Sa kalagitnaan ng iniisip ko ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Blake.

"Happy birthday, Desdemona! Labas ka naman ng bahay niyo! Celebrate tayo nila Van!"

Gusto kong patulan ang sinabi niya pero magulo ang utak ko ngayon. Mas magulo at hindi ko alam kung anong gagawin ko!

"B-bukas na lang, Blake," utal kong sabi.

"Sige. Enjoy your day, Dea. I missed you."

Hindi niya na ako pinagsalita. He ended the call and when I was about to throw my phone, tumunog ito ulit.

It's no longer Blake but this guy is very familiar to me.

"Ledge," I called.

"Mona! Happy birthday, did you miss me?" natatawang sabi ni Legend sa kabilang linya.

Gusto kong maiyak. Bakit ako nakakaramdam ng pangungulila kay Legend? Siguro kasi ay nakikita ko si Leader sa kaniya na ilang linggo nang hindi nagpakita sa akin. Si Leader na mukhang hindi naniniwala sa akin, walang tiwala sa akin.

"Thank you, Ledge."

"What's your plan? Aalis kayo ni Kuya?" he asked.

"We broke up..." napaiyak na ako. Ang hirap lang talaga magpanggap na okay ka kahit hindi naman talaga.

"I bet, it was the asshole's fault!" giit niya at narinig ko pa ang pagmumura, "huwag mong babalikan ang kapatid ko, Mona. Hayaan mong pagsisihan niya ang ginawa niya!"

"Ayaw na rin naman niya sa akin e," patuloy lang ako sa pag iyak habang siya ay pinauulanan ng mura ang kapatid kahit na hindi naman niya ito nakikita.

"Nako, dapat pala pinormahan na lang kita," natawa ako sa sinabi niya.

Ngayon lang ulit ako ngumiti at dahil pa talaga sa isang Ellington? Ellington ang dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon pero Ellington ulit ang dahilan kung bakit ako nakangiti ngayon.

"Loko!"

"Just enjoy your life, Mona. I am always here for you."

Marami pa kaming pinagusapan hanggang sa kailanganin niya na itong ibaba. Para akong bumalik sa normal at napahiga lang sa kama.

Bumaba ako para sana kumain. Naghanap kaagad ako ng makakain sa ref kaya dinampot ko ang baked mac doon pero ganoon na lamang ang gulat ko nang mahilo ako sa amoy.

Mabilis kong ibinaba ang hawak at pumunta sa lababo para sumuka. What the heck is happening to me?

Umakyat ako sa kwarto at kinuha ang laptop. I searched some early signs when you're pregnant. Majority ng mga nakalagay doon ay meron at naranasan ko.

Delay din ako ng dalawang linggo at doon ko naalala ang ginawa namin ni Leader. Wala kaming kahit anong proteksyon kaya posibleng buntis nga ako.

Kinuha ko ang bagay na matagal ko nang tinago sa aking bag. Nanginginig pa akong binuksan iyon bago sinubukan ag pregnancy test. Natatakot ako sa magiging resulta nito pero kung positibo nga ang lalabas, buong puso ko itong tatanggapin.

Positive ang lumabas. Dalawang pulang linya, malinaw na malinaw. Napaluha ako at tsaka niyakap ang hawak ko.

I'm going to be a mother! Hindi ko ito inaasahan pero hindi ko rin naman pinagsisisihan. This is a big blessing for me.

"Baby..." ani ko sabay haplos sa sikmura ko. "I'm so sorry,"

Iyak lang ako nang iyak. Ngayon ko lang naisip ang mga kahihinatnan ng nangyari sa akin. Kakailanganin kong tumigil sa pag-aaral kasi pwedeng makasama iyon sa ipinagbubuntis ko. Pero paano sila Mama? Matatanggap ba nila ako, ang baby ko? Magagalit si Papa sa akin. Hindi ganito ang inaasahan niyang magiging kapalaran ko.

Pero kung ano man ang maging desisyon nila, tatanggapin ko ito. Kaya kong buhayin ang anak ko. Alam kong mahihirapan ako pero kakayanin ko naman. Kakayanin ko kahit mahirap at paniguradong masasaktan ako.

Mabilis akong nagbihis para simulang hanapin si Leader. Sabado ngayon at wala rin pasok kinabukasan kaya paniguradong kasama ni Leader ang mga kaibigan niya.

Saan ko naman kaya siya hahanapin?

Sisimulan kong pumunta sa condo niya at baka nandoon siya. Alas dos pa lang ng tanghali kaya hindi naman siguro siya aalis lalo na't sabado naman.

Nang marating ko ang condo niya ay sigurado akong walang tao roon. Maghintay na lang kaya ako dito? Dito naman siya uuwi kaya kung maghihintay ako ay paniguradong makikita ko siya.

Umupo ako sa gilid katabi ng kaniyang pinto. Sumandal pa ako sa pader at niyakap ang dalawa kong tuhod. Kailangan kong iwasan ang maging malungkot dahil makakasama lang iyon para sa baby ko.

Hindi ko na halos namalayan na nakatulog na pala ako. Alas siete na ng gabi nang magising ako at kumakalam na ang sikmura ko. Kinusot ko ang mga mata ko para tignan ang pinto ng condo niya. Hindi pa rin siya umuuwi.

Nasaan naman kaya siya nagpunta?

Kinuha ko ang phone ko para magbukas ng facebook. Sana lang ay may post tungkol sa kinaroroonan niya ngayon. I just really need to talk to him. Siya ang tatay nitong pinagbubuntis ko kaya dapat lang na malaman niya.

May isang post mula sa isang kaibigan niya ang nakita ko. 30 minutes ago ito kaya alam kong nandoon pa rin sila.

It was a group picture with Leader. He's with a girl I am not familiar with. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit makita na may kasama siyang iba. Ang bilis naman niya akong ipinagpalit?

Nang matiyak ko ang location kung nasaan sila ay mabilis akong pumunta roon. Hindi ko alam kung anong mangyayari pero sinusubukan kong ikalma ang sarili ko.

I need to be strong for my baby. Hindi na ako mag-isang lumalaban ngayon. I have this little angel with me.

There, I saw him with his friends. He doesn't even want me to be there so he needed to drag me out. I took all of my will to face him and this is what I get?

Ngayon ko na lang siya nakita ulit at masakit dahil pinagtabuyan niya pa ako. Today is my birthday! Dapat masaya ako pero bakit parang hindi naman?

Ako pa rin ang inakusahan na nagloko. Hindi niya man lang ako pinakinggan! Tinanggap ko na ngang hindi niya na ako babalikan pero anong magagawa ko? Ayokong lumaki ang anak ko nang walang ama!

Nawalan na ako ng lakas bumalik sa loob para magmakaawa ulit sa kaniya. If he don't want to listen to me, then don't! Ako ang bubuhay sa anak ko.

Hindi ko gustong lumaki siyang walang kumpletong pamilya pero hindi ko rin gusto ang ideya na ayaw siyang panagutan ng sarili niyang ama. I don't want my child to feel that he's unwanted. I may be young but it won't be a hindrance to fulfill my responsibilities as a mother.

This is a gift from heaven. Hindi ko tatalikuran ang regalong ito.

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Where stories live. Discover now