"I just want to know more about it," she sighed like she's dealing with a huge problem that she's been trying to solve. "Para magkaroon po ako ng ideya kung bakit hanggang ngayon ay hindi natin kasama si Papa."

Napanganga ako. Wala akong nakitang ibang emosyon sa kaniyang mga mata bukod sa kalungkutan.

Lumapit ako sa kaniya at kinarga siya para maiupo sa aking hita. "Freeda, what's on your mind?"

Tinignan niya ako. "Sino po ba ang papa ko?"

"Do you really want to know him?" sinsero kong tanong, napalunok.

She shook her head. "I just want to know his reasons for abandoning us..."

I bit my lower lip. He never abandoned us. Hindi niya alam ang tungkol sa pagbubuntis ko kaya alam kong may kasalanan din ako sa parteng iyon. Pero kung sinabi ko ba sa kaniya noon ay matatanggap niya? Nagawa niya akong ipagtulakan na para bang wala kaming pinagsamahan and even our first night together was a big mess! We didn't made love! It's purely fucking!

"Hindi ganoon iyon, Freeda..." mahina kong sabi, hinahaplos ang buhok niya. "Kasalanan ko kasi."

"Bakit po?"

Sinubukan kong ngumiti. Pakiramdam ko ay maiiyak ako sa harapan ng anak ko ngayon. Ayokong maranasan niya ang sakit na naranasan ko noon dahil lang sa naging mapusok at tanga ako. Pero dadating talaga ang araw na magtatanong siya. Ito na nga ata iyon.

"I've been trying to research on my own, Mama."

Mas lalo akong napahanga sa anak ko. Wala sa sarili ko siyang niyakap at kasunod noon ang pag agos ng luha ko.

Anong alam ng anak ko sa research na sinasabi niya ngayon? Saan niya natutunan ang mga bagay na iyan?

"Sinubukan ko pong magbasa sa mga libro kung anong dahilan ng isang tao para mang-iwan. I wonder why it is so easy for people to leave."

Mas naiyak ako habang pinakikinggan ang mga sinasabi niya. I wasn't expecting that she has this kind of idea inside her small head. Ang hirap isipin na napakabata niya pa para problemahin ang mga bagay na iyan.

"Freeda—"

"Mama, I'm not blind nor deaf. You're always c-crying every night or when you're alone. I've witnessed e-everything," bahagyang nabasag ang boses niya pero nagpatuloy lang sa kaniyang gustong sabihin, "gusto ko pong tanungin kung bakit wala akong tatay? Nasaan din sila Lolo at Lola? Bakit mama at Tito Van lang ang meron ako?"

Napaiyak na ako at mas niyakap siya. Hindi ko kayang makitang ganito si Freeda. Buong akala ko ay hindi niya pa ito maiisip dahil hindi ko naman ito nababanggit sa kaniya. Ngayong tinatanong niya na ako ay mas nasasaktan ako dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang lahat nang hindi siya masasaktan.

Muli kong inalala ang panahon na itinakwil ako ng sarili kong pamilya. Kaarawan ko iyon pero mas bigo pa ako sa bigo. Nawasak ako nang husto sa ginawa ni Leader at halos wala nang natira sa akin dahil nawalan pa ako ng pamilyang inaakala kong gagabay sa akin.

"Am I not e-enough, baby?" tanong ko habang umiiyak.

Nakita ko ang pagtulo ng kaniyang luha habang nakatingin sa akin. She cupped my cheeks using her tiny hands. "You are more than enough, Ma. I just don't understand them for leaving your side. Hindi ka naman po bad, a?"

Umiyak na siya nang umiyak habang unti-unting ibinabaon ang mukha sa aking balikat. Hinahaplos ko ang kaniyang likuran dahil kinakabahan ako na baka atakihin siya ng kaniyang hika.

"Kung sinaktan ka po nila ay ayaw ko na silang makita!" punong-puno ng pait ang kaniyang boses habang umiiyak pa, "Kung sasaktan ka lang po nila ulit ay huwag na lang, Mama. Kahit tayong dalawa na lang po at si Tito Van,  kahit wala na sila."

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon