Ten: Si Ariella at Adrielle

ابدأ من البداية
                                    

            Napangiwi siya sa eksena na dudutdutin nito ang sugat niya. Muli niyang pinasadahan ng haplos ang sugat niya na nakakubli sa malaking band-aid. “Huwag naman, masakit 'yon.”

            Natigilan sila pareho nang tumikhim si Nurse Shasha. This time, nakatayo na ito sa may paanan ng hinihigaan niya at nakangisi. Iyong “knowing smile” ba. “Okay lang siguro kung iwan ko na muna kayong dalawa dito? Kukuha lang ako ng lunch ko, okay?” Tiningnan siya nito. “Mister Sirculo, kung kaya mo nang tumayo nang hindi nahihilo pwede ka na ulit magliwaliw sa labas. Huwag mo lang pwersahin ang sarili mo.”

            “Okay po. Salamat.”

            “Sige. Mag-lunch na rin pala kayong dalawa.”

            “Salamat po, Nurse.” Sabi naman ni Jigger saka sila tuluyan nang iniwan ni Nurse Shasha.

             Narinig niyang tumikhim din si Jigger saka umayos ng upo. Indecision crowded her eyes as she stared at him. Napakunot tuloy ang noo niya.

            “So… Kumusta ka nga? Okay ka na talaga? Hindi ka ba nagsinungaling kay Nurse nang sabihin mong okay ka? Sigurado ka? Ha?”

            Sunud-sunod ang naging tanong nito kaya hindi muna siya sumagot at hinintay itong matapos. Pilit niyang itinago ang ngiting nag-a-alsang lumabas. Kahit hindi nito sabihin ay halata sa kilos at agitated state nito ang pag-a-alala para sa kanya.

            “Huy, sumagot ka.”

            “My, my… You’re worried, I see.”

            Natahimik ito at muling bumalik sa magkabilang pisngi nito ang blush na nawala na kanina. Nagbilang si Kell sa kanyang isip ng hanggang tatlo. One, two, three—Sininghalan siya nito.

            Gusto niyang matawa. Alam na alam na niya kung ano ang gagawin nito kapag napapahiya. Tumikhim siya. She gave her a smile. “Yep. I’m fine.” Nag-pout siya—nagpa-cute. Sana effective. “Pero medyo kumikirot-kirot pa rin kasi.”

            “Hmp.” Nag-krus na naman ang mga braso nito. “Sino ba naman kasi ang nagsabing saluhin mo ang Frisbee gamit ang noo?”

            Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Iyon ang sabi ng instinct ko. Ang saluhin ko ang Frisbee gamit ang noo. ‘Thank you’ nga lang kasi ang kailangan ko 'di ba? Hindi ang pangungutya mo.”

            Dead air…

            Hindi niya yata dapat na sinabi ang mga bagay na iyon. Ang awkward tuloy ng hangin na nasa loob ng clinic.

            Pero tama naman kasi, hindi ba? Iniligtas niya it. Tinulungan. Tapos ganito lang? Nag-“thank you” nga ito kanina pero babalik na naman sila sa tono nitong nangungutya? Kasalanan ba niya na wala siyang ibang naisip kanina kundi ang iligtas ito kapalit ng kapahamakan niya?

            Medyo nag-i-init ang ulo niya kaya kailangan niyang manahimik. Hindi niya gusto na mapagsalitaan niya si Jigger nang ganoon pero hindi niya naiwasan.

            “Sorry.” Narinig niyang bulong nito.

            Natigilan siya. “Ah—” Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil bumukas ang pinto at mula sa maliit na siwang ay sumilip si Ariella.

            Paktay.

            Kinabahan siya bigla. Hindi niya gusto ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi dahil sa nakita niya ito kundi dahil pakiramdam niya ang may masamang mangyayari na hindi niya gustong masaksihan.

Jigger Hortalezaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن