Kabanata 26

67.8K 1.8K 675
                                    

Kabanata 26

Stranger

"How was school today, baby?" masigla kong tanong sa anak ko nang lumapit siya sa akin. I bent down a little so I could meet her gaze.

"Boring po," humina ang kaniyang boses kaya natawa nalang ako at hinawakan siya sa kamay.

Ganito ang kadalasan niyang sagot. As much as I want her to enjoy her first year of being a grade one student, she just couldn't get enough of inspiration for it. Ang lagi niyang sinasabi ay nabasa niya na sa mga libro ang ibang tinuturo sa kanila. She's that brilliant, my very own Freeda.

We're going to ride a bus today. I want her to experience how to ride a public vehicle. May sarili naman na akong sasakyan pero mas  maganda pa rin ang benepisyo kung marunong kang mag-commute.

"Mama, I saw a stranger earlier while I was waiting for you." Napatingin ako sa kaniya at napahinto sa paglalakad.

"What happened? Did he hurt you?" nag-aalala kong tanong sabay tingin sa kaniyang kabuuan.

She looks fine and normal. Masyado lang sigurong nakamasid itong si Freeda sa mga tao kaya kung sino-sino ang napapansin.

"He didn't say anything but I saw him inside his car."  Tinuro niya ang  isang gilid na tingin ko ay doon nakaparada ang sasakyan ng taong tinutukoy niya. "He's watching me."

Kumunot ang noo ko at hindi naiwasan ang makaramdam ng kaba. Nasisiguro kong lalaki ito pero anong kailangan niya sa anak ko? Do I know him? Imposible naman na si Blake iyon dahil kilala siya ni Freeda and besides, he's in New York right now.

"Ano ang itsura niya?" tanong ko, yumuko pa ako ng kaunti. "Natatandaan mo ba?"

"His windows were tinted, Mama," simpleng sabi niya sabay kibit ng balikat.

I pulled her for a hug. She talks like an adult and I admire her for that. Hindi kailanman nawala ang respeto niya sa akin at kila Van kahit pa ganiyan ang pamamaraan ng kaniyang pananalita.

"Mama..." she called again. "This not the first time that I saw him."

Hindi ko maiwasang hindi kabahan. Sino naman ang taong iyon? Hindi kaya may anak lang din siya na hinahatid sundo sa school ni Freeda kaya madalas siyang makita ng anak ko?

"That's his usual spot." Tinuro niya ulit ang gilid na tinuturo niya kanina.  "One time he came up to me and offered some sweets but I refused it. Ayaw ko po sa matatamis kasi po nakakasira ng teeth, right?"

Nag-aalala ako para kay Freeda but she's really a brilliant child. She can handle herself even without my presence. I wonder who's that guy? He's been watching my daughter and I wanna know the reason why.

Sana naman ay hindi masama ang intensyon ng taon iyon.

Nang makauwi kami sa bahay ay pinagbihis ko na si Freeda para makakain at makaligo na siya. Wala nama daw siyang assignment ngayong araw kaya napagdesisyunan kong manood kaming dalawa ng movie.

"What do you want to watch, baby?" I asked while scanning through the Disney movies.

"I would like to watch some romance movie, Mama."

Napahinto ako sa sinabi niya.

Where did she get that idea? Gusto kong itanong kung alam ba niya ang sinasabi niya pero kilala ko ang anak ko. Hindi niya naman ito sasabihin sa akin kung hindi naman niya ito alam. She didn't even ask me about it! Malamang nga ay alam niya talaga.

"Bakit naman romance, Freeda? It's not for kids and you're too young for it," sagot ko sabay tingin sa anak kong nakaupo lang ng diretso at tamad na nakatingin sa akin.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Kde žijí příběhy. Začni objevovat