Characters Release:
Nakasakay kami sa elevator.
Sobrang ingay kaya naman di nila ako napapansing nakatulala.Nagtataka lang talaga ako kung sino talaga yung nagsulat nun.
"Uy Ara!kanina ka pa tulala!"
pansin ni Jin sabay kalabit sakin.
"Ha?ah wala!may iniisip lang ako!"
pagdedeny ko naman sabay ngiti.
Huminto na sa 8th floor yung elevator kung san doon ang mga room namin.
Kanya-kanya na kaming pumasok sa loob at nagpahinga.
"Goodnight Ara!"
sabay na sabi nung dalawa pati ng anim.
"Sige!goodnight din!"
sabi ko naman.
"Tara sabay na tayo!"
nagulat naman ako kay JK na pumantay sa lakad ko dahil sa dulo yung room namin.Sya nga pala ang kasama ko sa kwarto.
Hayst!bahala na.
Pinagbuksan nya ako ng pinto at pumasok naman na ako.
Humiga na ako at nagtaklob ng kumot,nakakamoya talaga.
"Tulog na ako!good night!"
sabi ko sabay taklob ng kumot ko.
"Sige!goodnight!"
sabi nya at pinatay ang ilaw.Nagulat naman ako bigla dahil hindi ako sanay matulog na patay ang ilaw,nakakapanaginip kasi ako minsan ng mga nakakatakot kaya naman hindi pinapatay ni Mommy ang ilaw sa kwarto ko.
Sisilip sana ako sa labas ng kumot.
Kaso di ko talaga kaya,feeling ko may mga mata na titingin sakin once na iangat ko yung kumot.
Nakakatakot naman,anglabo nanga ng mata ko dahil walang salamin tapos patay pa ang ilaw.
Di ko naman pwedeng sabihin kay JK na buksan ang ilaw dahil baka sya naman ang di makatulog,ayaw ko naman na makaistorbo ng iba.
Di ko na alam yung gagawin ko,feeling ko suffocate na ako sa loob ng kumot.Di ko na alam gagawin ko.
Natatakot ako lalo na pag naiisip ko yung mga napanuod kong movie na horror,yung pagtumingin ka sa gilid o taas ng kama mo biglang sisilip yung babaeng mahaba ang buhok na puti yung mata.
Waaaaaa!ayaw ko ng mag-isip.Mamatay ako neto sa nerbyos.Bahala na.Ipipikit ko nalang yung mata ko para makatulog na ako.
After that...di ko na alam kasi nakatulog na ako.
4 hours later (12:45 am)
Feeling ko kinakapos na ako sa paghinga kakatakbo,hindi ako pwedeng lumingo dahil baka abutan ako nung babaeng yun kaya naman habol-hininga na ako.Paghakbang ko,nadapa ako at napatingin sa likod.Papalapit na sya!umiiyak na ako sa sobrang takot then ito na sya!sumigaw ako ng malakas...
Bumukas yung ilaw.
Napaupo ako sa kama na tila hapong-hapo at takot na takot.Nakita ko naman si JK na bumukas ng ilaw.
"Ayos ka lang Ara!"
tanong nya na feel ko naman na kinabahan din sya.Nakahawak sya sa likod ko para pakalmahin ako.
"Ha?nanaginip lang ako!"
sabi ko naman na pawis na pawis.
Nagulat naman kaming dalawa nang magbukas ang pinto at pumasok sila RM,Yver,Lirpa,Jin,Taehyung at Jhope.
Nagising din siguro sila sa pagsigaw ko.
"Anong nangyari sayo Ara?"
tanong ni RM pagkapasok nila sa pinto.
"Pinatay mo ba ang ilaw?"
tanong naman ni Yver na alalang-alala na lumapit sakin.
"Oo!hindi ba sya nakakatulog ng patay ang ilaw?"
tanong ni JK sakin.
"Hindi!hindi pa yan nakakatulog na nakapatay ang ilaw,malamang nag-ooverthink nanaman yan kanina na nakakatakot kaya napapanaginipan nya!"
paliwanag sa kanya ni lirpa.
ESTÁS LEYENDO
EXISTING NERD?
FanfictionI'm Ara Scott,such a nerd but not that ugly one.The name na tatatak sa inyong isipan! Some other says "The more you hate,the more you love!" "Sa lahat ng challenges at consequences nyong naranasan at pareho nyong nalagpasan dahil di kayo bumitaw sa...
