Kelangan ko na atang sumagot para sa baby ko. "On the way na daw sya." sabat ko sa kanila. "Naipit lang sa traffic."



Hahabol na lang daw sya kase may pameeting ang leader nila for their group project kaya di na sya nakasabay sa min. Nag suggest nga akong hintayin na lang sya sa dorm para sabay na kameng pupunta sa san juan arena pero tumanggi sya. Ayaw nyang ma issue kame "ulit" lalo na at mainit na naman kame sa mga mata ng mga "kinauukulan" sa school.



Sobrang active at alive na alive ang mga shippers namen nowadays kaya kalkulado na naman ang mga kilos namen ng baby ko.



Nag offer din akong sunduin na lang sya pagkatapos ng meeting nila na tinanggihan nyang muli. Mahahassle pa daw ako kung babalikan nya pa ako sa eliazo, bahala na daw syang mag commute. Mag gagrab or uber na lang daw sya papuntang arena.



Wala na kong nagawa kundi umo-o na lang sa kanya at ngayon ay panay na ang text ko sa kanya dahil malapit ng matapos ang 1st game pero hanggang ngayon ay wala pa sya. Hindi naman ako kinakabahan dahil sumasagot naman sya sa mga text ko sa kanya.



Pinakita ko kay ate mona yung huling text sa kin ni jhoana at nagpaalam na hintayin ko na lang ito sa labas ng arena na sinang ayunan naman nya.



Nasa labasan na ako at tahimik na nakatayo sa entrance ng arena, dito kase yung sinabe ni jho na bababaan nya. Pinagbibigyan ko ng time  na makipagselfie at pa fansign sa kin yung ilang taong andun at narecognized ako.



"Ate bea, bakit andito po kayo sa labas?" tanong nung isang babaeng teenager na nakipagselfie sa kin at ngayon pinapipirmahan yung binili  nyang shirtsey na may surname namen ni jho sa likod.



Di ako sumagot kunyare di ko narinig. Dumarame na rin kase yung mga taong nakapalibot ngayon sa kin at lahat ay gustong magpafansign at selfie sa kin.




( Grabe! Ang FAMOUS naman this girl! )



Dahil halos kuyugin na ko ng mga tao ay tatlong security na ang ngayong umaalalay sa kin at pumipigil sa mga yun para di ako masyadong makuyog.




"Miss bea, pasok na lang po tayo sa loob." aya sa kin nung isang security kase dumame na talaga yung tao ngayon.



"Wait lang po, sir." sabe ko habang iniaabot sa isang fan yung pinirmahan kong shirtsey. "May hinihintay po kase talaga ako."



"Asan po si ate jho, ate bea?"



"Hindi po ba sya maglalaro ngayon against NU?"



"Si ate jho po ba yung hinihintay nyo?"



Marame pa silang mga tanong na di ko naman sinasagot at puro ngiti lang ang ibinibigay ko sa kanila. Kala mo mga reporter kung magsitanong ang mga batang ito.



"Ate bea, si ate jho, asan?"



As if on cue biglang may bumaba na babaeng naka ateneo jacket at may sukbit na gymbag na nakawhite shorts. Nag mamadali itong maglakad palapit sa entrance.



Si jho.



Matic na napangiti ako ng masilayan ko ang naka kunot noo ng si jhoana, marahil nagtataka kung bakit may nagkukumpulan dito malapit sa may entrance.



"Andyan na pala yung hinihintay ko." bulong ko.



Nag excuse ako sa mga fan na nakapalibot sa kin na binigyan naman ako ng daan kaya nakapaglakad ako ng dahan dahan. Salamat talaga at may mga security na umaalalay sa kin at humahawi sa ibang fan na nanghahablot sa kin at kumukurot pa nga minsan.



Best thing i (N)EVER hadМесто, где живут истории. Откройте их для себя