School myths

37 5 0
                                    

------------♠♠♠

---School Myhts (Sabi nila)

>>>♠

Nakakalumbaba siya habang nagdodrowing sa notebook niya. Nakangiti siya sa kawalan at iginuguhit ang mukha ng taong nasa isipan niya.

It was Yugin.

He asked her out after class. At hindi na siya makapaghintay na dumating ang oras na 'yun.

But before that. Sabay silang maglulunch.

"Narinig nyo na ba ang balita? Ang sabi nila, nagpakita naman daw ang multo sa library" classmate 1

Napukaw siya sa topic na pinaguusapan ng mga classmate niya.

Sa library? Imposible naman. Kay tagal na niyang naglalagi dun pero wala naman siyang nakikita.

"At ang sabi pa nila, si Mang kanor daw ang nakakita." Classmate 1

"Ha? 'Di ba sya yung narumonda sa gabi dito sa school natin?" Classmate 3

"Oo. At kagabi..nakita daw niya mismo ang white lady na pumasok sa library" classmate 1

"White lady? Hindi kaya si..." Hindi nito tinapos at lumingon sa kanya.

Umirap siya at muling binalik ang paningin sa dinodrowing.

"At may kasama daw na lalaki" clasamate 1

"As in. Lalaking multo?" Classmate 2

"Magsyota kaya sila?"classmate 3

"Posible daw na ang dalawa ay ang couple myhts ng school."

"Ang magsyotang namatay sa school dahil sa kayamanan?"

Muli syang napatingin at pasimple nakikinig sa mga ito. Pero humina ang boses ng mga ito kaya lumapit na siya mula sa likuran ng mga ito.

"Nagmumulto sila dahil hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang mga criminal"

"Nasa library kaya yung kayamanan?"

"Posible. Pero ang sabi nila, Kung sino man daw ang magtangka na kunin iyon ay hindi nila patatahimikin"

"Bigla akong nilamig." Classmate 2

"Hindi kaya..narito sila?"classmate 3

Nakaisip siya ng pilyo.

Bahagya siyang umupo at hinawakan ang mga paa nila.

"Wah!!!"nahiyawan ang tatlo at lumabas ng classroom

Natatawa na lang at umiiling.

Matapos ang klase ay agad niyang hinanap si Yugin para sa lunch nila. At naroon nga ito sa labas ng kanilang classroom at inaantay siya.

"Saan mo gustong kumain, sa canteen o sa labas?"tanong nito

"Kahit saan basta kasama kita"

"Naks naman!. Sa labas tayo. May alam akong lugar."

"Sige."

Sumunod na lamang siya dito. Malayo-layo iyon sa school nila pero worth dahil masarap ang pagkain nila.

"Sandali." Sabi nitong kumuha ng tissue at dumukwang sa kanya. Pinahid nito ang gilid ng labi niya.

Napalunok siya ng mapatingin sa labi nito. Ganun na lang ang pagkabog ang dibdib niya dahil sa pakakalapit ng mukha nito sa kanya.

"'Yan. Okay na." Sabi nitong ngumiti at bumalik sa pagkaupo

Ngumiti siya bagaman kinakabahan. Napapatingin na lang siya sa labi na kanina pa niya pinagnanasaan.

Agad niyang kinuha ang tubig at inimom. Pakiramdam niya kasi nanuyo bigla ang lalamunan niya.

After nilang maglunch ay bumalik na sila ng school. Bahagya siyang nailang kaya hindi siya makaimik.

"Ang tahimik mo"puna nito.

"W-wala naman 'to" nauutal na sabi niya

Humawak ito sa braso niya at pinigilan siya maglakad.

"B-bakit?"

"Kakakain mo lamang. Bagalan mo maglakad. Baka magka-apendix ka."

"Ah- sige."

Hinigit siya nito palapit sa kanya at inakbayan siya. "At saka.,bakit ang layo-layo mo sa'kin.?"

"Ei-h. Baka nababasan ka. Ang init eh"

"Siguro nga. Namumula ka kasi"

"A-ako?" Napahawak siya sa mukha.

Tumawa ito. "Kapag pala ang mapulta, kapag namula.,dinaig pa ang kamatis"

"Hindi naman. Sobra naman yung kamatis."

"Okay. Sige. Kamatis na manibalang."

Nangiti siya.

------------♠♠♠

till death do us falling in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon