His favorite place

47 5 0
                                    

------------♠♠♠

---His favorite place

>>>♠

"Kamusta, Manong" bati ni Phantom sa tindero ng tuhog-tuhog.

Nasa park sila malapit sa school nila kung saan naroon nakastay-in si Manong tuwing hapon para magtinda ng tuhog-tuhog.

"Ikaw pala, Yugin. Ang tagal mo ng hindi nakakapunta dito, ah. At mukhang ibang babae na naman ang kasama mo" bistado ni Manong

"Si Manong talaga. Palabiro hehe-he"

Nakangiwi ito ng bigyan niya ng matalim na tingin.

"Na naman?"ulit nya.

Agad siyang inalo ito at pinagpaliwanagan.

"At kailan naman itong—na naman?"nagcross ang kamay na sabi  niya.

"Narinig mo naman si Manong. Matagal na yun."

"Tama sya hija. Matagal na yun,.At nasanay lang talaga ako na iba-ibang babae ang dinadala niya."

"Manong naman. Lalo nyo lang akong pinapahirapan magpaliwanag eh,"

"Sinisisi mo si Manong sa gawain mo?" Nakaismid na sabi niya

"Ghost naman. Iba ang noon kaysa ngayon"

"Kahit na. Anong pinagkaiba nun? Pare-parehas mong dinadala dito ang mga naging girlfriend mo. So anong pinagkaiba non?"

"Malaki. Dahil iba ka sa lahat. Hindi kita gustong itulad sa kanila. Seryoso ako sayo"

"Paano kung sila ang naalala mo at hindi ako?"

"Imposible. Dahil ikaw pa lang, buo na ang isipan ko at wala na akong maaalala pang iba"

"Hah?! Kala mo madadala mo ako sa ganyan?!"

"Ghost, Magtiwala ka lang sa'kin. Dinala kita dito dahil paborito ko ang lugar na 'to. At hindi para maalala ang mga ex ko"

"So mga talaga?"

"Okay. This the deal. From now on, ikaw lang at wala ng iba pang babae na dadalhin ko dito."

"Talaga?"

"Talaga! Si Manong ang magpapatunay!"

"Okay. Sige kumain na tayo" sabi niyang nanguna sa pagkain at pagtuhog.

------------♠♠♠

till death do us falling in loveΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα