyo naiinis na ko.

“Uhmmm..Sarah?” iba ang boses, parang kilala ko ‘to.

“Hello? Nasan si Gerald?” mahinahon kong tanong.

“Naku, umalis sandali eh, maya-maya siguro nandito na yun” sabi ng boses.

“Ok. Pasabi na lang na tumawag ako. Salamat” at binaba ko na ang phone.

Hindi ako makapaniwala, of all people si Cristine pa talaga ang sumagot ng phone nya? Bakit? May ano ba sila? Lalong gumulo ang utak ko, hindi ko na alam kung sino ang papaniwalaan ko… Hindi ko mapigilang masaktan sa mga nangyayari… Pumasok ako sa banyo at doon ko binuhos ang lahat ng emosyon ko, mukhang malaking problema ‘to…

Gerald’s POV

After we arrived on LA, mas naging busy kami. Mas marami kasing Pinoy dito kaya halos oras-oras, may pinupuntahan kaming party ng mga Pinoy.. Mahilig silang magpakain lalo na kung may mga artistang dumadating.. Nakakatuwa, it was fun actually but I really missed her. I tried to call her yesterday but she doesn’t seem to care. Hindi ko tuloy mapigilang magtampo.

Forevermore: For Reel or for Real 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon