Napanganga siya ng makita ang kabuunan ng lalaki. He stood 6’2. Aqua blue eyes. His messy shaggy brown hair with blonde streaks. His inviting lips. His stubborn jaw line. His aristocrat nose. A body that was made for sin. He’s just so perfect in looks department. Marami na siyang lalaki na nakita pero ito na yata ang pinakaguwapo.

Tiningnan siya nito ng masama. “Late na ako sa appointment ko! At saka ikaw ang may kasalanan kasi nanahimik ang sasakyan ko sa likuran, bigla ka nalang umatras ng hindi tumitingin! You don’t have the right to shout and be mad at me! It was your freaking fault!”

Nanliit ang mata niya sa sobrang galit na nararamdaman. Isinantabi niya ang paghanggang naramdaman para dito at gulat na marunong itong magtagalog.

Dinuro niya ito. “Don’t shout at me you bastard! It wasn’t my fault, you ass! Malay ko ba na nasa likod ka. Don’t you know who I am?”

“You have a very dirty mouth, miss. Better wash it with soup.” Tinabig nito ang kamay niya. “And it was your fault. Kasalanan mo kung bakita nayupi ang sasakyan ko! It’s a freaking Ferrari—”

“Huwag kang magmalaki.”

“Hindi ako nagmamalaki, nagpapaliwanang lang ako at sinisisi ka.”

“Nagmamalaki ka pa rin. And my car is Porsche.”

“Sino sa atin ngayon ang nagmamalaki?”

Dinuro niya ulit ito. “Kasalanan mo ang lahat ng ‘to.”

“Bulag ka ba o bobo ka lang talaga? Alam kong alam mo na ikaw ang may kasalanan ng lahat, so shut the hell up!”

“You shut up! Don’t you know who you’re shouting at? I am Eizel Nicole San Diego—”

“I don’t care who you are. I don’t give a shit. Aminin mo nalang kasi na kasalanan mo para matapos na tayo rito.”

She huffed in so much anger. “Everyone gives a shit about me! At saka wala akong aaminin dahil hindi ko naman talaga kasalanan.”

“Kasalanan mo nga e! Bakit ba ang kulit mo? Nasa likuran ako ng sasakyan mo at nanahimik dahil nakita kung traffic. Ikaw naman ‘tong nangangarap yata mapasali sa fast and furious, bigla nalang umatras ng walang sere-seremonya. Nayupi pareho ang sasakyan natin. Ikaw na ang may kasalanan, ikaw pa ang may ganang sigawan ako? Wow! Iba na talaga ngayon ang mundo.”

Napatingin siya sa paligid at nakitang maraming tao ang nakapalibot sa kanila. Agad niyang kinalma ang sarili. Siguradong mababalita siya nito. Wala namang bago doon e. Lahat ng galaw niya, palaging naka-report sa media. Para siyang celebrity na ewan samantalang model siya.

Kalmadong tinawid niya ang pagitan nilang dalawa.

Inilapit niya ang mukha sa mukha nito. “It’s not my fault.” Aniya saka sinipa niya ito sa parte ng katawan nito na hindi nasisikatan ng araw.

“Fuck!” Sigaw nito at sinapo ang alaga. “You bitch!”

She smirked at him. “Aww… masakita ba? Ayos ka lang?”

If looks could kill, kanina pa siya binuburol sa klase ng tingin nito sa kanya. Halata sa mukha nito ang sakit na iniinda dahil sa ginawa niya.

“You’re such a bitch!”

Her smirked widen. “Yes. Yes, I am.”

May narinig siyang busina ng isang motorsiklo.

“Kuya, halika na.” Wika ng babaeng nagmamaneho ng motorsiklo.

“May araw ka rin sa aking babae ka!” Paika-ika ito habang naglalakad patungo sa nakaparadang motorsiklo. Nang makitang sumakay ang lalaki doon at umalis ang motorsiklo, nagpapadyak siya sa galit.

Falling For Ms. Model [Published]Where stories live. Discover now