Chapter 2: Ms. Drummer meets Mr. President

37 0 0
                                    

  A.N/ HUWAA!!!! May reads na yung Almond Crush!!!! thank you sa lahat ng bumasa sa kalokohang ginagawa ko!! ^_^ Thank you talaga!!! please leave comments!! Matutuwa talaga ako promise!!! ^_^

arigato~      

Chapter 2: Ms. Drummer meets Mr. President

        Pinagpapawisan na ung mga kamay ko sa sobrang kaba, andaming bagay ang tumatakbo sa isip ko at  pakiramdam ko ilang oras nlang ang nalalabi sa buhay ko.

        Nakaupo ako sa isang monoblock chair habang hinihintay si Ms. Violet, hindi naman dahil sa nakakatakot ang teacher kong yun kung hindi sa maaring kahantungan ng usapan nmin. Alam kong may kinalaman yun sa score ko at sa posisyon ko sa band.

        Habang nakaupo hindi ko maiwasang i-tap ang kanan kong paa sa sobrang kaba at paulit-ulit na sinasabi ko sa sarili kong "magiging ayos lang ang lhat" pero ang totoo di rin ako sigurado sa bagay na yun parang inuuto ko lang sarili ko di ba?  

        Dapat siguro di na ako pumunta, nagdahilan nlang sana ako na may gagawin o kaya dapat tumakas nlang siguro ako. Biglang numukas ung sliding foor ng faculty at nakikita kong papasok si Ms. Violet, with her usual get-up.

        Gusto ko nang tumakbo, magsisigaw, at magtago sa ilalim ng desk pero lahat ng iniisip ko ay di ko magawa para nabato na ako sa upuan, nang tanguan ako ni Ma'am ng makita nya ako ni hindi ko nagawang ngumiti at i-greet sya.

        Habang papalapit siya nagsisimula na akong magdasal sa lhat ng santong kilala, nagsisimulang isipin kung ano ang gagawin ko sa oras na may hindi magandang nangyari nang umupo si Ma'am sa harap ko at tumikhim doon lang ako natauhan na kahit anong gawin ko kailangan kong harapin to. FIGHTING!!

"Ms.Suzuki?" marahang tawag ni Ms sakin

"Y-yes, Maam?" kabado kong sagot, naku naman bakit ako nag stammer??  Nang makita kong may nilabas si Ma'am na mga papel mula sa kanyang drawer na sa tingin ko ay mga test results ko mas lalo akong kinabahan.

"As you can see Rina since prelims ikaw ang may pinakamababang test score sa buong klase, ayoko namang husgahan ka kaagad nang hindi kita tinatanong man lang hindi ba?? Midterm na ngayon hija, nag-aalala na ako dahil dalawang terms nlang at magiging 3rd year kna," mahinahong paliwanag nya hababg inaayos ang salamin sa mata

"You had a passing score yes actually wala namang mali dun at hindi nman bagsak yun pero sa tally of records ang score mo ang lowest, I'm expecting so much from you hija, before you enter the band you promise na you will work hard para pagsabayin ang pag-aaral mo at band," she continue while looking at me

"Eh maam ginagawa ko naman po ang lhat ng mkakaya ko," kumbinsi ko sa kanya

"I know pero nag-usap kmi ng School Dean with regards with your performance," sabi niya

"Si Dean po?" kabado kong tanong

"Yes the dean himself, you know we've been keeping an eye for you since your a band formed and the other three proved that they can balance their studies and extra-curicular activities," paliwanag nya

"Ganun po ba?" nagdududa kong sabi kay Ma'am yung dalawang kurimaw na yun wala problema sa pag-aaral? SI TOMO AT MAMI?? si Haru pwede pa pero ung dalawa, I DOUBT IT! No! NEVER! HINDI!

"Yes so the Dean and I suggest na magkaroon ka ng tutor," patuloy nito

"Tutor po? Sino po?" nagtataka kong tanong kay Ma'am nang biglang bumukas ulit ung sliding door at pumasok si Jin Crosszeria, ang clas president ng klase namin at ang secret crush ko

"Please take a seat Mr. Crosszeria," pormal na sabi niya habang tinuturo ang upuan na katapat ng upuan ko

        Di ko maiwasang matulala sa kanya, ang tangkad niya talaga, matangos ang ilong maputi, matalino, mabait, gwapo, mayaman at lhat na nsa kanya.Kung meron mang sinasabing perfect siguro sya na yun.

        Sa tuwing nakikita ko sya di ko talaga maiwasang isipin na bka anghel sya dahil nagliliwanag ang paligid tuwing nandyan sya, oo korni na kung korni eh sa yun yung nararamdaman ko pake nyo ba??

        Kung kanina pakiramdam ko bibitayin na ako ngayon naiisip ko na di bale nang ito na ang huling araw ko kung siya nman ang huling kong makikita at least mamamatay akong masaya dahil nakita ko siya ngayon. Mama, Papa pasensya na hanggang dito nlang siguro ako mag-iingat kayo ginawa ko na po lahat wag kayong mag-alala namatay po ako habang nakatitig sa crush ko.

"Rina?,Rina?" tawag ni Ms. Violet na nagpabalik sakin sa totoong mundo mula sa pagdedaydream ko

"yes maam?" nahihiyang kong sabi  at sure ako na nagbu-blush na ako, nang makita kong nakatinging sa akin si Jin mas lalong nadagdagan yung pag-iinit ng pisngi ko.

"So Rina , Jin he will be your tutor," pormal nyang sabi habang nakatingin kay Jin.

Almond CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon