He covers her mouth with his hand, silencing her. “Eiz, you’re beautiful even with a messy hair. Kahit nga siguro puno ng grasa iyang buhok mo, maganda ka pa rin. So stop fussing over your looks. You are beautiful in my eyes even without make up on. Kahit pa maging oily iyang pisngi mo, so what? Ikaw pa rin naman si Eiz, ang pinakamaganda, pinakamataray at pinakasarkastikong babae na nakilala ko.”
She gave him a small smile, her cheeks reddening. “Thanks, Lance.”
He smiled back. “You’re welcome, pero may bayad ‘yon.”
She frowned. “Bayad? Anong bayad?”
“Call me Lancelott. I like it better when you call me by my full name.”
She chuckled. “Whatever you say, Lancelott.”
“Lancelott…” He intertwined their hands again. “Sound freaking good to me.”
Umiling-iling nalang siya at hinila ang binata patungo elevator. This is going to be a good day. Makakapunta siya sa Bayon Temple kasama si Lancelott, ang lalaking nagpapabilis ng tibok ng puso niya. On second thought, this is going to be a bad day. Sana lang walang mangyaring kakaiba sa templo.
EIZEL exhaled loudly when they reach Siem Reap City. The city is the gate way to Angkor Archeological Park where the Bayon temple and Angkor Wat are located. Excited na siyang makita ang mga nasabing templo.
“So, ahm, saan na tayo?” Tanung niya kay Lancelott na abala sa pagbabasa ng mapa.
Tinupi nito ang mapa at binalingan siya. “Well, obviously we’re in Siem Reap City. We’re three kilometers away from the Angkor Archeologist Park entrance. It’s in the north part of the town, so yeah.”
“Paano ba tayo makakapunta sa Bayon temple?”
“Well, I already purchase an admission pass yesterday after we left the restaurant, I already arrange transportation to the temple and I already bought a guide book. Ang gagawin nalang natin ay hintayin ang sasakyan natin papunta roon. Dito ang napagusapan namin lugar kung saan niya tayo susunduin.”
Wala sa sariling humilig siya sa balikat nito. “Ano ba ang sasakyan natin papunta roon?”
Ilang minuto ang lumipas bago sumagot si Lancelott. “That thing.” Itinuro nito ang papalapit na isang kakaibang sasakyan. Para iyong kalesa pero sa halip na kabayo, isang motorsiklo ang nasa unahan non. “That’s called ‘tuk-tuk’. Yan ang sasakyan natin papunta sa Angkor Park.”
Napangiwi siya ng tumigil ang tuk-tuk sa harapan nila. “Are you sure this is safe?”
Lancelott grinned and carry her bridal style. “Of course, hahayaan ba kitang mapahamak?”
Isinakay siya nito sa tuk-tuk pagkatapos ay ito naman ang sumakay. Pagkatapos ng ilang minuto na pakikipagusap nito sa driver, umalis na sila. Humilig siya sa likod ng upuan at tumingin sa dinadaanan nila. What a beautiful scenery. Kahit mukhang uugod-ugod na ang mga nadadaanan nilang mga gusali, napakaganda pa rin ng mga iyon.
Hindi niya alam kung ilang minuto ang lumipas bago sila nakarating sa Angkor Park. Bago sila makapasok, hinarang sila sa entrance at humingi ang guard ng passes. May ipinakita si Lancelott na parang ticket na may nakasulat na one day pass, nang makita iyon kaagad silang pinapasok.
Nang makapasok ang tuk-tuk na sinasakyan nila, napanganga siya ng makita ang naggagandahang templo. Magkakadikit-dikit ang mga iyon mula sa malayo. Sa unahan ay may makikita kang malapad na parang swimming pool at napapalibutan iyon ng mga puno at mga halaman. Napaka-berde ng kapaligiran at sa unang pagkakataon nakaramdam siya ng kapayapaan na nararamdaman lang niya kapag nakatingin siya sa dagat.
KAMU SEDANG MEMBACA
Falling For Ms. Model [Published]
RomansaKilala si Eizel Nicole San Diego bilang isa sa mga sikat na modelo sa buong mundo. Naparangalan na siya bilang isa sa may pinakamagandang mukha sa bansa at ipinagmamalaki niya 'yon. Halos nasa kanya na ang lahat. Mapagmahal na mga magulang. Mababait...
Chapter 7
Mulai dari awal
![Falling For Ms. Model [Published]](https://img.wattpad.com/cover/20443664-64-k274552.jpg)