bullet 26 - an epilogue

Start from the beginning
                                    

“Tell me my mom is alright,” I whispered while I passed into the FDI gate she wanted me to take. Ang dapat kong isinatinig ay ang katanungan kung ayos ba si Mommy subalit hindi iyon ang lumabas sa bibig ko. I feared a direct negative answer. Wala akong nakuhang assurance sa kanya dahil hindi na siya muling umimik pa hanggang sa maiparada ko ang kotse sa harap ng lobby ng gitnang gusali ng FDI. No, she’s alright, bulong ko sa isip.

Pinilit kong maging panatag habang tinutungo ko ang unit ko. Tiniis ko rin ang nakakasakal na kaba habang hinahanap ang sinabing mga bagay ni Luisa. My mom’s alright, bulong ko ulit sa isip ko. Hindi nagtagal ay dumating Luisa. She stood mutely at my room’s doorway as I dashed around yanking my drawers open, searching for a key and a box. I had no idea why I needed to bring those things, ang tanging sinabi lang ni Luisa ay pinapakuha sa akin ang mga iyon ni Mommy.

“Found it,” anunsyo ko sa kanya nang hindi siya tinitingnan nang mahanap ko ang mga pinapahanap niya. Ito ang susing nakuha ko sa ilalim ng fridge noon. ‘Under the fridge there is an old key. You have to find the room as soon as possible. Dungeons or Towers. Do this now.’ Naalala ko ang saktong utos mula sa natanggap kong liham ni Luisa noon. And the box? Ito ang sinasabi ni Dana na tunay na regalo mula sa aking ina---ito ang nakita kong nakatago sa ilalim ng driver’s seat ng Ferrari. Hindi ko pa alam kung ano ang laman nito dahil hindi ko pa ito binubuksan. Nagmature na siguro ako kaya hindi na importante sa akin ang mga ito. Uh. Really, no presents could have pacified me. Alam kong materyal na bagay ulit ang laman nito kaya wala na akong ganang tingnan pa. I had everything, what new could they give me, huh?

“Very good, Miss Venice Lizabeth,” wika niya. Bigla na lang akong kinilabutan nang maramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko. I was about to pivot and look at her ngunit hindi ko na nagawa. Napaka hindi ko inaasahan ang nangyari. Bigla na lamang umikot ang aking mga nakikita at hindi ko namalayang bumabagsak na ako sa sahig. Nawalan ng tinig ang buong paligid at tuluyan nang naging itim ang lahat.

***

I knew I was having a bad dream… how? Because I had an awesome memory and I can remember exactly every dream I had the misfortune of dreaming. And what I was having now was just a replay. I was staring at my own reflection through a shiny black tomb stone with my name elegantly engraved on it, my skull was staring back at me.

I felt the painful throbbing in my head before I could open my eyes from slumber. Awtomatikong napunta sa aking ulo ang dalawang kamay ko---nagbabaka sakaling maibsan ang kirot na gumising sa akin. Pinilit kong ibukas ang talukap ng mga mata ko  sabay ng mahina kong pagdaing. Holy crap! Hindi ko mapagsaan kung nasaan ako! Ito na ang pangalawang beses na nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto at ang naunang pagkakataon ay hindi maganda ang nangyari sa akin.

I tried to sit up as I roamed my eyes around. Mataas ang patusok na kisame, ang kalamangan ng haligi ay mga libro---I would have thought na nasa isang library ako kung hindi lang sa malaking kama, na kung saan ako nakaupo, sa gitna ng silid. Ang kalahati ng dingding ay puno ng mga paintings ng mga---well, abstract siguro dahil hindi ko maintindihan. Nakuha ng isang painting na nasa gitnang bahagi ang atensyon ko… it looked like a black apple na kaunting kurba na lang sa gitna ay hugis puso na. Napakunot-noo ako. 

Humangin nang malakas kaya napalingon ako sa bukas na veranda sa harapan. Maging ang pakiramdam ng hangin ay ibang-iba. Pati ang liwanang na nagmumula sa bintana ay hindi pamilyar. I instantly deducted that I was in another country---or continent. Sh*t. Where was I? Na-kidnap yata ako at itinapon na sa ibang mundo.

Trigger and BulletsWhere stories live. Discover now