Chapter 45:

4.4K 102 4
                                    

Kabang kaba ako na napalinga linga sa mga taong pumapasok ng gym.

Ngayun ang dating nila mommy Amanda at Daddy Ezekiel sabi ni Cloud, mas lalo akong kinakabahan dahil tinext ko kanina si Mommy Veronica na pupunta dito ngayun. Gusto ko lang naman marinig niya ang gusto kung iparating.

Ang nakakahiya pa ay dadating daw si dyle. Sinabi kasi ito ni Hyorin na tutula ako ngayun sa paaralan. Nakakainis talaga ang babaeng yon. Kulang nalang pati sina Coleen at ay pupunta dito. Ay wait! Kamusta na ang mga bruhang iyon? -__- na miss ko na sila.

Napaupo ako ng matuwid ng marinig ko na ang pangalan ko, napalunok ako ng sunod sunod at dahan dahan ng tumayo.

'Lord sana naman kaya ko ito,'

Napabuntong hininga ako at lumabas na ng stage.

Nilibot ko ang paningin ko, kumpleto silang lahat, mali. Wala pala si Mommy Veronica. Umiling ako 'Galit siya sayo Vanessa aasa ka nanaman ba. Aasa ka nanaman na pupuntahan ka niya! Gusto niya ngang mawala ka sa mundo diba?! ?' sabi ko sa sarili ko.

Ngumiti nanaman ako sa mga taong nasa harapan ko. Ang dami naman atang tao dito! Pero kaya ko 'to!

"Magandang umaga sainyong lahat, Gusto ko lang iparating sainyo na itong tulang ito ay hindi ko pinag handaan biglaan kasi ang lahat ng ito, pero sana ay magustuham niyo. "

(PANGULILA)

Mga yakap na kay higpit
Mga halik na kay init.
Mga salita mong kay lamig,
Ang iyong boses ay kay ganda sa pandinig.

Kailan mo magagawa saakin 'yon?
Kailan mo magawa saaki iyon! Ina, 

(Ipinikit ko ang mga mata ko para damdamin ang malamig na hangin)

Bata man o matanda ay kailangan ng ina.

Ngunit ako, ngunit ako ina mula bata pa ay hindi ko man lang naramdaman ang iyon presensiya.

(Pinipigilan kung hindi lumuha para hindi ako mahirapan na bigksin ang mga salita, nanatili akong nakatingin sa mga taong tahimik lamang na nakikinig saaking pagtula)

Maraming 'bakit' saaking isipan.

'bakit' mo ako hindi hinahanap 'bakit' ka ganiyan sa mga taong nakapaligid sayo, 'bakit' mo sila sinaktan, 'bakit' mo sila pinag taksilan.

(Nakita ng dalawa kung mata na nakatayo siya sa likuran ng aking Ama, Nandito siya.)

(Ngumiti ako kay mommy Veronica bago nag patuloy)

Ina! Wala silang ginagawa sa 'yo,

Mula sa pag silang ko, galit kana sa mundo.
Mula paglaki ko galit kana saakin,
Mula sa pag dalaga ko, gusto munang mawala ako sa mundo. Ina! Patawad kung buhay ako! Patawad kung hanggang ngayun ay nanatili ako dito sa harapan mo at sinasabi ang mga ito, hindi ko kasi mapigilan sabihin ang lahat ng ito.

(Napapikit ako ng mariin at doon lubusan ng tumulo ang mga luha ko)

OO MAY ASAWA AKO!
OO MAY INA NA AKO!
OO MAY AMA AKO! MAY KAIBIGAN MAY MGA TAONG AKING MASANDALAN,

P-pero ina *sigh* b-bakit ikaw parin ang h-hinahanap ng p-puso ko, *sob* b.bakit hanggang ngayun ay nangulila p.parin ako.
Galit ako sayo! G-galit na galit. Pero nanatili parin ako sa kasabihan ng ibang tao na lahat daw tayo a-ay mag babago.

(Tumingin ako sa mga mata nito na nakatulala lamang)

I-ina m-mag *sob* babago ka ngaba?
M-matatanggap mo paba ako?
M-mamahalin m-mo kaya ako ina?

KUNG GUSTO MO LULUHOD AKO! HINDI KO MAWARI PERO KAILANGAN KITA! KAILANGAN KITA SIMULA PA NUNG UNA. NAKAKAINGIT DAHIL MAY INA SILA SAMANTALANG AKO, SAMANTALANG AKO MAY INA NGA---PERO H-HINDI AKO TINURING NA A-ANAK.

(Nakita ko kung paano tumulo ang mga luha nito)

A-ako to, ako itong a-anak mo na mahal na mahal ka parin, ako 'tong anak mo na k-kahit sampalin m-mo pa sa maraming tao, ipapahiya sa maraming tao. Ina! Ako parin ang anak mo na tatayo at tatayo parin matanggap mo lang ako!

Tinulak mo ako ng maraming beses,
Sinampal mo ako ng ikalawang beses,
Kinakahiya mo ako sa maraming tao..ang mga ginagawa mo noon ay hanggang ngayun nag mamarakang sakit dito sa aking puso,

V-veronica, aking i-ina.
Salamat at nandito ka,

Lagi mong tatandaan, ako itong anak mo.

Mahal na mahal kita,
Sa pagtulo ng luha mo ay lalong nawawasak itong aking puso.
Sa pag tulo ng luha mo sinisisi ko nanaman ang sarili ko. Dahil nanaman saakin ay umiiyak ka Ina ko,

Patawad,
Patawad kung ganito ako,
Patawad at dahil saakin naging ganiyan ka
Patawad dahil kung hindi ako dumating sa mundong ito masaya ka sana.

Sana buhay pa si Irish
Sana buhay pa si Ana
Sana kayo pa ngayun ni Cloud at masayang nag sasama.

(Nanginginig ang katawan ko, naalala ko nanaman si Irish. Naawa nanaman ako kay Dyle. Dahil ang mata nito...ay nangungulila nanaman)

Hindi ko sinadya na guluhin kayo,
Hindi ko sinadya ina na saktan ka ng ganito.

Mapapatawad mo paba ang anak mo na ikakawasak ng mundo mo? Ikakasira ng pagka babae mo? Pagkasira ng ng pangalan mo? Pasensiya na talaga.

Ina mahal na ma-mahal kita, hayaan mong y-yakapin kita. Sa h-huli nating pagkikita"

Dali dali akong bumaba sa stage at tumakbo patungo sa aking ina na si Veronica.

Niyakap ko ito ng mahigpit kaya napahagulhol ako.

"I-itutulak mo naman ba a-ako?" Sabi ko dito. Nanginginig ang mga boses ko dahil na rin sa saya ko at nayakap ko ang aking ina.

"W-wag kang m-mag alala h-hindi na k-kita guguluhin p-pa, i-ito na *sob* ang h-huli nating p-pagkikita m-mommy"

"S-sorry, A-anak patawarin mo ako"

The Possesive Mr.Conway (Season2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora