Chapter 4: Excitement

30 1 2
                                    

A/N: Huwaa!!! sorry for not updating this past few days,, busy eh,,, anyways I'm going to update 2 chapters!!! ENJOY!!~~ ^_^

CHAPTER 4: Excitement

"Ma, andito na ako," sabi ko habang nilalagay ung school shoes ko sa shoe rack at dumiretso sa sala. Nakita kong lumabas si Mama sa kusina habang nagpupunas ng kamay sa apron nya

"Nine na ngayon lang kayo natapos sa practice? Bkit may gig ba kayo bukas?" nag-aalala nyang tanong, nilapag ko ung mga gamit ko sa sofa bago humalik sa pisngi nya

"Opo ma, sa Club Quattropo kami bukas. Si papa po?" tanong ko habang binubuksan ung food cover sa lamesa,

"Eh nasa trabaho pa bka pauwi na rin un, o siya dalhin mo na yang mga gamit mo sa kwarto mo at magbihis kna nang mkakain kna parang pumapayat kana," concern na sabi niya

"Ma, sexy ang tawag dun hindi payat," nakatawang kong sabi

"Ewan ko ba sa inyong kabataan ngayon, sexy aanhin mo yun kung maoospital ka naman dahil sa ulcer di ba?" nanenermong sabi nya

"Si Mama, ulcer?? ayos lang ako ano ka ba," sabi ko habang umaakyat ng hagdan pagpasok ko sa kwarto nilapag ko yung mga gamit ko sa sahig at nagbihis ng pambahay, nagsusuklay na ako ng tumunog yung cellphone ko,

nasa bahay na ako -Haruna

dumaan ako ng tindahan bumili ako ng melon pauwi na ako -Mami

may nakita akong cute na ballpen sa bookstore kanina -Tomomi

napangiti ako sa mga na-receive kong text message, nagsimula akong mag-compose ng text nang tumunog ulit ang phone ko

3pm, Club Quattro-Eisuke

napasimangot ako sa nakita, ang bossy talaga ng lalaking to, sinend  ko sa kanilang apat yung na-compose kong message at nilapag ko yung cellphone ko at lumabas ng kwarto.

"Ma anong ulam natin?" tanong ko habang umuupo 

"May adobong manok dyan," sabi ni Mama habang nagliligpit ng mga pinaghugasan

"Ma, bukas pwede bang igawa mo pa ako ng isa pang bento?" sabi ko habang naglalagay ng kanin sa plato

"Bakit wala na nman bang baon si Tomomi kanina?" sabi niya habng nagpupunas ng kamay at umuupo sa katabi ko upuan

"Hindi pra kay Tomo ung bento dun sa tutor ko," sabi ko habang inaabot ang yung mangkok ng ulam,

"Tutor?" takang tanong ni mama, nilunok ko muna yung sinubo kong kanin bago nagsalita

"Kasi binigyan ako ng tutor ng teacher ko sa math," alanganin kong sabi 

"Naku sabi ko nman sayo mag-aral ka ng mabuti sa math eh,o siya akong bhala dun sa bento mo, ilagay mo na yang plato mo sa lababo at ako nang maghihintay sa papa mo," tumayo ako at nilagay ang plato ko sa lababo

"Sige Ma akyat na ako sa itaas," sabi ko sbay halik sa pisngi ni mama

Pumasok ako sa kwarto ko at humiga sa kama, hindi ko mapigilang mapangiti, shucks! eto na yon! dpat magpaganda ako bukas. 

Eh? wag nlang kaya? baka masyadong mahalata ako,habang nagtatalo pa yung isip ko umupo ako sa harap ng salamin at nagsimula magsuklay.

Ano kayang hairstyle ko bukas? ponytail? masyadong stiff, pigtails? wag mukhang kinder, braid kaya on both sides? eww mukha akong si galema, headband? mukhang probinsyana, french bun? kamukha ko sim Ms. Violet, napasabunot ako sa sobrang fruatration.

 Ano ba yan wala akong maisip, maglulugay nlang ako bukas bhala na. Tumayo ako at humiga sa kama bahala na si batman, superman,wonderwoman, kapitan awesome o kahit sinong superhero dyan sa kanto.

Ang mahalaga makikita ko sya bukas.

Almond CrushWhere stories live. Discover now