Buwesit! Nanggigigil niyang sinipa ang sasakyan ng walang hiyang lalaking ‘yon.

TWO HOURS. Two hours siyang late. Pagkadating niya sa set, naloloka na si Pedro. Para itong aso na manganganak na hindi mapakali.

“Pedro. Nandito na ako.” Aniya na hinihingal.

“Argh!” Pabirong sinabunutan siya nito. “Bruha ka! Alam mo bang kanina ka pa hinihintay ng photographer?”

Tinapik niya ang kamay nito at inayos ang buhok. “Huwag mo ngang sirain ang buhok ko. Amoy alikabok na nga yan e. Alam mo bang ang layo ng nilakad ko bago ako nakatakas sa traffic at nakasakay ng taxi?”

Inirapan siya ni Pedro. “Wala akong paki sa adventure mo papunta rito.” Binalingan nito ang mga stylist na naghihintay lang sa utos nito. “Sige, ayusan niyo na si Eizel.”

Dinala siya ng mga stylist sa loob ng dressing room. Nakatayo lang siya habang abala ang mga tao sa paligid niya. May nagaayos ng buhok niya. May nag mi-make up sa kanya. May nagsusuot sa kanya ng sapatos at may nagsusuot sa kanya ng damit. Sanay na siya sa ganito. Mas malala pa nga sa fashion show dahil kailangan mabilis ang bawat galaw.

Pagkatapos siyang ayusan, agad siyang lumabas ng dressing room at nakita si Pedro na naghihintay sa kanya sa labas.

“Pedro—”

“Pea.”  Pagtatama nito. ”Pea ang pangalan ko. Maganda ka na. Halika na at nang maumpisahan na ang photo shoot na ito. Kanina pa kami naghihintay sayo. Mabuti nalang at mabait si fafa Lance.”

“Sino naman itong bago mong fafa?”

“Ang photographer. Sobrang guwapo niya, girl! Nalaglag ang panty ko ng makita ko siya.”

“Gaga! Brief ang gamit mo.”

“Shh! Huwag ka ngang maingay diyan.” Saway nito at iginiya siya palapit sa isang lalaki na nakatalikod at nakaupo sa isang stool.

“Mr. Storm.” Maarteng tawag ni Pedro sa lalaking nakatalikod. “Nandito na ang model para sa front cover ng Fashion Magazine.”

Mabilis na lumingon ang lalaki.

“You?” Hindi makapaniwalang turo niya sa lalaki.

The guy smirked at her. “Yes, me. I’m Lancelott Storm. The photographer for Fashion Magazine. So, ikaw pala ang cover model?” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “Hindi halata.”

“Jerk.”

He tsked. “You really have a bad mouth.”

“Yes, I have. And I’m proud of it, bastard.”

He stared at her mouth. “Stop that. Kailangan mo ng sabon para linisin yang bibig mo.”

She titled her chin up. “Wala kang pakialam sa akin.”

Pinagpalit-palit ni Pedro ang tingin sa kanila ni Lancelott. “Magkakilala kayo?”

“Hindi.”

“Oo.”

Tiningnan niya ang lalaki ng masama. “Hindi kita kilala.”

“I just told you my name, of course magkakilala tayo. Ikaw si Eizel Nicole San Diego diba?”

Binalingan niya si Pedro. “Sinabi mo sa kanya?”

“No, sister. Wala akong sinabi sa kanya.”

“Nakalimutan mo na? Sinabi mo sa akin ang buong pangalan mo kanina.” Anito.

Oo, naaalala niya. “Hindi ‘yon basihan para maging magkakilala tayo. Kaya huwag kang felling close.”

Falling For Ms. Model [Published]Where stories live. Discover now