Pag uwi namin sa condo unit isa isa kaming napahilata.
"Hayst nakakapagod naman!"mahinang saad ni Lirpa.
"Kaya nga!kala ko madali lang ang pinagaaralan dito sa Korea pero mas madali parin pala sa sarili nating kinalakihan"mahabang saad ni Yver.
Napaiktad ako sa kinahihigaan ko,kinuha ko yung phone ko at tiningnan ang schedule para bukas.
"Yesss!!"pabulong kong saad.
Tumingin sakin yung dalawa na parang nagtatanong kaya sinagot ko na agad.
"Guys,remember Wednesday bukas!"sabi ko habang nakangiti.
Nagtataka parin yung dalawa.
"Oh ngayon?"tanong ni Yver.
"2 hours lang ang klase hoooo!!"sigaw ko.Nagkatinginan kaming tatlo.
"Wednesday is the best!!"hiyaw naming tatlo habang kanya kanyang punta sa mga CR at naligo.Puno ng pagkain ang ref namin kaya madali lang para samin ang makakain.Si Lirpa lang yung medyo marunong at may alam sa pagluluto pero sa Pilipinas yun,eh Korea to. Kaya minsan bumibili kami sa labas ng gusto naming pagkain dahil,minsan may nadedeliver nalang bigla bigla sa bahay at bayad narin.Malamang sa malamang si Mommy ang gumagawa nun.Tapos na kaming tatlo kumain,kung d nyo alam eh toka toka kami dito sa paghuhugas ng plato.Dahil Tuesday,turn ni Yver ngayon then tommorow si Lirpa kahapon naman ako.Tapos ng maghugas ng plato si Yver kaya naupo kaming tatlo sa couch habang nanunuod ng TV.Nanunuod nga ba? ako lang naman yung nanunuod eh,yung dalwa nawiwili sa pagdodotdot ng cellphone.
"Yver ibaba mo nga yang paa mo!"sita ko sa kanya.
"bakit ba?"nagsasalita ng d tumitingin sakin.
"Eh kasi naman kumakain ako ng snack tapos nandyan yung paa mo!"sabi ko.
"So pano ako hihiga kung nasa baba ang paa ko?" sabi nya.
"Kelan pa ba naging higaan ang couch aber!?"medyo lumakas ang boses ko.
"Hayst naman Ara bakit ba ang sensitive mo.Malinis po yan oh tingnan mo pa!"sabay angat ng paa.
"Bahala kanga sa buhay mo,dito nalang ako sa dulo!"tumabi ako kay Lirpa na nakaupo din at nakafocus sa cellphone.
"Tabi tayo bhesh ah!"sabi ko sabay upo.
"Ano ba yan?"sabay tingin ko sa cellphone nya.
"May tinintingnan ako sa forum ng school natin,tungkol dun sa mga bagong magtatransfer!"sagot nya habang focus parin dun.
"Ah yun ba yung hinahanap nyo kanina?"sabay ng paglingon nilang dalwa sakin.
"Oo yun nga yun!na nabulilyaso ng dahil sayo!"sabay tayo ko habang papalapit sila sakin.
"Uy d ko sinasadya yun ha!(habang nagsusuot ako ng tsinelas para ready sa pagtakbo)guys yung BTS nasa TV oh! turo ko sa TV sabay takbo sa CR ko.
"Araaaaaa!!!"sigaw ni Yver habang hinahabol ako.Pero d nya ako inabutan kasi nalock ko kaagad yung CR.
"Haha!kala nyo maaabutan nyoko ha!"sigaw ko sa CR.
"Nakakaasar ka talaga Araaaaa!"sigaw ulit ni Yver habang pabalik sa labas.
Pasado 10:00 pm na ng gabi.Nasa kama na ako at nagbukas ng laptop."Wala bang balak matulog yung dalawa nayun?!"pabulong ko.Lumabas ako at sumilip sa couch,nagtaka ako "asan sila" pabulong kong sambit.Umupo ako sa couch,nanuod ako mag isa.Oh wag kayong magtataka kung bakit naiintindihan namin ang mga news sa Korea.Remember,may private tutor kami about sa Korean language girl sya kaya mabilis naming maintindihan lalo na ako,sya si ate Mina He half Filipino sya pero sabi nya tawagin nalang daw namin syang noona(ate in Korean language).Every Sunday lang kami nagkikita ni noona pero almost whole day din yun.Minsan nga gabi na nakakauwi yun eh,at minsan nakakasabay pa naming kumain ng hapunan.
Balik tayo sa panunuod ko,bigla akong napabalikwas ng may narinig akong BTS sa reporter.
"OMG!Sila nga yan habang kinakagat ko yung dulo ng jacket ko.Ang gwapo talaga ni Jungkook grabe!"bigla ko nalang nasabi yun.Habang kinakagat ko yung jacket ko,nakita ko syang nakajacket kaya naalala ko yung jacket nya.Akmang tatayo ako ng bumukas ang pinto,pumasok yung dalawa na may dalang kimchi.
"So lumabas kayong dalawa at iniwan ako?ok lang namang iwan nyoko eh pero yung iwan nyo yung TV na bukas!aba naman!"sabi ko sa kanila.
"Kung iiwan ba naming nakapatay yan edi nagtaka kana kung san kami!tsaka bumili lang naman kami wag ka ngang OA dyan"paliwanag ni Yver.
"Oo na!oo na!"sabay patakbong pumasok sa kwarto.
"Anyare dun?muntanga!"rinig kong sabi ni Lirpa habang uupo sa couch.Pumasok naman ako sa loob ng kwarto para hanapin yung jacket.
"Saan naba yun,dito lang yun eh..ano ba yan!"usal ko habang hinahaluhog yung drawer ko.
"Ayooonn yesss!ito nga yun,nakita rin kita!"sabay tawa.
Nalabhan ko na yun kaya nandun na sa drawer ko.Kinaumagahan maaga akong nagising para mag order ng food for breakfast.
Hinanda ko na yung kakainin naming tatlo,syempre pulido lahat.Ginising ko na yung dalawa para sabay sabay na kaming kumain.
"Hoy hoy!d paba sapat ang tatlong alarm clock para magising kayo!?"habang namaywangan sa harap nila.
"Gising na!gising na!"habang hinihila ko silang dalawa.
"Oo na ito na!"habang mga antok pa.
Paglabas nila bigla silang nagulat.
"Wooo ano to Ara!?"tanong ni Yver.
"D ako nagluto nyan,pinadeliver ko lang yan kaya wag kayong mag alala dahil d kayo malalason dyan!"paliwanag ko.
"Ah buti naman,ok yan!"sagot ni Yver.
"Grabi ang sama nyo talaga sakin!So pag ako nagluto lason talaga ang resulta!ganun?ganun?!"sabi ko.
"Oh ikaw may sabi nyan ha,ge hilamos lang ako!"sabay punta ni Yver sa CR.
"Oh nga!ikaw may sabi nan"sabay punta din ni Lirpa sa CR.
"Mga bwisit nato!sila nanga ang pinaghanda eh!"
Pagkatapos naming mag almusal ay naligo na kami.As ussual,si Yver nanaman ang huli dahil ang daming ganap sa sarili.
"Yver!may balak ka pa bang bumaba?kasi kung wala na mauuna na kami ni Lirpa!"sigaw ko sa kanya.
"Ito nanga Araaaa!"sigaw nya habang palapit ng pinto.Nakababa na sya ng stair at palabas na ng pinto papuntang garahe.
"Oh bat bumaba kapa?"sabi ko habang nakapatong ang mukha ko sa siko ko na nakalagay sa window sa fronseat.
"Ok fine piece na!"sabay pasok sa kotse.Almost 30 mins. lang ang travel papuntang school kaya mabilis din kaming nakarating.
Pinarada ko sa parking lot yung kotse.Pagbaba ko parang may nagkakagulo sa loob ng compound.
"Anong meron?"tanong ko sa dalwa.
"Kasama mo kami papunta dito diba!so sabay sabay lang tayo kaya wala tayong alam!"paliwanag ni Yver na parang namimikon.
"Hoy malalaman naman sana natin yun kung binilisan mo lang ang pagkilos mo,oh edi sana maaga tayong nakarating dito"dugtong ko naman.
"Oh atleast hindi late!"sabat nya pa.
"Whatever!"sabi ko.
"Tara na kaya para malaman natin kesa magtagisan kayo dyan!"sabi ni Lirpa.
Papasok ng room at sobrang ingay."Ano bang nagyayare sa mundo!"bulong ko.
Pumasok ang professor namin kaya naman nagsitahimikan ang lahat.
"Ok class,we have our new transferies students here please come inside boys"sabi ng prof. namin habang pinapapasok yung mga transferies.Yeah transferies kasi madami sila.Tatlo silang pumasok sa loob ng room namin.Almost 20 students lang kami sa loob ng room dahil private ito at ito ang pinakamataas na University sa buong Korea.High class talagang matatawag ito dahil nandito na lahat ng pinag aaaralan ng mga students para sa new skills nila para sa mga business at iba pang future job mo.Naghiyawan ang mga girls pati yung dalawa nung pumasok na yung tatlo kaya naintriga ako at napatingin sa kanila.24 ang upuan sa loob ng room kaya naman may sobrang isa kung uupo silang tatlo.Nasa pinaka likod kaming tatlo,at yung next three chair sa likod namin yung bakante.May isa pa ring vacant seat sa kabilang row bale dalawang row lang,at sa bawat row ay kinocompose ng 12 chairs at 3 chairs sa isang line kaya magkakatabi kaming tatlo,pero magkakasama silang naupo sa likod namin.
"I know you know them 'cause they are popular actors and boy group in our country right?"
Naghiyawan nanaman lahat ng girls habang nakatingin sa tatlo.
Yung dalawang katabi ko naman ay parang kinurot sa singit na akala mo'y nakawala sa kural.
"Hoy sino ba yun?kilala nyo?"tanong ko.
"Syunga kaba Ara o malabo lang yang mata mo.Si Jungkook kaya yang nasa likod mo!"paliwanag ni Yver habang kinikilig.
Suskupo!d ko manlang napansin,kaya pala halos magpakamatay kakatingin dito yung mga girls.
"Sorry ha!eh kasi malabo talaga yung mata ko eh kaya nga may salamin diba!"pabulong kong usal kay Yver.
"Hayst oo na!"parang ipit ang pagkakasabi nya.
Halos maubos yung first lesson namin na walang natutunan dahil sa sobrang ingay ng mga babaeng to.Breaktime na at pumunta kaming canteen,pagkabili namin ay tumambay kami sa park na may kanya kanyang pagkaing dala.Naupo kami sa damuhan at nagkwentuhan.Syempre kanina pa gustong magsalita nitong dalawa about dun sa mga transferies.
"Ara wait!"putol ni Lirpa sa katahimikan.
"Oh?"dugtong ko naman habang nakatingin sa malayo at kumakain.
"Diba yung jacket?"may pagkain sa bibig habang nakaturo sakin ang kamay na kala mo sa itsura nya ay may kababalaghang nagyare .
"Pwede ubusin mo muna yang kinakain mo dahil para kang radyo nung sinaunang panahon"saad ko.Inubos at nilunok nya ng mabilisan yung kinakain nya at uminom ng tubig.Ano bang nangyayare sa babaeng to,kahit si Yver napapanguya nalang din sa kanya.
"Diba yung jacket sa eroplano kay Jungkook yun?"paglilinaw nya.Biglang nagsync sa utak ko ang tungkol dun.Sa totoo lang kasi eh hindi ko binibigyan ng panahon yung mga walang kwentang bagay kaya naman d ko kaagad naalala.Wala talaga sa isip ko ang lahat ng yun.Lagi kasi akong focus sa studies pati nga sila Mom and Dad eh hindi ko na nakaka musta almost a month na.
"Oo nga pala ano!"sambit ko.
"Grabiii tinadhana talaga kayo Araaaa!!"sabay sila habang nakatingin sakin.
"Tigilan nyoko,tatawag ako kila Daddy dahil a month ko narin silang d nakakamusta"sabi ko sabay kuha ng phone sa bag.
"Ito KJ talaga sa life,bakit kasi si Rm at Jin ang kasama ni JK eh nakakaasar naman"sabat ni Yver.
"Kaya nga!san kaya yung apat na kamembers nila?"tanong ni Lirpa habang nagriring yung phone ko.
"Hello mommy?"-ako
"Oh baby girl namin kamusta kana?ang tagal mo ring d nakatawag ah miss na miss kana namin"-mommy
"Sorry Mom,naging busy lang po talaga sa studies and miss na miss ko narin po kayo dyan"-ako
"Ok ka lang ba dyan ija?baka napapabayaan mo na ang sarili mo huh?"sabi ni mommy.Narinig ko yung boses ni Daddy sa kabilang linya na kinuha yung phone kay mommy.
"Baby girl wag ka masyadong magpaka busy.Kung yan lang din ang magiging resulta na napapabayaan mo na ang sarili mo eh mas mabuti pang umuwi ka nalang dito sa Pilipinas!may kompanya naman tayo!"sabi ni Dad na parang aatakihin dahil sa sobrang alala.
"Dad ok lang po ako.Pano ko naman papabayaan yung sarili ko eh halos araw araw nyo akong pinadideliviran ni Momy at Ate ng pagkain"sabi ko habang natatawa para kumalma si Dad.
"Hay naku kulang payan,alam naman nating lahat na hindi ka marunong humawak ng sandok!"pang iinsulto ni Dad.
"Dad naman eh!"-ako
"Oh sya sige na at baka maging teledrama pa ito,tsaka baka may klase na kayo!"putol ni Dad na parang naiiyak.
"Oh baka bumaha dyan sa mansyon ha,wag nga kayong umiyak Dad pati ako napapaiyak eh.Miss na miss ko na po kayo,I love you po Dad at Mommy"sabi ko.
"I love you baby girl,mag ingat ka dyan ha"-Mom and Dad.
"Ok po" sabay end ko ng call.Nakatingin yung dalawa sakin na parang naiiyak.
"Oh bat ganyan mga mukha nyo?namiiss nyo narin parents nyo?"tanong ko.
"Hindiii!eh 2 mins. nalang kasi magtatime na eh"sabay pa silang dalawa.Kala ko naman kung naaano na tong dalawang to,sabagay halos wala silang time sa parents nila dahil sa malayo din ito nakabase.Naglakad na kami papuntang room.Wala na yung tatlong guy sa likod namin.San kaya sila?sa isip ko.
Biglang pumasok ang aming professor.
"Class our new transferies are excuse for this time 'cause they need to accomplish their papers of enternship"paliwanag ng professor namin.
So yun,maayos ang takbo ng klase dahil walang maingay.Maagang natapos ang klase dahil 2 hours lang kami this day.Naglibot libot kaming tatlo sa Seoul.Almost 5:00pm na kami nakauwi.Di na kami naghapunan dahil pare pareho na kaming busog sa mga nakain namin sa labas.Nakauwi na kami.
(hanggang dito muna sa part nato!antok na author nyo eh tsaka may pasok pa bukas!Pero I'll do my best para matapos yung next part bukas.Paki vote nalang mga readers.Message me for any suggestion sa part nato)
YOU ARE READING
EXISTING NERD?
FanfictionI'm Ara Scott,such a nerd but not that ugly one.The name na tatatak sa inyong isipan! Some other says "The more you hate,the more you love!" "Sa lahat ng challenges at consequences nyong naranasan at pareho nyong nalagpasan dahil di kayo bumitaw sa...
