"Bukas na ang birthday mo, Dea. Anong plano mo?" tanong ni Papa.

Noong nakaraan ay marami akong plano pero ngayon ay mas pabor yata kung dito na lang ako sa bahay.

"Hindi ko pa po alam, pa," sagot ko.

Nagulat ako nang abutan ako ni Papa ng isang sobre. Wala sa sarili ko itong binuksan at nagulat ako na may laman itong pera.

"20 thousand lang iyan, hija. I just want you to spend it tomorrow. Wala namang pasok kaya you can do whatever you want."

Napaiyak ako. Anong gagawin ko sa perang ito?

"Thank you po," naiiyak kong sabi sabay yakap sa kanilang dalawa ni Mama. Sana lang ay kaya kong sabihin sa kanila ang tunay kong nararamdaman. Sana kaya ko rin maging honest sa kanila.

Marami akong pagkukulang bilang anak. Gusto kong bumawi sa kanila kaya bukas ay sisiguraduhin kong sasabihin ko sa kanila ang lahat.

Alas kwatro ng madaling araw ay nagising ako. Humilab ang sikmura ko kaya dumiretso ako sa banyo para sumuka nang sumuka. Ano bang nakain ko kagabi at bakit ako nagsusuka?

Hindi na ako nakatulog. Kinuha ko na lang ang laptop ko at binuksan ang Facebook account ko. Maraming friend request doon pero hindi ko nagawang i-accept.

Biglang tumambad sa news feed ko si Leader na may kasamang babae. Si ate Anna ay naka itim na spaghetti strap at short shorts. Nakaakbay pa si ate Anna kay Leader habang ang seryosong si Leader ay may hawak lang na baso.

Sila na ngayon? Pagkatapos ko ay si ate Anna ulit? O baka naman si ate Anna talaga at hindi naman ako?

I deactivated my Facebook account. Sasaktan ko lang ang sarili ko.

Pinilit ko ang sarili na makatulog.

Kagaya kaninang madaling araw ay nasusuka ulit ako ngayon. Na-food poison na yata ako kaya naman lumabas ako ng bahay para bumili ng gamot.

Wearing my black pajama terno, I went to the pharmacy to buy some meds. Hindi ko alam ang bibilhin kong gamot pero bumili ako ng pregnancy test kit. Hindi ko alam kung bakit ba ako bumili nito.

Tinago ko ito sa aking bulsa at nang makauwi ako sa bahay ay nilagay ko kaagad iyon sa loob ng aking bag. Nagkulong lang ako sa kwarto habang pinakikinggan ang phone kong tumutunog.

Sinagot ko ito.

"Happy birthday, baby girl! Labas naman tayong dalawa!" ani Van sa masiglang tono, "Miss na kita, bakla. Kita na tayo, please?"

Yeah. It's my birthday! Dapat ay nagsasaya ako ngayon pero bakit hindi? Marami akong plano para sa araw na ito pero ang bilis naglaho lahat. Mahirap ba talagang sumaya?

"Masama ang pakiramdam ko, Van... next time?"

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Oh sige, bukas na lang! Bawal tumanggi, huh? Loveyou!"

"I love you too." Binaba ko na ang tawag bago ako humiga sa aking kama.

Kinatok ako nila Mama at binati nila ako ni Papa. Nginitian ko sila at parehong niyakap. Aalis sila ngayon at may pupuntahan sandali. Bibilhan pa nga raw ako ng regalo kaya naman tumango ako at hinayaan na sila.

Habang nanonood ako ng tv ay bigla ko na naman naramdaman ang paghilab ng sikmura ko. Diretso akong pumunta sa banyo at halos luhuran ko na ang toilet bowl dahil suka ako nang suka.

Wala pa naman akong kinakain kaya anong nangyayari sa akin?

Napahilamos ako sa aking mukha. May ideya ako pero ayokong isipin na ganoon nga ang nangyari. No, hindi pwede!

One Beautiful Mistake (Ellington Series #2) (Published Under PSICOM)Kde žijí příběhy. Začni objevovat