Kabanata 17: Sarili

Start from the beginning
                                    

***

"Hindi na yata bumibisita si Grace dito, apo?" tanong ni Lola. Weekends at nakatambay lang kami sa may garden. Nakaupo siya sa rocking chair. Ako naman nasa tabi niya, nagla-laptop para mag-inquire sa university na gusto kong pasukan.

     "Oo nga po La, busy po," sagot ko.

     Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang conversation namin ng kaibigan. Doon ko napansin na ang dami kong messages pero ang tagal na ng huli niyang reply.

     It felt different. Parang napapalayo na kami sa isa't isa, nang biglaan. Isang araw, bigla na lang may nagbago.

     Nang naisipan kong mag-open ng mga social media account, bumungad agad 'yung mga post na tagged kay Grace. Masaya siya habang kasama 'yung iba niyang mga kaibigan. Tinignan ko 'yong mabuti. Napaisip ako kung napapatawa ko rin kaya siya nang gano'n? Masyado na ba 'kong naging malungkutin at problemado nitong mga nagdaang panahon para iwasan niya 'ko?

      Sinubukan ko pa rin siyang i-chat.

Me:

Fren, nag-inquire na 'ko sa university.
Business Ad ba tayo?

     Hindi ko pa sigurado ang kukuning kurso. Hindi pa naman final kaya naisip kong 'yung katulad na lang din ng sa kanya para magkasama kami.

     Nakita kong na-seen na niya 'yung message. Pero hindi siya nag-reply. Nagiging clingy na ba 'kong kaibigan? Although hindi naman ako vocal sa frustrations na ganito. Pero mararamdaman niya 'yon.

     It felt bad. Mas kilala niya 'ko higit sa sinumang kaibigan ko. Nasaksihan niya o naikwento ko sa kanya halos karamihan ng mga problema ko sa buhay. May nasabi kaya akong masama, o nagawa na nakakainis?

     "May tao sa labas apo," biglang sabi ni Lola pagkatapik sa balikat ko.

     Doon ko lang narinig na may nagdo-doorbell nga. Masyado na 'kong nag-overthink. Tumayo ako at pinagbuksan 'yon.

     Nabawasan ang bigat ng loob ko nang makitang si Mama 'yon... kahit dumiretso na agad siya papasok, hindi pa man lang ako nakakapagmano.

     Lumapit siya kay Lola at nag-usap sila saglit. Dumiretso rin agad si Mama sa loob ng bahay pagkatapos. Mabagal akong naglakad pabalik sa mga gamit ko.

     "Pagod daw siya, matutulog, pero sundan mo at baka sakaling kumain muna," sabi ni Lola.

     Tumango ako. Pagpasok, nakita ko agad 'yung mga gamit niya na nasa sala. I don't know much about her work. Basta ang sinabi niya, tumutulong siya sa management ng Garments business ng babae niyang kaibigan. Kilala ko naman ang tinutukoy niya.

     Kumatok ako sa kwarto ni Mama saka pumasok at nakitang nakahiga na siya. Binuksan ko 'yung electric fan na hindi na niya nagawang lapitan.

     "Anak... May sobra ka pa ba'ng pera dyan?" tanong niya bigla.

     Huminga ako nang malalim saka siya nilingon. Wala namang nabago sa ayos niya bukod sa nakadilat siya ngayon.

     "'Yung allowance ko lang po..."

     Sa tagal na rin niyang nagtatrabaho sa Manila, madalas pa ring nagkukulang sa kanya 'yung kinikita niya. Sa pagkakaalam ko, may mga pinagkakautangan na rin siya ro'n. At kahit binibigyan siya nina ate at kuya, minsan hindi pa rin daw sapat.

Just TodayWhere stories live. Discover now