Kabanata 17

53.2K 1.4K 763
                                    

Hello! Sorry for the slow updates. I don't have any back up chapters kasi and nakakaligtaan kong magsulat dahil busy sa work. I am so sorry!

Kabanata 17

Prom

Kunot ang aking noo habang pinakikinggan si Jameson na nagsasalita habang pinapaandar ang sasakyan. Hindi ko nasundan ang mga kaganapan kanina. Leader is my boyfriend but I can't just shout it out to the whole world. Hindi pa ako handang harapin ang mga reakyon ng mga tao. Mahihirapan ako lalo na sa pamilya ko dahil alam nilang manliligaw ni ate si Leader.

Ano na lang ang iisipin nila sa akin? Inagaw ko ang manliligaw ng sarili kong kapatid kung may Jameson ako naman na sumusundo pa sa akin?

Nakarating kami sa school na tahimik pa rin ako. Hindi na kailangan ng hotel dahil ang lawak nitong buong hall ay kasyang kasya ang lahat nang dadalo.

Kabado pa ako nang humakbang ako sa red carpet. Tumigil pa kami ni Jameson sa isang gilid na may malaking background sa likod. For pictorial purposes daw. Hindi na ako sumagot pa at tipid silang nginitian.

"Loosen up, Dea." bulong ni Jameson sabay akbay sa akin. I didn't react on it. I let him do what he want. Wala naman itong malisya sa akin kaya ayos lang.

Nang matapos ang mahabang photoshoot ay dumiretso na kaagad kami ni Jameson sa isang table. Kasama namin ang kaniyang mga kaibigan, basketball players to be exact. Apat na lalaki ang andito at katabi nila ang mga babaeng paniguradong date nila ngayong gabi.

"Dea!" masayang bati ng isa sa akin nang alalayan ako ni Jameson na makaupo.

Hindi ko kilala ang isang ito. Nahihiya naman akong hindi siya pansinin kaya tipid akong ngumiti.

"Hello..."

"You're so beautiful tonight!" pagpuri niya pa sa akin na sinagot ko lang ng ngiti ko.

"Guys," tawag ni Jameson sa kanila na may malaking ngiti sa labi. "This is Dea, my date for tonight."

Nagpakilala sila isa-isa sa akin pero hindi ko rin natandaan dahil nasa ibang lugar yata ang utak ko. Si Leader ang iniisip ko sa mga oras na ito pero nagagawa ko pa rin silang ngitian kahit na nawawala ako sa sarili.

"Are you thirsty? Juice? What?" ani Jameson sabay lapit sa akin.

Bahagya akong napaatras sa kinauupuan ko at napayuko. He's too close and it's making me uncomfortable.

"T-Tubig na lang," nauutal kong sabi sabay iwas ng tingin.

Inasar pa kami ng mga kaibigan ni Jameson na hindi ko na lang pinansin. Hindi rin naman nila ako pinuna dahil siguro iniisip nila na normal lang naman na tahimik ako at hindi gaanong nagsasalita.

"Kailan mo balak sagutin si James?" tanong ng isang babaeng nakasuot ng itim na tube dress.

Napatingin ako kay Jameson. Nakangiti lang siya sa akin at mukhang walang balak na pigilan ang mga kaibigan niya.

"Hindi naman niya ako nililigawan." tipid kong sabi, hindi sila matignan.

"Oh?" tinaasan pa niya ako ng kilay. "So, you're going to say yes if ever na ligawan ka niya?"

"Ah—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita na ang host ngayong gabi.

I was saved by the bell! Kinabahan ako sa tanong na iyon sa akin. Masyadong diretso at hindi ako handa. Ayokong saktan si Jameson kaya kung sakaling maliligaw nga siya ay kaagad kong aayawan. Mas magiging masakit kung patatagalin ko. Ayaw ko nang ganoon.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now