"Duwag ka pala eh." sabay tawang mapang asar. "Kahit anong gawin mong magpaka macho at magpaka lalake, at the end of the day BABAE ka pa rin!" at nagsipagtawanan ang mga kasamahan neto. "Wag kang umasta na parang kang lalake na kaya mong makipag sapakan dahil kahit anong gawin mo di mo kayang makipagsabayan sa suntukan sa mga tunay na lalake. Gago!"

Mahigpit na hinawakan at pinisil pa ni jhoana ang kamay kong hawak hawak nya. Unang lumakad si jho sa kin at hinila nya ako, sinalubong naman kame ni maki at tumabe rin ito sa kin kaya napag gitnaan na nila ako.

"Sige! Ganyan nga! Lumayo ka." saka tumawang muli. "Ganyan naman ang ginagawa ng mga TULAD nyo di ba? Magpapakamacho para makapag pa impress sa mga chicks tapos pag nagkakagirian na, unti unti ng lalayo na parang asong bahag ang buntot!"

Napahinto ako sa paglalakad, narinig ko ang mala demonyo netong tawa kasunod noon ang pagtawa naman ng mga kasama neto na halong kantyaw pa.

"Wag mo ng pakinggan pa, bei." si maki.

Palakad na kong muli ng di nakaligtas sa pandinig ko yung mga sinabe neto.

"Sayang like pa naman kita kaya lang di naman ako papayag na mas macho pa sa kin yung babae...." nagsitawanan pa ulit ang mga walang hiya. "Ang malala pa mga pare, eh hanap din ay babae rin!.....hahaha!"

"Tara na." mariin na sabe at pinandilatan na ako ng mata ni jhoana sabay hila sa kin.

Susunod na sana ako sa kanila ni maki pero yung sumunod na sinabe neto ang nakapag panting sa tenga ko.

"Pero yung girlfriend ng tibong yun.....Maganda sya pare and kahit di ko ganong trip ang morena ay pwede na, mukha namang masarap at sa tingin ko pre, virgin pa yun. Mabubusog ako."

P*T*NG *NA!!!

Pagkarinig kong yun eh mabilis akong kumawala kina jho at maki. Narinig ko pa ang pagtawag sa kin ng dalawa pero di ko na yun pinakinggan pa. Ang gusto ko lang ay mabigyan ito ng leksyon sa kabastusan at kahambugan neto. Dapat talaga pinatitikman ito para mahismasmasan sa kayabangan eh.

Nagtatawanan pa ang mga ito ng makalapit ako sa grupo nya. Tinapik ko muna sya dahil nakatalikod sya sa kin, nang humarap sya ay nakakunot noo itong tiningnan ako at para bang nagsusukatan kame ngayon sa tingin. Nakita kong hawak nya ang basong may laman na alak kaya ang ginawa ko ay tinabig ko yun at tumilapon lahat ng laman ng yun sa pagmumukha nya.

"WHAT THE F---"

Bago pa man nya yun masabe ay pinakawalan ko na ang kanang kamay kong kanina pang nakakuyom. Ayun, sapol sa nguso! Natumba pa ito sa mga kasamahan nya.




















"Alam mong sa club ang punta nyo pero nag dress ka pa rin!?" inis na sermon sa kin ni jho ng makarating kame sa condo ni maki.

Dito na lang kame dumerecho dahil super late na kung uuwi pa kame sa dorm, baka ireport na kame ni ate guard, sabayan pa ng nakainom ako. Ay,  nayare na!

Hindi rin ako pumayag na magpauwi sa house namen dahil mas dodoble ang sermon na makukuha ko; kay jho and kay mom. Baka nga mag hysterical pa si mommy pag nalaman nya ang nangyare, kaya nag volunteer na lang si maki na sa unit na lang nya kame magpalipas ng magdamag.

"Ano,beatriz? Titingnan mo lang ako ngayon!?" galit na galit na sermon ni jho sa kin na nakapagpabalik sa kin ng ulirat. "Ano? Trip mo lang? Trip mo lang asarin ako!?"

Bakit ko nga ba naisipang mag dress? 🤔🤔🤔

Uh, sa totoo lang kase dapat tatambay lang naman ako kina maki pero parang na demonyo ako ng may mga nakita akong basyo ng mga alak sa unit neto. Kaya nagkaroon ako ng idea na uminom tutal matagal ng di nasasayaran ng alkohol ang lalamunan ko, inaya ko pa nga si cel kaya lang tumanggi nga ito. Hindi na sana tuloy kase di rin naman kame kumpleto eh kaya lang gusto ko talagang uminom ngayon kaya pinilit ko si maki na magpunta ng club.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now