Kabanata 16

55.7K 1.4K 342
                                    

Kabanata 16

White



"Do you really want to go to the prom?" tanong niya habang nagmamaneho siya papunta sa bahay namin.

Napabuntong hininga ako. Kailangan kong pumunta sa prom dahil nakapayag na ako kay Jameson. Binilhan niya pa ako ng mga susuotin ko kaya nakakahiya naman siguro kung tatanggihan ko siya. It's just one night. That's it!

"Sinabi ko na kasi sa kaniya na pumapayag ako e," sabi ko sabay sulyap kay Leader na nakakunot ang noo.

He really looks like a bad boy. His messy hair, dark brooding eyes, kissable lips, pointed nose, well-defined jaw, and that one of a kind dimple of him could make anyone lost their own sanity.

"You can go with me, Dea." nakangusong aniya sabay hawak sa kamay ko. "You're my girlfriend. You should be with me and not with that asshole,"

"Nauna k-kasi si Jameson, Lad..."

Hinalikan niya ang kamay ko nang hindi inaalis ang paningin sa daan. May kung anong kiliti akong naramdaman sa aking sikmura. Nakakakilabot ang dating.

"First come, first serve, huh?" tumaas ang kaniyang kilay kaya napatango kaagad ako kahit hindi ako sigurado kung tama ba ang ginawa ko. "Well, I got you first. Will you be my date then?"

Ako naman ang napasimangot. Tinignan ko lang siya na ngayon ay hawak pa rin ang kamay ko. Napunta lang sa ibang dako ang tingin ko nang huminto na kami. Wala pa kami sa village namin kaya nagtaka ako.

Napabitiw ako sa kaniya at tinignan ang unahan. Maraming kalalakihan na may dalang baseball bat at kahoy. Kinabahan ako bigla dahil hindi ko ito inaasahan.

Mariin ang titig ni Leader sa unahan. Hindi kami makakadaan dahil may gulo sa labas. Napabaling ako kay Leader at kaagad na hinawakan ang braso niya.

"Let's stay here for a while," mahinang sabi niya. "My car is tinted and bulletproof, Dea. You can calm now,"

Aanhin ko ang bulletproof na sasakyan niya? Paano kung kami ang sugurin dito at sapilitang sirain ang bintana? Kayang kaya basagin iyan mula sa labas!

"A-Anong nangyayari?" utal kong tanong, kinakabahan.

Nakatingin lang kami sa unahan. Nagulat ako nang may lumabas na isang babae. Ang mahaba niyang buhok ay sumusunod sa lakas ng hangin. Sumasayaw ito sa ibaba ng maliwanag na sikat ng buwan.

I think I saw her somewhere. Saan naman kaya? Pamilyar ang kaniyang itsura sa akin pero tanging shadow lang niya ang nakikita ko dahil natatakpan siya ng dilim.

Nang mas makalapit ay mas nakita ko siya. Siya 'yung babae na nakita ko noong nakaraan. Siya 'yung bulag na may dalang espada at magkaiba ang kulay ng buhok!

"K-Kilala ko siya!" napasabi ko, natatakot.

"Same here,"

Napatingin ako kay Leader. Paano niya nakilala ang babaeng 'yon? Saan at kailan kung ganoon?

"That's Goo's twin sister. Forbid," aniya sabay ngisi. Seryoso naman akong nakatingin sa kaniya marahil nagtataka sa kung anong maaaring mangyari sa amin.

Nakakatakot ang ganitong pakiramdam. Bakit naman kasi huminto pa si Leader?"

Halos pigil ang naging paghinga ko nang lumapit sa sasakyan namin ang babaeng tinutukoy ko. Forbid ang pangalan niya ayon kay Leader.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now