Ghost hunting

33 5 0
                                    

------------♠♠♠

---Ghost hunting

>>>♠

Nasa tagong bahagi siya ng library ng marinig niya doon ang grupo ni Florera.

Mahinang naguusap ang mga ito at tila may inililihim.

Lumapit siya at bahagyang natago sa isang shelf malapit sa mga ito.

"Okay, guys. Ganito. Wala dapat sinumang makaalam sa gagawin na'tin."

"Sarado ang bibig namin." P

"Zipped" A

"Papatunayan natin sa kanila na hindi tayo nababaliw. Na meron talagang multo sa lugar na 'to"

"Sa library na 'to." Linaw ni P

"Mamaya, tuloy ang plano na'tin mag-ghost hunting. Dalhin nyo ang mga kailangan. Ipapamukha natin sa kanila ang kamalian nila." Determimdong sabi Florera sa dalawa saka tuluyan ng umalis ng library.

"Ghost hunting huh? Bakit nila gagawin iyon eh, takot naman sila" sabi sa sariling naiiling.

"Cassandra!"

Napalingon siya kay Clair na pumasok sa library.

"May sasabihin ako sayo."sabi nito pagkalapit sa kanya

"Ano na naman?"

"Niyaya ako ni Florera na mag-ghost hunting mamayang gabi."

"Oh, anong sabi mo?"

"Sabi sige. Isasama kita. Abah! Bigla na lang tumakbo. Akala ko kung ano na., yun pala. May lalaking nakamasid sa'min."

Napalunok siya at niyakag ito sa malayo sa mga taong naroon.

"May sasabihin ako sayo. Alam mo ba?"

"Oh, hindi ko alam"

"Ano ka ba? Patapusin mo nga ako."sabi niyang may mahinang paghampas dito. "May nakita akong white lady sa C. R. ng building na'tin"

Napasinghap ito. "Hindi nga. Ibig sabihin bukas din ang third eye mo?"

"Hindi ko alam. Pero hindi lang ako ang nakakita pati ang grupo ng florera"

"Mamaya pumunta din tayo" yaya nitong nagpaalam sa kanya.

Kinagabihan ay sabay silang nagpunta sa school. May dala silang flashlight, cellphone, camera, telescope at ilang battery. Nagsuot din sila ng coat na parang detective sa gabi.

Nakita nila ang grupo nila Florera na nauuna sa kanila. Hindi makapasok ang mga ito dahil naroon ang guard na nagbabantay.

Nang saglit na umalis ang guard para kausapin ang isa pang guard na may hawak ng cellphone ay agad pumasok ang mga ito.

Sumunod naman sila ng hindi napapansin ng mga ito. Wala silang ginawa kundi ang sundan lang ang mga ito papunta ng library.

Mula pa sa malayo ay tanaw na niya na may pumasok nga na dalawang nakaputi na tumagos mula sa pinto ng library.

Napatingin siya kay Clair.

"Nakita mo?" Mahinang tanong niya.

Tumango lang ito at mahigpit na yumakap sa braso niya.

Ang grupo nila Florera ay nagpunta sa library at sumandal sa pader. Samatalang sila ay nagaabang at nagtatago lang sa may santan.

Nilabas ni Clair ang camera samantalang sumilip naman siya sa telescope.

Mula sa kinatayuan nila ay dinig niya ang ingay. Tila isang babae na nagwawala at sawi sa pagibig.

Natakot ang grupo ni Florera at nagtago na lang sa gilid ng pasamano.

And then she saw the whitelady comes out the door.

Tinignan niya ito sa telescope. And she was shock. Umiiyak ang whitelady.

Paanong...?

Ibinigay niya ang telescope kay Clair. And she was shock too saka marahang tumingin sa kanya.

"Bakit?"mahinang tayong niya

Pero hindi siya nito sinagot at muling tumingin sa telescope. Zinoom nito at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kanya.

Kinuha niya ang telescope at tinignan niya ang babae. Maganda ito kahit may bahid na lungkot ang mga mata nito.

"Hoy! Kayo dyan!"

Napalingon sila sa guard na dumating na may hawak ng flashlight.

Akala niya sila ang nasita hindi pala. Ang grupo ni Florera.

Muli syang tumingin sa multo pero nawala na ito.

------------♠♠♠

till death do us falling in loveWhere stories live. Discover now