Her father

33 5 0
                                    

------------♠♠♠

---Her Father

>>>♠

Pauwi na siya sa bahay. Hindi niya kasama si Clair na umuwi dahil may pupuntahan pa daw ito kasama ng barkada nito.

Sumakay siya ng jeep at pumara pagdating sa tatlong kanto kung saan naroon ang apartment niya.

Pagbaba niya sa jeep ay mayroong tao na basta na lang siyang hinigit at pinasakay ng pilit sa Van.

Nanlaban siya subalit nanlambot ang tuhod niya at dumilim ang paningin niya dahil sa kakaibang gamot mula sa panyong tinaklob sa kanya.

Paggising niya ay nakatali ang kamay niya sa likod at hindi makagalaw.

"Mabuti naman at gising ka na"

Napatingala siya. May dalawang lalaki ang nasarap niya na tila pinagiisipan kung ano ang gagawin sa kanya.

"S-sino kayo? Anong kailangan nyo sa'kin?"

"Ako ang 'yung ama" deretsang sabi ng isang lalaki

"A-ama? Patay na ang ama ko." Naguguluhang sabi niya

"'Yun ba ang sabi ng mama mo sayo?"Naiiling na sabi nito at lumapit sa kanya. "Hindi mo ba nakikita? O malabo ba yan mata mo? Tignan mo maigi ang mukha ko sa mukha mo"

"Bakit nyo ginagawa 'to?"

"Isa ang gusto namin. Ang malaman kung nasaan ang kayamanan"

"Kayamanan?"

"Oo. At alam kong alam mo 'yun di ba?"

"Wala akong alam"

Hinawakan siya nito sa panga at pinisil iyon

"I've been doing this for fifteen years. Hindi na sana magtatagal ang paghihintay ko kung hindi nagtago ang mama mo. Sinabi kong papatayin kita kapag hindi niya binigay ang kayamanan. Pero naging matigas siya. Sorry na lang siya dahil ang sinabi ko ay sinabi. I can kill you again.,kung hindi mo sasabihin kung nasaan ang kayamanan, Gaya ng ginawa ko sa iyong ina, mamamatay ka."

"P-pinatay mo sya..?" Bagsak ang luha sa pisngi niya

"Proudly say, Yes. At naiinis ako dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malaman kung nasaan ang kayamanan."

"Wala akong alam sa kayamanan"

"Kung hanggang ngayon, itatanggi mo pa 'yan. Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka ulit."

"Patayin ulit?"

Umiling ito. "Sigurado akong pinatay na kita noon kasama ang walang kwentang boyfriend mo. Nakakapagtaka. Heto ka sa harap ko at buhay."

Napalunok siya. "School myhts"

"Ano sa tingin mo, Gion?" tanong nito sa kasama.

"Sa tingin ko, may kambal sya"

"Naisip ko rin ang bagay na 'yan."

"Kayo ang pumatay sa school myhts?"

"Oo. Pinatay ko sila dahil hindi nila ibinigay ang kailangan ko. At ganun din ang gagawin ko sayo kung hindi mo ibibigay sa akin"

"Pero wala talaga akong alam. Maniwala ka. Hindi ko alam kung nasaan ang kayamanan"

"Kung ganon, bibigyan kita ng panahon. Tatlong araw. Kapag hindi mo naibigay sa 'kin,papatayin kita"

Nanginig siya sa takot.

"Tandaan mo. H'wag kang tatawag ng pulis."

Pinakawalan siya ng isang lalaki na kasama nito. Hinatid siya nito palabas ng lumang bahay kanyang ama.

Tulala siyang umuwi ng apartment. Agad niyang niyakap si Clair ng makita ito pagbungad sa pinto.

"Anong nangyari sayo. Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong nito sa kanya.

Nanghina ang tuhod niya at napaluhod.

"Kailangan kong hanapin ang kayamanan. Kung hindi, patatayin nila ako"hagulgol niya dito

"Ano bang sinasabi mo?"

"Ang school myhts. Totoo ang school myhts. Ang papa ko sya ang may dahilan kung bakit namatay ang mama ko. Siya ang pumatay sa couple myhts. At ngayon ako ang puntirya niya."

Napasinghap si Clair.

"Anong gagawin ko Clair? Papatayin nya ako kapag hindi ko nakita ang kayamanan"

"Sshh. Hindi ka mamamatay. Hahanapin na'tin ang kayamanan."alo ni Clair sa kanya.

"Saan ko hahanapin ang kayamanang itinago nila?"

"Tutulungan kita. Kakausapin ko ang mga multo nila para ituro sa atin ang kayamanan"

"Clair. Natatakot ako. Ayokong mamatay."

"Ayoko ring mamatay ka. Pupunta tayo ng library. Hahanapin natin ang kayamanan"

"Sa library. Tama ka. Maaaring naroon ang kayamanang tinatago nila."

------------♠♠♠

till death do us falling in loveWhere stories live. Discover now