Chapter 10

266K 7.5K 817
                                        

CHAPTER 10

MAGKAHAWAK kamay si Lancelott at Eizel habang naglalakad sa Mall. Gustong mag-shopping ni Eizel at sinamahan naman siya ni Lancelott. Ayaw niyang sumama ito baka ma-bored lang ito, pero mapilit talaga ang binata na samahan siya.

“Anong bibilhin mo?” Tanong sa kanya ni Lancelott.

Tumingin siya rito at nagkibit-balikat. “I have no specific dress to buy. Basta kung ano ang magustuhan ko. I can shop for a whole day. Pero ikaw kaya mo ba? Men hate shopping, Lancelott, kaya nga ayokong sumama ka sa akin.”

Tinitiga siya nito. “Eiz, if this is what you like to do then sasamahan kita kahit ma bored pa ako. I’m your boyfriend.”

Nginitian niya ito. “Thanks, boyfriend.”

He smiled back. “Anytime, girlfriend.”

She chuckled and pulled him to a boutique. Agad na ipinalibot niya ang paningin para tingnan kung ano ang mga paninda. Napangiti siya ng makakita ng magandang bag. Kulay itim iyon at napakaganda sa paningin niya. Naglakad siya patungo sa estante kung saan naroon ang Bag habang hila-hila pa rin si Lancelott.

“This is beautiful.” Aniya.

“Wanna buy it?” Tanong sa kanya ni Lancelott sabay akbay sa kanya.

Tinitigan niya ang bag habang nag-iisip kung bibilhin o hindi. “Ahm… I don’t know.”

“Bakit naman? Kasasabi mo palang na maganda ang bag.”

“Yeah, sinabi ko nga. But something is stopping me from buying it.”

“Ano naman?”

She shrugged. “Hindi ko alam.” Tumalikod siya sa bag. “Ayoko nang bilhin.”

Nakita niya napailing-iling si Lancelott.

“Ganito ka ba mag-shopping? Lalapitan kasi nagandahan ka tapos hindi bibilhin?” Naguguluhang tanong nito na kunot na kunot ang nuo.

“What? Ganoon kaming mga babae. Deal with it.” Aniya at hinila na naman ito sa isa pang estante na may iba’t-ibang klaseng bags. “Nice bags.”

“Nice tapos hindi bibilhin.” Komento ni Lancelott.

Tiningnan niya ito ng masama. “Hindi ka nalang sana sumama sa akin.”

Huminga ng malalim si Lancelott at niyakap siya mula sa likod. “Sorry na. Hindi ko lang napigilang magkomento. This is my first time shopping with a woman.”

Hindi siya makapaniwalang tumingin dito. “Seriously?”

Tumango-tango ito. “Yeah.”

“How about your mom? Hindi mo ba siya sinamahang mag-shopping?”

Biglang bumakas ang lungkot sa mukha nito. Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa tanong niya. Kahit kailan napaka insensitive talaga niya.

Niyakap niya ito. “Sorry, Lancelott. I shouldn’t have mentioned her.”

He hugged her back. “Its okay, Eiz.”

“No it’s not and I’m very sorry.”

He kissed her forehead. “Forgiven. Kalimutan mo na yon.”

“Okay.” She pulled away and looked at Lancelott. “Thanks for accompanying me by the way.”

“You’re very much welcome. At saka gusto naman talaga kitang samahan. I want to be with you—”

“Lance?” Anang boses sa likod nila.

Mabilis silang tumingin ni Lancelott sa pinaggalingan ng boses. Kumunot ang nuo niya ng maalala kung sino ang nasa harap nila. Ito yong babaeng kasama ni Lancelott doon sa restaurant kung saan sila kumain ni Lander. Sino ba ang babaeng ‘to?

Falling For Ms. Model [Published]Where stories live. Discover now