Chapter 21

16 0 0
                                    

Kyle's P.O.V

(A/N: after of how many chapter nakapag POV narin ako ng isa sa mga Character OMZEEEE like si Kyle pa muna ang I-P-POV ko kasi alam niyo na I like his attitude nanlilibre kasi hahahhahahha).

Nang matapos ko nang ihatid kay Kim yung pinapautos nito sa akin ay agad na akong umalis. Nang makaakyat na ako sa coastal road at humanda ng umalis ng biglang may makita akong isang bultong pamilyar sa akin. Nakacardigan ito ng Grey habang yakap yakap ang sarili. Tahimik akong naglakad papunta sa gilid nitong may kalayuan sa kanya.

Nang makasiguradong hindi ako nito makita ng husto ay tahimik akong nakatitig sa mukha nito. Ang kanyang medyong singkit na matang nakatingala sa taas, ang hindi masyadong matangos nitong ilong na nagbibigay ganda sa mukha nitong inosente, ang labi nitong mapulang nakakurba na heart, ang pisngi nitong lumalaki sa tuwing ngimingiti ito.

Ilong beses itong bumuntong hininga at nakikita ko rito ang bigat ng mga hininga nito at pagiging tulala nito. Ilang beses ko nang lihim na tinitigan ang mukha nitong maamo pero ito na ata ang pinakamatagal na malaya kong natitigan ng palahim ang mukha niya. Ilong oras muna nitong naka upo at bigla siguro nitong maisipang umalis na ng dahil bigla ito umikot at tumayo pero bago ito maka alis ay bigla itong natigalan at may tinitignan kaya agad kong tinignan ang tinitingin nito. Ganoon nalang ang gulat ko ng makita ang bulto ni Gino at Alli na nakayakap na pero mas nagulat ako ng makitang biglang yumgyug ang balikat ni Hera.

Biglang may naramdaman akong sumasakal sa puso ko ng maramdamang umiiyak si Hera kaya bago pa ako nakapag isip ay naglakad ako papalapit rito at hinila ito papalayo kina Gino.

"Umiyak ka na, umiyak ka na hanggang sa mamanhid na ang mga luha mo" Sabi ko rito habang niyayakap ito.

"K-Kyle?" Gulat na tanong nito sa pangalan ko.

"Umiyak kana, alam kong masakit" Kasi ako rin nasasaktan.

At ganoon ngang ginawa nito umiyak ito at ng matapos ay bigla ito kumalas sa pagkakayakap sa akin at humarap. Malungkot parin ito. At nasasaktan ako!.

"P-Pasensya kana n-nabasa ko ang d-damit m-mo" Hinging patawad nito.

"Ayos lang ako naman ang yumakap sayo" Sagot ko at pilit itong nginitian.

"A-ano nalang g-ginagawa mo r-rito?" Biglang tanong nito.

"May hinatid lang ako kina Kim timing naman na dito ako sa coastal road dumaan at nagpark nang makita kita" Sagot ko "Shh tahan na" Pagtatahan ko rito at yinakap ulit ito.

"Ang sakit pala noh? Ang sakit na makitang may mahal ng iba ang mahal mo" Oo masakit nga soooobrang sakit!.

"Pero mas masakit makitang umiiyak ang taong mahal mo sa taong mahal niya" Malungkot na sabi ko rito.

"Bakit ganoon nagmahal lang naman tayo ahh ba't kelangan pa nating masaktan? Bakit ba kasi nagmahal tayo sa taong may mahal ng iba" Sambit nito. Bakit ba kasi hindi nalang ako ang mahalin mo Hera? Andito naman ako.

"Para siguro iparamdam sa kanila na andito tayo nagmamahal sa kanila, nagmamahal sa kanila sa mga taong nananakit sa kanila, pero mukhang manhid sila eh hindi nila nararamdaman ang presensya natin" Biglang anas ko.

Katahimikan ang namou sa pagitan naming dalawa.

"S-salamat pala K-Kyle ah" Basag nito sa katahimikan at saka pinakita nito ang pilit ngiti nito.

Someday (ACS#1)Where stories live. Discover now