Chapter 2

8.2K 203 13
                                    

Chapter 2

Maxine Point of View

Umuwi ako ng bahay at nadatnan ko ang daddy ko na nagbabasa ng dyaryo, habang ang mommy ko ay nanonood ng balita.

"Hi dad, hi mom."

Bumeso ako sa kanilang dalawa. "Hi hija, bat ngayon ka lang?" Tanong ni dad.

Naupo ako sa solo couch. "Dumaan pa po kasi ako ng library."

"Anong ginawa mo sa library?" Seryosong tanong ni mommy.

Wala kang makikitang emosyon sa mukha nya. Ang cold talaga nya, pareho sila ni ate Brittany.

"May hiniram lang po akong libro." Tumayo ako. "Akyat na po ako."

"Cge hija, maya-maya bumaba kana rin para makakain tayo ng dinner." Sabi ni dad.

"Opo."

Nag bow pa ko bago umalis sa kanilang harapan. Pag pasok ko sa kwarto, bumungad sakin ang makalat kong kwarto.

Oo nga pala hindi ko 'toh nalinisan kanina bago ako umalis dahil sobra ang pagmamadali ko.

Umupo ako sa kama at pinindot ang intercom. "Paki-linis yung kwarto ko."

"Opo ma'am."

Humiga ako sa bed ko. Maya't-maya may kumatok kaya tumayo ako para pagbuksan ang kumatok.

"Ikaw pala Manang, pasok ka."

Pumasok ito habang dala-dala ang dust pan at walis. Sinara ko ang pinto at naupo sa kama.

"Manang bat ikaw ang maglilinis? Wala bang ibang yaya?"

"May ginagawa sila hija tsaka gusto kasi kitang makita kaya ako nalang."

"Huh? Bakit po?"

Tumigil ito sa paglilinis at naupo sa aking tabi. "Hija may sakit kasi ang aking anak, yung nasa probinsya. Nakakahiya man pero kakapalan ko na yung mukha ko . . . . Pwede bang maka-utang sayo?"

"Oo naman po, magkano po ba?"

"Bahala kana hija. Nahihiya kasi ako sa papa mo kasi nung nakaraan nangutang narin ako tas hindi ko pa nababayaran. Wag ka mag-alala hija, pag naka-luwag ako babayaran ko kayo. Gipit lang talaga ako."

Kinuha ko yung wallet ko at kumuha ako ng anim na libo. "Manang oh."

Nahihiyang tinanggap ni Manang ang pera. "Wag nyo ng bayaran Manang, isipin nyo nalang na tulong ko yan sa inyong anak."

"Salamat hija."

Ngumiti lang ako at pinagpatuloy na ni Manang ang paglilinis. Matanda na si Manang, nasa 60s narin sya pero nagta-trabaho parin.

May anak pa kasi syang pinag-aaral ng kolehiyo. Ang tagal narin naninilbihan ni Manang samin, bata pa lamang ako naninilbihan na sya samin.

→Fast Forward←

Bumaba na ko at dumeretso sa dining area, nadatnan ko ang pamilya kong kumakain na.

"Hi sis." Bati ni ate Eva at tumayo pa para bumeso sakin. Si ate Brittany naman ay tahimik lang na kumakain at ganun din si mom.

Parehong-pareho . . .

Buti pa si Dad and ate Eva binabati ako tuwing nakikita ako. Umupo ako sa tabi ni ate Eva at nagsimula narin kumain.




Annie Point of View

Naglalaro ako sa cellphone ng biglang may nag door bell. "Bwiset!"

Sino naman kaya 'tong nagdo-door bell? Eh wala naman akong inaasahan na bisita ah.

Pagbukas ko bumungad agad sakin ang mukha ng pinsan ko na nakangisi. "Bat nandito ka, Hazel?" Mataray kong tanong.

"Wala lang." Sabay pasok nito sa loob.

Siraulong babae! Wala man lang paalam, pumasok agad. Walang modo!

"Pinapasok ba kita?" Masungit kong tanong habang sya ay prenteng nakaupo sa couch ko.

"Couz naman, ang sungit mo talaga." Sabay irap nya.

Naupo ako sa kabilang couch. "Umalis kana, ayoko ng may kasama."

"Grabe! Pero pag-dating kay Max, okay lang. Aminin mo nga, may gusto kaba kay Max?"

"Wala, straight ako noh."

"Eh bat pag dating sa kanya hindi ka naman masungit?"

"Wala kana dun, umalis kana." Tumayo ako at pumasok na sa aking kwarto.

Hyst! Inaatake na naman ako ng kasungitan ko. Pero bakit nga ba sa kanila masungit ako? Samantalang pag kay Max hindi naman ako nagsu-sungit.

Hmm . . . Siguro badtrip lang talaga ako.

•End of Chapter•

Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

My Bestfriend Is My WifeWhere stories live. Discover now