Part 14: Uncomfortable

Start from the beginning
                                        

Naglaro lang kami buong magdamag kaya pagsapit ng umaga ay tsaka naman kami nagsitulog.
11:00am na kami nakagising ng tanghali dahil sa antok.

Paggising ko,nakita ko si JK na tulog parin kaya naman lumabas ako.Gising narin sila RM kami nalang pala ang naiwan dahil nasa labas na silang lahat.

Nagvibrate ang phone ko at tiningnan ko,tumatawag si Lirpa.

"Oh?"
sabi ko.

"Bumaba na kayong dalawa ready na ang lunch!"
sabi nya naman sakin.

"Sige!"
sabi ko naman sabay pasok ulit sa room namin.
Tinry kong gisingin si JK para kumain.

"JK!tara na daw sa baba para kumain!"
sabi ko.

Hindi parin sya gumigising kaya nilapitan ko.Tinanggal ko yung nakataklob na kumot sa ulo nya at kinalabit ko sya.
Nakita kong parang may sakit si JK kaya naman hinawakan ko ang noo nya kung may lagnat nga sya.

"JK ang init mo ah?bat di mo sinasabing may lagnat ka?wait kukuha akong towel at tubig"
sabi ko naman na natataranta.
Pumunta ako sa bathroom at kumuha ng towel at maligamgam na tubig.
Pinunasan ko sya at nagpaakyat ako ng soup at medicines sa room namin.

"Ano ok ka lang ba?bat di ka nagsasalita?"
irita ko namang tanong.

"Huy!"
sigaw ko sa kanya.

"Wag ka ngang sumigaw,lalong sumasakit ang ulo ko eh"
mahina nya namang sabi.

"Ay sorry!di ka kasi nagsasalita eh!"
sabi ko naman sa kanya.

May kumatok sa pinto kaya naman pinuntahan ko na.
Yung pinakuha ko palang gamot at soup.

"Salamat po!"
sabi ko dun sa nagdala.

"Ano naman yan?"
sabi ni JK.

"Gamot tsaka soup!ito ginagawa sakin ni Mommy pag may sakit ako eh!"
sabi ko naman sa kanya.

"Ah..so susubuan mo ako?"
tanong nya.

"Ha?hindi! oh ayan na,kumain ka mag-isa!"
sabi oo naman sabay bigay nung lalagyan ng pagkain.

"Nahihilo nga akong gumalaw eh!"
sabi nya naman na parang totoo,kita naman sa mukha nya.

"Eh bat ka kasi nilagnat ha?"
sabi ko naman.

"Hindi kasi ako sanay na napupuyat!"
sabi nya naman.

"Eh bat di ka natulog kagabi?"
sabi ko naman.

"Hindi din ako makatulog ng may ilaw eh!"
sabi nya sabay ngiti.

"Ha?eh pano na yan!gusto mo bang magpalipat ng kwarto?kung ayaw mo ako nalang."
sabi ko naman na nag-aalala.

"Hindi na,mag-aeye mask nalang ako mamaya!"
sabi nya naman.

"Hayst!"
yun nalang ang nasabi ko at kinuha ko yung mangkok na may soup at sinubuan sya.
Pinainom ko narin sya ng gamot.

"JK kaya mo bang mag-isa muna?kakain lang ako sa baba,pero babalik din ako promise!"
sabi ko sabay taas ng palad.

"Mmmm..may tiwala naman ako sayo eh!"
sabi nya sabay ngiti.

Bumaba na ako at pumunta sa cottage kung saan nandun silang lahat.Sinabi ko na sa kanila kanina na may sakit si JK kaya hindi makakababa then si RM yung bumili ng gamot at pinadala sa taas.A nice leader talaga!parang magkakapatid nanga amg turingan nila eh.

Kumain na ako at bumalik din kaagad sa taas,nag-aalala lang ako dahil baka magcollapse si JK sa taas at mahilo bigla.

Pagpasok ko sa loob ay nakahiga lang si JK,alam kong mabobored sya dito kapag walang kasama.
Naupo ako sa kama ko at nakatingin sa kanya.

EXISTING NERD?Where stories live. Discover now