CHAPTER 4
INIWAN ni Eizel ang sasakyan niya sa auto repair shop ni Lander at napilitang sumakay sa kotse ni Lancelott.
“Bakit ka ba sumakay dito sa kotse ko?” Inis na tanung ni Lancelott sa kanya.
“Duh! Lancelott, you offered.”
“I just did it para mailayo ka sa kapatid ko.” Anito.
“Mailayo?” Napapantastikuhang tanung niya.
“Yeah. Bad influence ka sa kapatid ko.”
Itinuro niya ang sarili. “Ako? Bad influence sa kapatid mo?” Napatawa siya. “Lancelott, damulag na ang kakambal mo. At sa tingin ko naman alam niya ang tama sa mali.”
“Tingin mo lang ‘yon.”
“Bakit ba over protective ka sa kapatid mo? Hindi mo ba nakikita na lalaki ang kapatid mo at kaya na niya ang sarili niya?”
Ilang minuto na walang imik si Lancelott. “My brother has heart sickness, bawal siyang ma-stress o masaktan.”
“Oh.” Nakaramdam siya ng awa para kay Lander. “He’s too young to have that kind of sickness.”
“Yeah. Kaya ayokong maglalalapit ka sa kanya. Ayokong masaktan siya.”
“Bakit naman siya masasaktan. Hindi naman ako nangangagat.” Biro niya.
“Eiz, don’t you see yourself? You’re too beautiful. Only an insane man can’t see that. At hindi baliw ang kapatid ko.”
Nanunudyong tiningnan niya ito. “I thought pangit ako.”
He sighed. “Eiz, hindi ako bulag. You are beautiful.”
Nag-iwas siya ng tingin dahil naramdaman niyang nag-iinit ang pisngi niya. Alam niyang namumula siya.
“Alam ko namang maganda ako.” Aniya habang nakatingin sa labas ng bintana.
“Kaya nga. So please, don’t let my brother fall for you.”
Ibinalik niya ang tingin kay Lancelott. “Bakit ba kung sabihin mo yan parang alam mo nang magkakagusto siya sa akin. Manghuhula ka?”
Tiningna siya ni Lancelott sa review mirror. “I just know. Kakambal ko siya kaya nararamdaman ko ‘yon.”
“Oh. May sensor ka pala. Hanep din kayong magkambal. Hanga ako.” Aniya habang sarkastikong pumapalakpak.
Bumuntong-hininga ito ng malalim. “Basta. Huwag ka lang lalapit sa kapatid ko. ‘Yong sasakyan mo, ako na maghahatid sa bahay niyo.”
Hindi siya nagsalita at tumingin lang sa labas ng sasakyan. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang pilit nito sa kanya na hindi magpakita sa kapatid. Magkakagusto sa kanya si Lander? Gusto niyang matawa sa pinagsasasabi ni Lancelott!
At ang malaking katanungan… bakit naman sa kanya magkakagusto si Lander? Yeah, she knew that she’s beautiful pero sapat na ba iyon?
“Don’t worry about Lander. I’m leaving the country in two days. Hindi niya ako makikita.” Aniya.
“Good.” Anito at hindi na nagsalita.
Katahimikan ang nangyari sa kanila hanggang sa makarating sila sa bahay niya.
“Well… thanks for driving me home.” Akmang lalabas na siya ng sasakyan nito ng marinig niyang magsalita si Lancelott.
“Saang bansa ka pupunta?” Tanung nito na ikinalingon niya.
“Cambodia. My fashion show akong puputahan doon.” Sagot niya. “Bakit pupunta ka?”
He rolled his eyes. “Bakit naman ako pupunta. It’s not like you’re interesting to watch.”
STAI LEGGENDO
Falling For Ms. Model [Published]
Storie d'amoreKilala si Eizel Nicole San Diego bilang isa sa mga sikat na modelo sa buong mundo. Naparangalan na siya bilang isa sa may pinakamagandang mukha sa bansa at ipinagmamalaki niya 'yon. Halos nasa kanya na ang lahat. Mapagmahal na mga magulang. Mababait...
![Falling For Ms. Model [Published]](https://img.wattpad.com/cover/20443664-64-k274552.jpg)