Chapter 7: Rain

16 0 1
                                    

A/N: Remind ko lang po medyo slow po ako mag-update. Sorry -_- so eto na isang chapter lang kasi may ginagawa pa akong movie editing project.

Chapter 7: Rain

        Matapos ang weirdong usapan namin sa Club Quattro, dumiretso na ako ng uwi. Pagod na pagod talaga ako sa ginawa kong pagtakbo kanina hindi ko akalain na may ganun pala akong talento. Medyo umaambon na habang naglalakad ako pauwi ng bahay, dapat lagi akong nagdadala ng payong. Habang nakatakip ang bag sa ulo, pumasok ako ng bahay.

"Ma, andito na ako!" sigaw ko habang nagpupunas ng braso.

"O, anong nagyari bakit ang aga mo?" nag-aalalang sabi ng mama ko habang lumalapit sa akin

"Ewan ko ba ang weirdo nila kanina eh," sabi ko habang nagtatagal ng sapatos

"Bakit ba kasi wala kang payong?" sabi ng mama ko habang papapunta ng sala at buhat ang bag ko

"Malay ko bang uulan?" sabi ko nagpupunas ng buhok

        Pinalo ako ng mama ko sa braso, tumawa lang ako habang kinukuha ang gamit ko at umaakyat sa kwarto. Nagbihis na ako at nagpapatuyo ng buhok nang biglang tumunog ang cellphone ko.

From: 0946*******

        Ayos lang ba na pumunta ako ng bahay nyo?

       

        Eh??  Sino yung nagtext??

To: 0946*******

        Hu u po?

From: 0946*******

        Si Jin to.

Huwaat?!? Si Jin??? Pano nya nalaman yung number ko??? OMG ano gagawin ko??

From: 0946*******

        Kay Ms. Violet ko nakuha number mo, for tutoring purposes.

Mind Reader ba tong si Jin??? Pano nya nalaman iniisip ko?? Kalma Rina!! Mag-reply ka na nagpaghahalata ka.

Calling 0946*******

Shucks tumatawag sya!!

Hinga malalim.

HUWAA!!!

Rina: Hello?

Jin: Rina?

R: Oh bakit?? (Acting na parang di kinikilig)

J: Walang pasok bukas.

R: Ah ganun ba?? (dissappointed)

J: Oo kaya naisip ko pumunta nalang sa bahay nyo.

R: Bakit? (Kinakabahan)

J: Para sa Tutorial, para saan pa ba?

R: Ah ganon sige ayos lang. (Napahiya)

J: So what time bukas?

R: Mga lunch time?? ayos lang?? (hopeful)

J: Sige kita nalang tayo bukas.

END

HUWAA!! Pupunta si Jin Bukas!!!

 Tumakbo ako palabas para sabihan sina Mama. Sobrang pagmamadali ko nadadapa pa ako.

"Ma!!" sigaw ko habang hinahanap si Mama

"Oh Bakit??" kalmadong sabi ng Mama ko kahit obvious na natataranta na ako.

Hingang malalim

"Pupunta yung tutor ko sa dito bukas." hinihingal ko sabi

"Ganun ba?" sabi nya sabay talikod.

"Ma!" sigaw para habulin sya. Aba parang wala lang di ba? samantalang ako halos mamatay na sa kaba.

"Wala naman kami bukas"

"Ha? Ano?" anong wala bukas di ko gets.

"Aalis kami bukas, ikaw na bahala dito." Sabi ng Mama ko sabay sara ng pinto sa kwato nila ni Papa

"Ma naman eh!" dabog ko

AKO LANG MAG-ISA BUKAS!!

ANO ANG GAGAWIN KO?!

       

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Almond CrushWhere stories live. Discover now