Chapter 1

4 0 0
                                    


Mojito


"Hoy, tama na 'yan!" sigaw sa akin ng kaibigan ko. Pero bakit naman ako makikinig? I'm too fucked up to listen to them. Gusto ko lang uminom nang uminom hanggang sa hindi na ako makatayo at hanggang sa makalimutan ko na lahat ng problema na binibigay sa akin ng mundo.

Someone tried to steal the glass of Mojito from me.

"ANO BA!?" reklamo ko.

"TAMA NA KASI!" sigaw ng kaibigan ko. I'm not really sure sino sa kanila because I'm too drunk to care whoever that motherfckr is.

"Pake-alam niyo ba!? Can't you just let me!?" I'm also too frustrated right now that I really need to drink. Gusto kong idagdag but who cares, right?

"You know..." A soft voice was heard behind me. Maybe it's Sandra who's talking right now, but I'm not really sure. "dapat ka nga siguro naming hayaan. Sabagay, ito naman ang gusto mo diba? Ang makita ng lahat kung gaano ka kawasak! Kung gaano kalungkot ang buhay mo! Gusto mong magluksa!? Sige! Gusto mong uminom!? Sige! Pero you should also know when to stop!" nahihilo ako lalo sa naririnig ko kaya yumuko nalang ako habang nakapikit. "We don't know who you are anymore, Trish. We're your friends! Handa kaming damayan ka sa lahat pero why won't you let us!? We're always here naman for you. Friends for life, right?" I can sense that nauubos na talaga ang pasensya nila sa akin. Sino ba naman ang hindi, diba?

I can't even say a word because I know na tama sila. I'm a wreck. I refuse to seek help from people around me because I don't want them to pity me. My pride is too high and ayaw ko itong ibaba kasi it's all I got. Pride nalang ang naiwan sa akin. And I don't think that they could understand what I'm going through. Masaya naman kasi sila. Wala naman kasi silang problema sa mga buhay nila. O kung meron man, it's not as worst as mine.

I feel like crying right now pero ubos na ata lahat ng luha ko. Wala nang natira sa akin. Ubos na ubos na.

"Then leave me." I don't know what had gotten into my mind why I said that. Pero gusto ko nalang mapag-isa. Ayaw ko silang mag-alala sakin. Ayaw ko silang madamay sa problema ko.

"What!? NO! Come on, Trish. Let's get you home." Someone tried to hold my hand pero winakli ko ito. "Trish..." I can sense the shocked from whoever it is. Ilang beses ko pa ba itong gagawin? Ilang beses ko pa ba sila tutulakin palayo? Ang sakit na kasi.

"Just please, leave me alone." I said.

Ilang minuto rin naghari ang katahimikan sa amin. I heard someone sigh and stood up. "Tara na. Hayaan na natin siya. Let's just go home."

"Pero, paano siya makakauwi? She can't drive while drunk! Baka mapahamak siya, Lei!"

"Gusto niyang iwan natin siya diba!? Tara na. Kung mapapahamak siya, wala na tayong kasalanan. We've done everything we could. Di naman pwedeng tayo lang ang gagawa ng effort na matulungan siya. She don't need our help. She need herself." Natahimik ang paligid after magsalita ni Lei.

Narinig ko pang may nagreklamo ulit pero ilang minuto rin bago ko maramdaman na wala na sila. I looked around to confirm it. Iniwan na nga nila ako.

I don't know what to feel. Ayaw kong aminin sa sarili ko na tama sila. Na may punto lahat ng sinasabi nila. Gusto kong magalit kasi iniwan nila ako pero they just did what I asked right? Bakit ako magagalit sa kanila. Sila na nga itong hinila ko sa problema ko tas ako pa ang may ganang magalit. I have no rights.



"Well, that's harsh." Someone said from my side.

I looked at the person who suddenly appeared before me just to know that he's a he. I can't really see him clearly kasi aside sa medyo madilim dito sa loob ng Finders Keepers ay tipsy na din ako. But I'm sure that this guy is tall. Not really sure if he's handsome but I don't care anyway.

Dahil hindi ko naman ugaling kumausap sa di ko kilala, I ignored his presence and just focused on drinking. Naka ilang shots na ba ako? I lost count already.

"Wow. I didn't know you're a snob." I felt him sat next to me. "One beer, please." He said to the bartender.

"Can I buy you a drink?" he looked at me but since I'm not really sure if ako ba ang tinatanong niya, I looked around baka kasi may iba pang tao diba. Ayaw ko namang masabihan ng assuming pag sumagot ako. But we're the only person here in this area dahil ang iba malayo naman sa amin at nagsasayaw.

"Ako ba tinatanong mo?" sabay turo sa sarili ko. What? Sigurista ako e. Mahirap na.

"Who else? Aside nalang if may nakikita kang kasama natin dito na hindi ko nakikita. Meron ba?" He answered. Napairap nalang ako sa pagpipilosopo niya sa akin. Damn, I already hate his guts.

"I don't need someone who'll buy me drinks. I can buy my own. I have money." Sagot ko sa kanya.

"Damn. I really adore independent woman." He whispered pero rinig ko naman despite sa malakas na music.

I put money above the table and started packing my things to get out of here. Hindi ko kasi forte makipag-usap sa di ko kilala and if he's not gonna go, ako nalang. Pero naparami ata ang inom ko at kahit di pa ako nakakalakad ay muntik na akong matumba kung di niya lang ako naalalayan.

"Careful." He said habang nakahawak sa braso at bewang ko.

I felt hot with his touch kaya naman agad akong napalayo sa kanya at muntik na namang matumba kung di lang ako agad nakahawak sa bar counter. Shit. I'm so wasted!

"Are you gonna drive? Mukhang kung gagawin mo iyan ay hindi ka na makakauwi ng buhay sa inyo." sabi niya.

"I can handle myself. Thank you nalang." I answered. Dapat talaga di na ako nagpaiwan sa mga friends ko kanina e. Damn pride.

"Minsan, hindi din masamang ibaba ang pride natin. Lalo na kung kailangan talaga."

"Shut up." I said. Sino ba siya para pagsabihan ako ng ganun? He don't even know me!

My head is starting to hurt. Di ko ata kayang mag drive. I should call someone right? Kinalkal ko ang bag ko for my phone pero damn wala ata dito. Shit! Naiwan ko sa kotse kanina! Aish.

"Come on, ihahatid na kita." He said habang inaalalayan ako. But I shrugged him off lalo na at nakaramdam na naman ako ng kakaibang init. Sht! What's happening to me!? Hindi ko alam kung nararamdaman niya din ba pero he kept on staring at me like I'm a weird human being. "I'll give you my wallet and phone. You can check my IDs if you want but I won't let you go home like this. Konsensya ko pa kung mapahamak ka sa daan." Mukha talaga siyang seryoso at hindi mag papatalo sa argumento na ito.

I stared at him. I can somehow see some features at masasabing hindi din naman siya masama. He's a typical city boy na masasabi mong nag-g-gym dahil sa figure niya pero bumagay din naman sa kanya ang body built niya. Hindi din naman siya mukhang rapist o ano, in fact, he's handsome. Okay lang naman sigurong pagkatiwalaan ang taong ito ano? Nilahad niya sa akin ang kamay niya na may ID. Driver's License, actually.


Sven Gareth L. Gomez


"Key." He gave me a reassuring smile. Hays. Ngayon lang ako magtitiwala sa taong di ko kilala. Ayaw ko naman munang mamatay kasi. I may be a wreck but I don't wanna die yet.

When I handed him my car key ay binigyan niya ako ng isang ngiti at agad niyang hinawakan ang kamay ko at ginaya ako palabas sa lugar na ito. If ever something happens to me, bahala na. Pero sana talaga, wala.


But for some reason, I feel safe.

Safe HavenUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum